Jihoon's P.O.V
"Sige Jihoon ako na bahala dito. Salamat sa tulong mo." sabi sakin ni Jisoo hyung at sinimulan niya ng ilagay sa kawali yung mga igigisa.
"Sige hyung pag kailangan mo ng tulong tawagin mo lang ako." nginitian niya lang ako kaya umalis na ko sa kusina.
Pinatulong niya lang naman ako sa pag hihiwa tapos siya na daw mag luluto. Kaya ngayon wala na kong magawa.
Naupo ako sa sofa sa may living room. Pinagmasdan ang buong bahay. Malaki din pala talaga yung bahay namin. May malawak na living room tapos paglagpas mo ng living room doon naman ang kusina. Sa gilid ng kusina ang cr tapos may hagdanan para sa second floor kung saan nakapwesto ang mga kwarto.
Tumayo ako ay umakyat ng hagdanan. Sa second floor makikita ang mga kwarto, ngayon ko lang napansin na may apat palang kwarto sa bahay. Bukod pa ang bodega sa may dulo ng hallway. Sa unang kwarto nag istay si Seokim at Jisoo hyung, sa pangalawa ang akin at ang pangatlo ay kay Yoona. Sabi ni Jisoo hyung ang dulo daw ang nag sisilbing guess room. Pero madalas daw si Soonyoung lang ang nag istay don.
Lumakad ako para macheck yung guess room, naabutan kong bukas ang kwarto nila Seokmin kaya sumilip ako. Nakita ko siyang nakaupo sa may swivel chair niya at nakatutok sa laptop kaya di ko na ginambala. Nadaanan ko din ang kwarto ko at syempre ang kwarto ni Yoona. May nakasabit pa sa pintuan niya na "Min Yoona's bang" naalala kong hindi nga pala namin kapatid si Yoona. Anak siya ni Yoongi hyung. Sabi ni Seokmin namatay si Yoongi hyung dahil sa panganganak kay Yoona. Kaya napunta samin si Yoona.
Nang makarating na ko sa pintuan ng kwarto ni Soonyoung ay bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung bakit pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hinawakan ko ang doorknob nito at binuksan, sinigurado kong hindi maririnig nila Seokmin dahil baka anong isipin nila. Hinayaan ko lang itong bukas para marinig ko kung tatawagin ba ko ni hyung.
Binuksan ko ang ilaw at tumambad sakin ang isang simpleng kwarto. May kama at isang sofa sa gilid. May study table, cabinet at syempre cr. Dahan dahan akong naglakad papunta sa kama, pink ang cover nito at may design na star. Napatingin ako sa study table at nakita ko ang isang cellphone at notebook?
Lumapit ako at kinuha ang cellphone.
"Kay Soonyoung ba to?" mahinang sambit ko at binuksan ito. Wallpaper niya ko. Nakatalikod ako at nakatingin sa isang dagat. Nakita ko din ito sa photo album kaya sa tingin ko ay sa Busan din ito.
Tinry kong buksan pero may password kaya binitawan ko nalang. Hindi ko na sinubukan hulaan dahil masakit sa ulo. Naupo ako sa upuan at tiningnan ang notebook. May label siya sa front page na ang nakalagay ay "Jihoonie my loves 💜"
"Mukhang patay na patay talaga sakin si Soonyoung ah." napatawa ako ng mahina dahil sa sarili kong tinuran. Binuksan ko ito ay nakitang may note pa sa unang pahina.
"Ang notebook na ito ay para lamang kay Kwon Jihoon. Hehehe. I love you Jihoonie kooo. Mhuwa. :*"
"Kwon Jihoon? Nakalimutan ko din bang Kwon apilyedo ko o sadyang nag iilusiyon lang si Soonyoung?"
Binuksan ko yung notebook at puro pictures ko lang naman ang nandon may mga letter din kada pictures with designs pa kaya napapangiti ako.
"Akala ko babae lang ang mahilig sa mga ganito."
Patuloy lang ako sa pag buklat hanggang sa umabot ako sa medyo patapos na napage.
BINABASA MO ANG
Pretend ⛔
Short Story"In which Soonyoung loves Jihoon so much. And Jihoon needs to Pretend to hate the latter just for the sake of Soonyoung's feelings." Pretend 1 // SoonHoon FF // Short Story