Pretend I

395 8 10
                                    

Jihoon slowly and quietly walking on the corridor with his brother Seokmin. Oo nag lalakad sya kasama si Seokmin. Take note QUIETLY. Siguro nag tataka kayo kung pano naging tahimik yon e kasama nya si Seokmin. Its because Seokmin is texting his Boyfriend Jisoo.

Jihoon is in his 3rd year in College. While his brother Seokmin is in his 2nd year. And Seokmin's boyfriend, Jisoo is in his 4th year. Jihoon felt peace while walking because of a quiet atmosphere. Not until someone called him.

"JEHUUUUUN!!!" hindi niya ito pinansin at nag patuloy sa pag lalakad.

"JEHUUUUUN!!!! BEYBI BOI Q!!!" Napatigil naman sa pag lalakad si Jihoon at Seokmin. Napapikit ng mariin si Jihoon dahil sa kaingayan ng nilalang na ito.

"Oh hyung. Nanjan na sya. Alis na ko. Mas maaga klase ko kaysa sayo e. Bye!" Pag papaalam ni Seokmin kay Jihoon.

"BEBEBOI!!" Sigaw muli ng kanina pang tumatawag kay Jihoon.

"Ano nanaman ba Soonyoung?" Tanong nito ng may bahid ng pag kairita. "Agang aga binibwisit mo ko!" Sigaw nito.

"E kase bebeboi. Mag kaklase tayo. Kaya naisipan kong sumabay nalang sayoooo.~ Di ka ba masayaaa?~" Soonyoung cheerfully asked.

"Mukha ba kong masaya?! Ha? Soonyoung?!" Tanong nito sabay lakad muli.

"Sabi ko ng hindi. Pero bebeboi. Sa sasabihin ko sayo paniguradong sasaya ka!" Sabi ni Soonyoung habang nakangiti ng malaki. Tiningnan naman sya ni Jihoon na para bang sinasabing mukha-ba-kong-may-pake.

"Ihhh. Bebeboi. Tanungin mo kung ano. Dali na.~" pag papacute nito. Napairap naman si Jihoon.

"Ano ba yon?" Tanong nito. "Tigilan mo kakatawag sakin ng bebeboi kung ayaw mong mahampas ng gitara." Dagdag nito.

"Bakit? Ang cute kaya. Bebeboi~ hehe." Tiningnan naman sya ng masama ni Jihoon. "Sabi ko nga hindi na." Dagdag ni Soonyoung.

"Ano ba kase yon. Bilisan mo may klase na ko." Sabi ni Jihoon kahit wala pa naman talaga syang klase. Gusto nya lang mawala si Soonyoung sa tabi nya.

"Bebe--. Oo na hindi na. So yun nga. Jihoon wala kang maloloko dito. Alam kong 9 pa simula ng klase mo! 8:15 palang oooooh.~" sabi nito. Pinanliitan naman sya ng mata ni Jihoon. Maliit na nga mata niliitan pa lalo. May nakikita ka pa ba Jihoon?

"Pano mo nalamang 9 pa klase ko?" Tanong ni Jihoon sabay upo sa damuhan. Sa pag lalakad nila nakaabot na sila sa garden ng school nila.

"E kase nga bebeboi. Ahihi. Kinikilig ako. Ano. Classmate tayo sa lahat ng subject. Hihi. Aren't you happy bebeboi?- PUTA OO NA. HINDI NA. IBABA MO NA YANG GITARA MO!!" Sigaw nito ng bigla nalang syang ambahan ni Jihoon ng gitara because of that 'Bebeboi' thingy.

"Bakit kita naging kaklase?!" Sigaw ni Jihoon.

"E kase gusto ko!" Sigaw pabalik ni Soonyoung.

"At bakit naman ha?!" Sigaw ulit ni Jihoon.

"E gusto ko nga e!" Sigaw nanaman ni Soonyoung.

"Sinisigawan mo ba ko?!" And there he goes with his favorite line tuwing may kasigawan sya.

"Hindi ah. Eto naman si Jihoonie. Kalma na. Upo ka na ulit dali." Umupo naman si Jihoon.

