Mary POV.
" Ano pupunta kaba or paghihintayin mo yung prince charming mo? "
Pagkasabe ni roberto nun bigla ko siyang tinignan...
" Ano magtititigan nalang ba tayo dito panget? " Nakakunot ang noong tanong sakin ni roberto.
" Eh hindi ko din naman alam eh. " Nakasimangot kong sabe habang nakatingin padin sa papel na nakuha ko kahapon sa box na kasama ng pink dress at pink doll shoes.
" Hay nako balitaan mo nalang ako once na pupunta ka or paghihintayin mo lang sa wala yung tao okay? Bahala ka baka magsisi ka nanaman sa pangalawang beses. " Pagkatapos niyang sabihin yun bigla siyang tumalikod at naglakad palayo sa lamesa namin.
Eh ano ba talaga? Gusto kong pumunta... Pero may nagsasabeng huwag dahil tapos na ang lahat ba't ko pa siya pupuntahan pa? Para saan? Para ipagtapat ko lahat? Para magkaroon kami ng second chance na maging legal? Tapos ano? Panakip butas ako? Aamin ako ng alam kong gusto at mahal niya padin si sarah at kahit anong mangyare siya padin, si sarah padin hanggang dulo...
Yeah, Di nalang ako pupunta. No jeed na siputin siya wala din namang paguusapan eh.
" Makauwi na nga lang. " Sabay kuha ko ng bag ko sa kabilang upuan at naglakad na pauwe.
Habang naglalakad ako bigla akong nakaramdam ng patak ng ambon, tiningala ko yung langit at nakita kong madilim nga. Mukhang bubuhos ang malakas na ulan ah?
" Teka? Andito ba yung payong ko? " Sabay buklat ko ng bag ko at nakita ko yung payong ko sabay nagpatuloy ako sa paglalakad ng biglang umulan ng malakas kaya naman sumilong muna ako sa malapit na tindahan sa school para kahit papaano hindi ako mabasa kung magpapatuloy pa akong maglakad sa lakas pa naman ng ulan eh.
" Ate pwede po bang pabili ng coke? " Tagal ba naman tumila ng ulan eh nauhaw ako at nagugutom nadin, ano ba naman yan -_- Pagkakuha ko ng coke bigla akong napatigin sa may gate sa school ng may marinig akong nagsisigawan.
" Woh! Grabe ang lakas ng ulan pre. " Sabe ng isang lalakeng kasama ng ... Teka? Tropa 'to ni Clint ha?
" Antagal pa ng driver, ano ba yan anong oras pa tayo makakarating niyan sa bahay? " Sabe naman ng isang may hawak hawak na cellphone at nakalagay sa tenga niya.
Binilang ko sila ng mapatigil ako. May kulang... Oo Si Jj tropa nila pero syempre alam na yun, pero wala siya... Walang clint...
" Teka asan si Clint? " Tanong ng isa na si Grey. Oo si grey lang ang kilala ko sa tropa nila dahil siya ang pinakafriendly samantalang ang iba naman snob. Feeling famous XD
Oo nga asan nga ba yung palakang yun?
" Oo nga pre asan si Clint? " Tanong ng isa sa isang kaibigan niya, naiintindihan niyo ba yung isa isa? XD hahaha
" Sabe niya di daw siya sasabay kasi may hinihintay pa siya... " Sabe nung lalake kaya naman si Grey napatigil sa pagaabang ng sasakyan at napatingin dito.
" You mean? Naghihintay nanaman siya!? Ans guess what? Sa garden? Di pa ba siya nagsasawa? " Nakakunot ang noong tanong ni Grey sa kabigan niya.
" Oo nga ang tibay niya ah, tyaka teka naghihintay siya duon ng naulan? Eh walang kabubong bubong sa garden ah? " Pagkasabe nung isang lalake ay bigla nalang itong napasapo sa noo, siguro sa pagkakagulo.
" Bayaan niyo na, pero ngayon ko lang siya nakitang ganyan katyaga sa paghihintay niya eh. Siguro eto na nga yung right time... " Pagkasabe nung lalake nun ay biglang may dumating na sasakyan na paniguradong sundo nila yun.
BINABASA MO ANG
WANTED: The Borrowed GIRLFRIEND. A JaDine FanFic - COMPLETE
FanfictionSi Mary Ann Gonzales ay isang simpleng babaeng walang hinangad kundi magaral at mahalin ang kaisa isa niyang boyfriend na si Joseph John Ramos na isang varsity player at napakabait na tao. Maayos naman ang lahat ng 'to kundi lang dumating yung taong...