Third Person's P.O.V
Maagang nagising si Jihoon at bumaba sa kusina upang magluto ng almusal. Nakapag desisyon na siya na simula ngayon ay magbabago na siya. Mag papatulong siya sa kapatid, mga kaibigan at syempre kay Soonyoung upang makaalala. Hindi niya na ipag tatabuyan ang mga ito at ibibigay na ang kaniyang tiwala.
Nag isip muna siya ng mga pagkain na alam niyang iluto at mga natutunan niyang iluto sa pamamagitan ng pag nood kay Mingyu tuwing nag luluto ito sa bahay nila.
Nang makapag desisyon na ito ay sinimulan niya ng ihanda ang mga kakailanganin. Apat lang naman silang kakain dahil si Soonyoung ay umuwi na muna sa kanila at babalik sa hapon kaya hindi sobrang dami o kakaonti ang kaniyang niluto. Yung tama lang para sa kanila. Nagsimula na siyang mag luto ng omurice. Dinamihan niya ang kanin at sahog nito kada isa upang mabusog sila Seokmin mamaya.
Matapos makaluto ng apat na omurice ay nag ayos na siya ng kusina at ng hapag kainan. Lumipas ang ilan pang minuto at ala siete na. Narinig niyang bumukas ang isang pintuan sa taas na ikinakaba niya at the same time ay ikina excite.
Nakarinig siya ng yabag indikasyon na nag lalakad na ito papalapit sa kaniya. Nagulat naman ito ng madatnan si Jihoon sa kusina at may nakahain ng pagkain.
"J-jihoon" tawag nito. Ngumiti naman si Jihoon at sinenyasan itong maupo na.
"Ikaw si Jisoo diba? Hyung kita." tanong ni Jihoon.
"Oo Jihoon. Ako ang Jisoo Hyung mo. Ang kasintahan ni Seokmin." sagot naman ni Jisoo at nagpunta sa lababo para uminom ng tubig, nag suka kasi ito
"Maaga kasi akong nagising kaya napag desisyonan ko ng mag luto ng almusal. S-sana magustuhan niyo." nahihiyang sambit ni Jihoon. Napangiti naman si Jisoo at ginulo ang buhok ni Jihoon.
"Thank you Jihoon. Gigisingin ko lang si Seokmin ha?" naguguluhan man ay tumango nalang si Jihoon at sinundan ng tingin si Jisoo na paakyat ng hagdan.
"Oppa?" rinig na tawag ni Jihoon. Napaangat naman siya ng tingin at nakita ang babae niyang kapatid na si Yoona.
"Yoona." sambit nito.
"Are you back now?" tanong ni Yoona at naupo sa harapan ng kuya niya.
"What do you mean?" tanong naman ni Jihoon.
"Ang ibig kong sabihin ay babalik ka na ba sa dati? Yung hindi kami iniiwasan at itinatrato kami ng tunay na pamilya?" nagulat naman si Jihoon ngunit agad ding ngumiti.
"Yoona. Patawarin mo si Oppa kung nahirapan ka dahil sakin ha? Sorry kung hindi kita maalala. Patawarin mo ko. Pero oo, babalik na ko. Wala man akong maalala alam ko namang pamilya ko pa rin kayo at sasamahan niyo akong lumaban" sabi ni Jihoon at nakarinig ng mahinang hikbi.
Nakita nila si Seokmin na umiiyak sa pintuan ng dinning area habang nakamasid sa kanila kasama si Jisoo.
"Totoo nga yung balita nila sakin. Iyakin ka talaga Seoks. Lika nga dito." dali dali namang lumapit si Seokmin at lalong napaiyak ng yakapin siya ni Jihoon maging si Yoona.
"Tutulungan niyo si kuya ha? Gusto ko ng makaalala. Gusto ko na kayong maalala." sambit ni Jihoon at napaluha.
--
"Hyung eto naman yung time na nanalo yung team mo sa soccer nung ng aaral pa tayo sa Busan. Malupit ka kasing leader e." natatawang sambit ni Seokmin.
"Eto naman yung unang beses kang nag perform sa school natin. Self written yung kinanta mo kaya naman natuwa sila at ikaw ang piniling panalo."