"So yun nga mag kaklase tayo sa lahat ng subject. So lagi na tayong mag kikita. Lagi mo na kong masisilayan. Ahue." Sabi nito sabay yakap kay Jihoon. At dahil si Jihoon nga ay si Jihoon hinampas nya ng libro si Soonyoung dahil mahirap daw ihampas yung gitara pag nakaupo.

"Aray naman Jehun. Ikaw na nga niyakap e." Reklamo nito.

"Tangina mo! Sinabi ko bang yakapin mo ko?!" Sabi naman ni Jihoon sabay layo kay Soonyoung

"Arti mo talaga Jehun." Sabi nito. Napairap nalang si Jihoon at hindi na sinagot si Soonyoung.

Lumipas ang ilang minuto ng katahimikan. Hindi rin ito nagtagal ng basagin na ni Soonyoung ang katahimikan.

"Jihoon." Tawag nito kay Jihoon. Walang bahid ng kalokohan o kung ano naman ang pag sambit nya ng pangalang iyon.

"Oh?" Tanong ni Jihoon. Sabay tingin kay Soonyoung. Nakita nyang nakatingin din ito sa kanya. Nangg seryoso. Kinabahan naman dahil don si Jihoon.

"2 taon na. 2 taon na simula nung nag confess ako sayo tungkol sa feelings ko. 2 taon na nung tinanong kita kung pwede manligaw. 2 taon na kitang nililigawan. At 2 taon na din akong nag hihintay." Seryosong sabi ni Soonyoung.

"At dalawang taon na din simula nong sinabi ko sayong wala kang pag asa sakin Soonyoung." Sabi ni Jihoon. Sabay iwas ng tingin.

"Jihoon. Wala pa din ba? Wala ka pa din bang nararamdaman para sakin?" Tanong ni Soonyoung.

"Soonyoung. Alam mo ang sagot dyan." Sagot naman ni Jihoon.

"Oo nga. Alam kong wala pa din. Pero. Masama bang umasa. Masama bang umasang sa nakalipas na dalawang taon mahal mo na ko?" Tanong ni Soonyoung. Nang nakatingin pa rin kay Jihoon.

"Soonyoung. Mag hanap ka na ng iba. Hindi ako yung para sayo. I don't deserve someone like you Soonyoung. Please." Jihoon begged and look at Soonyoung with pleading eyes. But wrong move. As he faced Soonyoung he saw some tears in the corner of the latter's eyes.

"P-pero Ji. Ikaw e. Ikaw yung gusto ko. Sana nga madaling makahanap ng iba e. Makahanap ng palit sayo. Pero Ji. Ikaw lang. Nag iisa ka." Sabi ni Soonyoung habang pinipigilan ang sarili sa pag iyak.

"Soonyoung. Look. I don't love you ok? You should look around and find a man or woman who can love you as you love them. Hindi ako Soon. Open your eyes Soonyoung. Open it and look around. Wag na ako Soonyoung. Please." Sabi nito at tumayo na sa pag kakaupo. Paalis na ito ng may itanong pang muli si Soonyoung.

"J-ji. M-minsan ba. Tinry mong m-mahalin ako? Tinry m-mo bang iopen yung puso mo para sakin? Kahit m-magustuhan Ji? Natry mo ba?" Tanong ni Soonyoung habang nakayuko at hinahanda ang sarili sa maaaring isagot sa kanya ni Jihoon.

"Soonyoung. Hindi. Hindi ko tinry. Wala akong balak Soonyoung. Hindi kita mahal. Sinabi ko na sayo yon 2 years ago at yun pa din ang sasabihin ko sayo ngayon. Hindi kita mahal, wag na ako." Sabi ni Jihoon sabay alis. At don. Don na tumulo ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Soonyoung.

"Ganun ba talaga ko kahirap mahalin?" Tanong ni Soonyoung sa sarili ng umiiyak habang pinag mamasdan si Jihoon'g umalis hanggang sa mawala na sa paningin nya.

Pretend ⛔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon