Warning: Lots of Pictures. Better use a connection to view it.
(Continuation of Soonyoung's P.O.V)
*Ding dong*
"Nandito kaya si Mingyu?" Tanong ko sa sarili ko.
*Ding dong*
Mag diding dong pa sana ko nung bigla ng bumukas yung pinto ng condo ni Mingyu.
"Oh Hyung. Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya sakin.
"Ahh e ano kase." Sabi ko sabay kamot ng batok ko. Actually di ko din alam kung bakit ako nandito e. Sabi ni Wonwoo dito daw ako pumunta.
"Pasok ka muna Hyung." Tumango nalang ako at pumasok.
"Ganda ng condo mo ah." Sabi ko sa kanya dahil napakaganda naman talaga. Sobrang linis at ang ganda ng mga furniture.
"Salamat Hyung. Juice oh." Tinanggap ko naman ito at ininom.
"Mag isa ka lang dito?" Tanong ko sa kanya. Nag tagal ng ilang segundo bago sya nakasagot.
"Dati may kasama ako. Ngayon wala na." Sabi nya.
"Talaga? Sino?" Tanong ko naman.
"Yung taong mahal na mahal ko noon." Sabi nya sabay kagat ng ibabang labi.
"Ay sorry." Mukhang ex nya yung kasama nyang tumira dito noon.
"Ok lang hyung. Bat ka nga pala napapunta dito? Tsaka san mo nakuha address ko?" Tanong nya sakin.
"Kay Wonwoo. Hiningi ko kanina. Sinasama ko nga sya kaso sabi nya may pupuntahan daw sya." Sagot ko naman. Mukha naman syang nagtaka.
"San daw Hyung?" Tanong nya kaya ako naman yung nag taka.
"Huh? Ewan ko." Sagot ko naman.
"Teka lang Hyung ha. Tatawagan ko lang si Wonu-Hyung." Sabi nya at tumango naman ako.
"Feel at home Hyung." Dagdag nya pa at nag punta na sa kusina.
Nuks feel at home daw be. Engrish yon be. At dahil feel at home daw. Pumunta ako sa kusina, nag luto ng makakain, nag saing, nag laba, nag linis ng bah— Ok biro lang.
"Ang ganda talaga ng condo nya. Mag kano kaya to? Kaso parang ang lonely nya naman dito." Nag libot libot ako at tumingin sa mga picture frames.
"Ayy hala puta ang cute ni Mingyu at Wonwoo."
"Ay hindi mas cute sila dito."
BINABASA MO ANG
Pretend ⛔
Short Story"In which Soonyoung loves Jihoon so much. And Jihoon needs to Pretend to hate the latter just for the sake of Soonyoung's feelings." Pretend 1 // SoonHoon FF // Short Story