Jihoon's P.O.V
Tatlong linggo. Tatlong linggo na ang nakakalipas simula nung nakalabas ako ng hospital. Sa tatlong linggo na yon madaming nangyari. Nag paalam muna kami sa principal na hindi muna kami papasok sa loob ng isang buwan. At since graduation nanaman after 3 months pinayagan na kami. Basta mag pasa daw ng requirements para makapasa naman kami. Nalaman na rin ng buong school at syempre ng Seventeen ang tungkol sa sakit ko. At nung araw din na nagising ako ay ang araw din ng pag hihiwalay ni Mingyu at Wonwoo.
Matapos sabihin ni Soonyoung na hiwalay na si Wonwoo at Mingyu pinauwi ko muna sya para kay Wonwoo. Hindi nya man sabihin alam kong nag aalala sya para sa kapatid nya. Nang araw lang din yon namin nalaman na mag kapatid pala si Soonyoung at Wonwoo. At hanggang ngayon hindi pa din namin alam ang totoong dahilan kung bakit sila nag hiwalay at kung sinong naki-paghiwalay.
At kung tungkol naman samin ni Soonyoung. Ok kami. Sa tatlong linggo na yon hindi nya ko iniwan o pinabayaan. Wala syang ginawa kundi iparamdam sakin kung gano nya ko kamahal. At syempre ganun din ako sa kanya.
Tungkol naman sa sakit ko. Lagi akong tinatanong ni Soonyoung kung anong nararamdaman ko. Ayokong sabihin sa kanya na halos hindi na ko makakita. Ayoko sirain ang kasiyahan nya. Lalo na ngayong nasa bakasyon kami.
"Ji. Gutom ka na ba? Mag luluto na ko?" Ayan nanaman sya. Nangungulit.
"Soons ok lang ako. Wala pang isang oras makalipas nung kumain tayo ah?" Napakamot naman sya ng batok nya.
"Baka kasi gutom ka na. O kaya si Baby." Sabi nya sabay hawak sa tyan kong flat. Nabatukan ko naman sya.
"Loko loko! Wala pang laman yan. Puro pagkain." I heard him chuckled. Ok. I lied.
"Wala pa din? Lagyan na natin Ji?" Sabi nya sabay smirk sakin.
"Baliw ka talaga!" Sabi ko sabay tayo.
I was about to walk ng makaramdam ako ng hilo. Matutumba na sana ko ng hawakan nya ko. Inalalayan nya ko papunta sa sala kung san kami nakaupo kanina.
"Ji? Ok lang ba? Anong nararamdaman mo? Teka kukunin ko yung gamot mo." Pag papanic nya at pumunta ng kusina para kumuha ng gamot ko.
Nang makabalik na sya ibinigay nya sakin ito kasama ang inumin at ininom ito.
"S-salamat" mahina kong banggit.
"Ji. Gusto mo ba bumalik na tayo ng Seoul? Para makapag pacheck up ka na?"
"No. Soonyoung. Tatlong linggo palang tayong nandito sa Busan ah. Dito muna tayo. Diba babalik ako after one month para sa operation? Let's just enjoy our trip ok?" Sagot ko at hinawakan ng pisngi nya. Halos hindi ko na sya maaninag.
"Ji sigu—." I cut him off by kissing.
"I'm fine as long as I'm with you ok?" He sighed and slowly nodded.
"How's Wonwoo?" Tanong ko sa kanya.
"He's fine. I guess?" Sagot nya naman.
"Ano bang nangyari? Bakit sila nag hiwalay?" Tanong ko at humiga sa hita nya.
"No one knows. Hindi sya nag kwento sakin. Basta nung umuwi ako ang sinasabi nya lang e 'pagod na sya mag panggap' "sagot nya at hinaplos ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
Pretend ⛔
Short Story"In which Soonyoung loves Jihoon so much. And Jihoon needs to Pretend to hate the latter just for the sake of Soonyoung's feelings." Pretend 1 // SoonHoon FF // Short Story