"Hyung eto naman yung time na nag confess sayo si Soonyoung. Sumayaw pa siya dan at kinantahan ka. Kung maalala mo lang ay matatawa ka. Pumiyok kasi siya."sabi ni Seokmin at tumawa, natawa rin naman si Jihoon dito.
"Hyung eto naman yung nag perform na tayo sa Pledis University as Seventeen. Tatlong taon din kasi tayong tinawag bilang Pledis Boys e. Ew." sabi ni Seokmin at muling tumawa.
"E eto? Ano namang meron nito?" tanong ni Jihoon at itinuro ang litrato nila ni Mingyu ng magkayakap.
"Hmm. This was the time na sinagot mo si Mingyu with the help of microphone in the quadrangle." natatawang sambit ni Jisoo.
"Mingyu? Diba siya yung matangkad na maitim?" tanong ni Jihoon at tumango naman sila Jisoo.
"Yup. He was your ex. When we're still in Busan." sagot ni Jisoo.
"Talaga? Bakit kami nag hiwalay?" curious na tanong ni Jihoon.
"E kasi hyung nalaman nating may sakit ka at napagdesisyonan na pumunta ng Japan para doon mag pagaling. Sabi kasi ni Doc Lay mas malaki ang possibility na gumaling ka don." paliwanag ni Seokmin.
Tumango tango naman si Jihoon at ipinagpatuloy ang pag tingin sa photo album na punong puno ng ala ala. Mahilig kasing mag kuha si Jisoo, lagi itong may dalang camera saan man mag punta. Ang lagi niya kasing iniisip ay 'paano kung ito na ang huling araw na kasama ko siya?' kaya hangga't maaari ay kinukuhaan niya ng litrato lahat ng pangyayari.
"Tama na to Hyung. Masiyado ng madaming information ang pumapasok sa utak mo. Makakasama rin daw yon sayo sabi ng doctor. Buka na ulit hm?" sambit ni Seokmin at akmang isasarado na ang photo album nang pigilan siya ni Jihoon.
"T-teka. Eto. Si Soonyoung to diba? Anong meron nan?" turo ni Jihoon sa isang picture kung saan nakatalikod si Soonyoung at nakatingin sa puntod ni Jiyoung.
"Eto yung 1st death anniversary ni Jiyoung." sabi ni Jisoo at tiningnan ni Jihoon.
"Sino naman si Jiyoung? Kapatid niya?" tanong muli ni Jihoon. Nagkatinginan naman si Seokmin at Jisoo at hindi alam ang isasagot.
Mag sasalita na sana si Seokmin ng biglang may dumating.
"HI MGA HYEONG KONG BAYOT!! KIM MINGYU'S COUSIN IN THE HOUSE YOOOOW!!" sigaw nito.
"Napaka ingay mo talaga Kim Sumi." sigaw ni Yoona dito at tiningnan ng masama.
"Hehe. Hi bebe. Tara alis na tayoooo." sabi nito kay Yoona at hinigit na palabas. "Babye mga hyeong!!"
Natatawang kumaway sila Jihoon sa dalawang dalaga at inihatid ng tingin hanggang sa makalabas.
"Uhm. Jihoon mag luluto na ako ng lunch, gusto mo ba akong tulungan? Wala kasing alam sa pag luluto si Seokmin e." tanong ni Jisoo dito at tumayo na. masaya namang tumango si Jihoon at nauna na sa kusina.
"Magluluto lang kami babe. Wag ka muna mag isip ng kung ano ano ok? Iloveyou." sambit ni Jisoo sa kasintahan at hinalikan ito sa labi. Ngumiti naman si Seokmin at tinanguan ito.
Nang nakaalis si Jisoo ay itinago na ni Seokmin ang photo album.
"Wala akong karapatan na ipaalala sayo ang parteng iyan Hyung." sabi nito sa sarili at naglakad na paakyat sa kwarto.
"Hahayaan kong si Soonyoung ang mag paalala sa iyo ng inyong pagmamahalan maging ang naging bunga nito."
BINABASA MO ANG
Pretend ⛔
Short Story"In which Soonyoung loves Jihoon so much. And Jihoon needs to Pretend to hate the latter just for the sake of Soonyoung's feelings." Pretend 1 // SoonHoon FF // Short Story