02

534 12 0
                                    

Lord, bakit ngayon pa?? Hindi ko maintindihan. Hindi pa talaga ako handang makita siya.

"Uy Tash, tinatawag ka ni Ronnie." sabi ni Jairus.

Ay putek na yan. Akala ko si Donny Pangilinan na.

Lumingon ako at nakita ko nga na si Ronnie Alonte ang na sa harapan ko.

"Tash, nandito ka lang palaa!!" sabi ni Ronnie sabay lakad palapit sakin.

"Hehe. Yeap. May ginawa lang for Myx." sabi ko sa kanya.

"Pinapatawag pala tayo sa star magic ngayon. Kaya tara na??" sabi ni Ronnie.

"Pwede mo naman ako itext, nagpunta ka pa dito." sabi ko na nahihiya.

"Wala sakin phone ko ngayon and pinapasundo ka ni Tita Rb." sagot niya at ngumit.

"Uy Jai, Alex!" bumati siya sa mga boys.

Tumayo na ako at nagpaalam na sa kanila.

-

"You okay?" Tanong agad ni Ronnie pagdating namin sa elevator.

"Yeap. Okay lang naman. Nakahinga ako ng malalim nung nakita kong ikaw yung tumawag sakin." sagot ko.

Oo, alam niya. Matagal na kasi akong nasa management ni Mrs. Rb Alonte Chanco. Kaya close na kami ni Ronnie, dati pa.

"Kaya nga nagpunta nalang ako ng Myx e. In case na ma-awkward-an ka. Buti nalang hindi siya nagpakita sayo." sabi ni Ronnie.

"Parehas yata kaming hindi pa handa. Basta hindi pa ngayon. Ayoko pa siyang makita." sagot ko kay Ronnie.

"Okay lang yan, Tash. It takes time. Nandito lang ako. Okay?" paalala ni Ronnie.

Nginitian ko sya at nagthank you.

Pagdating namin sa Star Magic office. Nagmeeting tungkol sa upcoming projects naming dalawa ni Ronnie. Hindi kami magkaloveteam, may kanya kanya kaming gagawin. Totoo na ba 'to? Makakasama ba ako sa isang primetime sa hapon?? Finallyy!!

"Tasha? May commecrial kang isshoot next week. KremTop. Kasama mo si Ronnie, Donny, at Maja." sabi ni Mr. Katigbak sakin.

Nanlaki naman mata ko na kasama si Donny. Pero buti nalang hindi nya napansin.

Oo lang kami ng oo. So.. Kailangan ko ng i-mentally prepare sarili ko sa pwedeng mangyari. Mapapaaga pa pagkikita namin.
Tadhana, ano ba?

-

Donny's POV:

"Oo pre, sinundo nga" kwento sakin nila Jairus at Alex.

"Eh baka kasi nasa iisang managenent lang sila??" tanong ko.

"Mukha. Eh kasi sabi ni Ronnie 'Pinapasundo ka ni Tita Rb' Yon. Sabi ni Ronnie yon." sagot ni Jairus.

"Mukha namang walang something. Plain friends." dagdag Ni Alex.

"How was being with her?" tanong ko.

"Chill lang niya kasama, Dons. Pero halatang naninibago pa siya sa atmosphere niya." sagot ni Alex.

"I miss her." I told them. I was starting to tear up but suck it all up.

"Man, what happened ba kasi? Is she your ex?" Alex asked.

I just nodded and they understood. Feeling ko hindi na sila nagtanong kasi alam nila na hindi ko pa din kaya magkwento.

"Kain nalang tayo!! Pizzaa!" pag-aaya ni Jairus.

"Sige game ako dyan. Pwede ba antayin nyo ako til 12? Last scene na for SunDon e." sabi ko.

Umokay naman sila dahil tutulog daw muna sila.

-

"Ano game na? Tara na!!" pag-aaya ko. Umalis na kami and nag-drive si Jairus papunta sa isang pizza parlor na malapit sa ABS.

Pagdating namin don, hindi naman ganun kadami tao. Nag-order na kami ng tig-iisa naming pizza and iba pang pagkain. Habang nagkukwentuhan kami. May dumating. Napatingin kami sa pinto, at nakita naming pumasok sila Ronnie, Mark, at iba pang tao ng Alonte Team. Napatingin din sila samin at nagbigay sila ng mga nod at ngiti.

Nagorder na ang iba sa kanila habang si Ronnie may inaantay sa pinto. Si Tasha kaya?

Mga ilang sandali lamang.. Pumasok na nga siya. Tumigil buong mundo ko. Parang akong hindi makahinga.

Lord, she is so beautiful.. She's like getting every inch of my breath. I want to hug her so bad. This girl.. The girl of my dreams. My everything. The love of my life. The one who I broke her heart. The one I promised forever. The one who knows me so well. The one, I love so much. The one I've been waiting the right time for.

I stopped looking and just pretended that I didn't see her. And I just continued to talk to Alex and Jairus. They got what I did and just go along with it. Our orders arrived and we dig in.

-

AUTHOR'S NOTE:

Ang hirap kumilos no? Kapag nandyan si Ex. Hahaha. Sobrang personal experience yung ibang part dito. And hay. Sana handa na talaga kayong masaktan sa mga susunod na kabanata! Kumapit talaga ako sa kinauupuan nyo, at maghanda na ng.madaming tissues. 😭😩😂

Thank you so much for understanding na iniba ko yung plot ng story na 'to. Nahirapan akong ituloy yung isang plot, sobrang mature at out of context for Donny's personality. So thank you ulit!! ❤

At wag na wag po kayong bibitaw sa I'm All Yours. Malapit na po siyang matapos kaya po sana maintindihan nyo ang hindi ko pa pagpopost!

THANK YOU SO SO SOOO MUCH!! ❤💙❤

love you all 😘😘

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon