Pretend XXV

85 4 1
                                    

Soonyoung's POV

Tatlong taon na din ang nakalipas. Nakagraduate na kami maging sila Seungkwan, may sari sarili na silang buhay at ang iba ay may pamilya na. Tatlong taon na rin simula nung nawala ang isa sa pinaka mahalagang tao sa buhay ko. Masakit, sobrang sakit. Kahit hindi kami ganong katagal nag kasama naging mahalaga na sya sakin. Kaya nung nawala sya sobrang sakit. I want to kill myself for not taking care of him. Tangina feeling ko ang useless ko. Hindi ko sya naalagaan ng ayos. Sobrang sakit na kahit hanggang ngayon nasasaktan pa din ako tuwing naalala ko yung araw na nawala sya. Yung araw na sinabi ng doctor na hindi nila ito nailigtas.

Gusto kong mag wala pag tapos kong marinig yon. Gusto kong mag tanong ng bakit kay Lord kung bakit nya pa ibinigay sya sakin kung kukunin nya din pala. Gusto kong mag tanong kung bakit ang unfair nya, hindi nya binigyan ng mahabang buhay ang taong mahal ko. Pero nang maisip kong mag wala naalala ko yung mga taong sumusuporta sakin. Naalala ko yung taong mas nasaktan sa pag kawala niya. Naalala ko sila Seokmin. At naalala kong may dahilan ng Diyos sa lahat ng bagay. Kung bakit nya kinuha agad sakin o samin ang taong yon.

Nilapag ko ang dala kong bulaklak sa tabi ng puntod nya at nag tirik ng kandila sabay dasal. Nag papasalamat ako sa kanya dahil nakasama nya kami kahit maikling panahon. Nag papasalamat ako na dumating sya sa buhay ko kahit saglit lang. Halos araw araw ako nadalaw dito. Tinatanong nga ko nila Seokmin kung hindi daw ba ko napapagod. Sinabi ko nalang na 'Pag mahal mo hindi ka mag sasawa na makita sya araw araw' Tanggap ko na naman. Pero syempre hindi ko mapigilang manghinayang para sa buhay nya. Kung sanang nabuhay pa sya edi sana buong pamilya na kami ngayon. Baby ko, miss na miss ka na ni Daddy Soons.

Tinanggal ko ang mga damong nakatabon sa pangalan nya. Ang ganda ng pangalan nya. Ako umisip nyan hehe.

Kwon Jiyoung

Kahit tatlong linggo lang syang nabuhay at hindi pa namin alam ang gender nya binigyan ko na sya ng pangalan. Ganda diba? Hehe.

Tatlong taon na simula nung nawala sya at naoperhan si Jihoon. Ang bebe ko. \^O^/ Hindi ko pa din makalimutan nung sinabi ng doctor na matagumpay ang operasyon nya. Pinakaba pa ko nung doctor ng sabihin nyang muntik ng hindi maging matagumpay yung operasyon ng bebe ko. Huhu. Hate you doc.

Kung nag tataka kayo kung anong nangyari kay Jihoon, well as expected. Wao engrish huehue. Yon nga as expected nawalan sya nang ala ala. Masakit pa din sakin na marinig mula sa kanya yung salitang "Sino ka?" at "Sino kayo?" Hindi lang naman ako ang nasaktan, sila Seokmin din syempre. Pero ginagawa namin ang lahat para makaalala sya. Hindi namin sya susukuan. Ang sakit lang na minsan itinataboy nya ako.

Flashback~

"Jihoonie. Kain ka na. Hindi ka pa kumakain." Nakangiting yaya ko sakanya. pero tiningnan nya lang ako at ibinaling muli ang tingin sa laptop nya at nanood ulit ng kung ano man yan.

"Jihoonie. Kain ka na please.~" pag papacute ko sa kanya. Pero hindi nya pa din ako pinansin.

"Jihoonie nalulungkot si Soonyoung pag hindi mo sya pinapansin." At nag pout ako. Ang cute ko hehe. Pero waepek pa den.

"Jihoon-"

"WHAT THE FCK? ANO BA? NAPAKAINGAY MO. TIGILAN MO NA KO SA KAKA JIHOONIE MO. NAKAKAIRITA KA NA! PWEDE BA MANAHIMIK KA NA. HINDI KITA KAILANGAN OK? HINDI KO KAYO KILALA. IWANAN NYO NALANG AKO! HINDI KO KAYO KAYLANGAN!" hindi ko na napigilang umiyak.

"OH TAPOS NGAYON IIYAK IYAK KA? ILANG BESES KO NA BA SINASABI SA INYO NA LUBAYAN NYO AKO? WALA NAMAN KAYONG MAPAPALA SAKIN E. PABIGAT LANG AKO SA INYO." sigaw pa muli nito.

Tumayo ako't niyakap sya. Nag pupumiglas sya pero mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. Nasasaktan ako dahil sinusuntok nya ang dibdib ko. Pero mas masakit na marinig mula sa kanya na hindi nya ko kailangan. Sobrang sakit.

"Ji. H-hindi ako susuko hangga't m-maalala mo ko, kami. Ji k-kakasimula pa lang natin e. Kaylangan natin ituloy yon. W-wala akong pake kahit ilang beses mo kong ipagtabuyan. Ang mahalaga kasama kita. Mahal na mahal kita Jihoon. At hindi mag babago yon."

End of Flashback~

Hindi yon ang huling beses na pinag tabuyan ny ako. Madami pang beses sa iba't ibang paraan. Pero hindi pa din ako sumusuko. Gagawin ko lahat para maalala nya ko.

"Jiyoung uuwi na si daddy ha? Birthday kasi ngayon ng mommy mo e hehe. Baka hinahanap na rin niya ko, Baka miss nya na ko huehue. Babye baby. Babalik si daddy bukas. I love you." pag papaalam ko sa anak ko at umalis na sa sementeryo.

Nag aabang ako ng sasakyan ng may tumigil na sasakyan sa tapat ko. Bumaba ang bintana nito kaya sinilip ko kung sino yon. Si Mingyu.

"Hyung sabay ka na. Papunta na din ako sa inyo e." sabi nito at pinag buksan ako ng pinto. Pumasok ako at nag simula na sya mag drive.

"Kamusta na kayo ni Jihoon Hyung?" tanong nito.

"Hindi ko alam. Hindi nya pa din ako maalala. Hindi nya pa din ako mahal. Pinag tatabuyan nya pa din ako." sabi ko at napatingin sa labas.

"Maaalala ka din nya Hyung. Mag tiwala ka lang sa kanya." sabi nito at binigyan ako ng ngiti.

"Kamusta na kayo ni Wonwoo?" tanong ko naman. Nagulat naman sya pero ngumiti din ng maliit.

"Wala pa din akong alam kung nasaan sya. Ni hindi ko alam kung nasa Korea pa ba sya o nasa ibang bansa na." sagot nito at iniwasan ang tingin ko. Matapos ni Wonwoo na makagraduate umalis agad siya at hindi na nag pakita kahit kanino, bukod nalang saming pamilya niya.

"Hyung sorry. Nasaktan ko si Wonwoo hyung." sabi nito at itinigil ang sasakyan at hinarap ako.

"Hyung sorry talaga. Niloko ko sya, nisaktan ko sya at hindi pinahalagahan. Pero hyung maniwala ka nag sisisi ako kase ginawa ko yon sa kapatid mo. Patawarin mo ko hyung." sabi nito at umiyak.

"Wag ka sakin mag sorry Mingyu. Napatawad na kita. Matagal na." sabi ko at nginitian sya.

"Hyung hindi ko na alam gagawin ko. Walang araw na hindi ko inisip kung nasaan ba sya, kung nakakakain ba sya ng tama, kung ayos lang ba sya at kung mahal nya pa ba ko." Lalo pang lumakas ang pag iyak nito. Naaawa na ako sa kanya.

"Mingyu konting tiis pa ha? Babalik din sya sayo. Mag kikita ulit kayo. Konti nalang hm?" Sabi ko at niyakap sya.

"Siguro nga hyung. Kaya kong mag intay kahit gaano pa katagal basta makita ko lang na ayos sya." sabi nya't pinunasan ang mga luha nya. At kumalas sa yakap. Nginitian nya ko. Pero hindi umabot sa mata nya.

"Baka iniintay na tayo ni Jihoon Hyung. Tara na" at nag maneho na ulit sya.

Nang makarating kami sa bahay namin ni Jihoon. As usual nandoon sila. Kompleto kami. Si Wonwoo nalang ang kulang.

Papasok na sana si Mingyu sa bahay ng pigilan ko sya. Nag taka naman sya dahil don. Pero inabot ko lang sa kanya yung papel at nginitian sya.

"Ano to Hyung?" takang tanong nya. Ngumiti ako sa kanya.

"Matagal ka na niyang hinihintay."

Pretend ⛔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon