Soonyoung's P.O.V
"Stop!" Sigaw ni Jihoon.
"Hyung sorry." Pag papaumanhin naman ni Seungkwan.
Nag rerecording kami ngayon. Kanina pa nag a-out of tune si Seungkwan at naiinis na si Jihoon dahil don.
"Kanina pa tayo paulit ulit Seungkwan. May problema ka ba?" Tanong nito. Napayuko naman si Seungkwan at umiling.
"Pasensya na Hyung. Promise Hyung. Last na. Aayusin ko na. Pasensya na talaga." Sabi nito. Bumuntong hininga muna si Jihoon bago tumango at iplay ulit ang kanta.
Napatingin naman ako kay Jihoon at kita ko ang pagod sa mukha nya. Lalapitan ko sana sya at kakausapin kaso naunahan ako ni Mingyu.
"Hyung oh. Stress ka nanaman" sabi nito sabay abot ng Bubble Tea. Tinanggap naman ito ni Jihoon.
Totoo. Sa aming lahat, si Jihoon ang pinaka stress. Kung pwede nga lang tulungan ko sya sa music kaso hindi ako marunong kumalikot ng kung ano ano jan. Kanina nga di ko alam na out of tune na pala si Seungkwan. Nagugulat nalang ako pag pinapatigil sya ni Jihoon.
"And. Stop." Sabi nito kay Seungkwan. Lumabas si Seungkwan at binigyan sya ni Vernon ng tubig. Kung titingnan mo sila para silang totoong mag kasintahan kahit hindi naman. Ang sweet nila.
"Si Seungkwan ang huling mag rerecord ngayon. Practice ng sayaw naman tayo. Hayst kapagod." Sabi ni Jihoon sabay ayos ng mga papel nya.
"Hyung mag pahinga ka muna kaya?" Sabi ni Seokmin. Na sinang ayunan ng madami.
"Oo nga Hyung. Ikaw ang pinaka maaga pumasok at ikaw din ang pinaka huli umuwi." Mingyu
"Mingyu Hyung's right. Yung pasok mo kakagising ko lang e. You're too early Hyung." Vernon.
"Oo nga Ji. Get some rest" Jeonghan Hyung.
"Pinag tulungan nyo naman ako." Sabi ni Jihoon.
"Nah. Mag pahinga ka na kasi." Seungcheol Hyung.
"Isang practice lang." Jihoon.
"No. Hindi kami mag papractice hangga't di ka pumapayag na mag pahinga ka." Sabi ni Jisoo hyung. Lumapit naman si Seokmin at may binulong kay Jihoon. Napabuntong hininga ito bago sumagot.
"Fine. Hindi ako mag pa-practice pero sasama ako sa Dance Room. Manonood lang. Tsaka may sofa naman dun diba? Pwede ako mahiga." Sabi ni Jihoon at tumingin sakin. Nginitian ko sya dahil sa wakas pumayag sya.
"Gusto ko kayong mapanood." Sabi nito habang nakatingin sakin.
"Luh. Soonyoung bat ka namumula?" Tanong ni Junhui kaya napatakip ako ng pisngi ko.
"Oo nga Hyung." Sabi naman ni Chan.
"H-hindi ah!" Depensa ko.
"Tama na yan. Tara na. Punta na tayong Dance Room." Sabi ni Seungcheol hyung. Juskooo. Hyung salamat.
Lumabas kami ng Recording Room at nag tungo sa Dance Room. Habang nag lalakad. Napangiti ako ng mapansing by couple ko kami kung mag lakad. Kaso napasimangot din nang maalala kong di pala kami couple ni Jihoon. T-T
Napatingin ako sa likod ko at nakita si Mingyu na kasabay si Lee Chan.
"Asaan si Wonwoo?" tanong ko kay Mingyu.
"May sakit e. Nag papagaling pa. Baka bukas pa sya makapasok." sagot naman nito. May sakit? Luh.
"Dapat inalagaan mo muna." Junhui.
"Aalagaan ko naman talaga dapat sya. E kaso sabi nya pumasok na daw ako." Sagot nito.
"Sabi mo e." sagot naman ni Junhui.
Pumasok kami ng Dance Room at sinimulan ng mag practice. Makalipas ang ilang oras ng pag papractice, napansin kong nakatulog na si Jihoon sa may sofa. Ang cute nya.
"Soonyoung! Wala ka na sa beat." Saway sakin ni Seungcheol Hyung. Napakamot naman ako ng batok. Ang cute kasi ni Jihoon e!
"Nanjan ka nanaman pasulyap sulyap sakin." Seungkwan
"Lagi lagi nalang paligaw ligaw tingin" Seokmin
"Bat di mo subukang aminin. Di mo alam ako'y may pag tingin din." Off key na kanta naman ni Vernon.
"Taena mo Noo. Panira." Sabi naman ni Seokmin sa kanya.
"Luh. Ganda nga ng boses ko e. Pang main vocal. Matakot na kayo Seokmin Hyung at Boo. Mag o- audition na ko kay Jihoon Hyung pag gising nya." Sabi nito at kumanta ng Don't Listen in Secrets.
*Yung mismong line nya don nung kinanta ng Hip Hop Unit yon. Imaginin nyo nalang. Jan naman kayo magaling. Mag imagine. ㅋㅋㅋ)
Patuloy lang si Vernon sa pag kanta. Napatingin naman ako kay Jihoon na ngayon e gising na at ang sama ng tingin kay Vernon.
"Uhm. V-vernon Hyung. S-sa tingin ko. Kaylangan m-mo ng tumakbo." Nauutal na sambit ni Dino.
"Bakit naman?" Tanong nito. Tinuro naman ni Chan si Jihoon.
"Ah. H-hi Hyung? N-nagising ba kita?" Tanong nito kay Jihoon. Tumayo naman si Jihoon sa sofa at lumapit kay Vernon.
"Limang minuto." Sabi nito na napag pakunot ng noo naming lahat.
"Meron nalang kayong limang minuto para mag pahinga at mag papractice ulit tayo." Sabi nito. Nanlumo naman ako. Huhu pagod na ko. :'(
"Bwisit ka talaga Noo!"
"Kingina. Imbis na makapag pahinga na."
"Badtrip ka."
"Mukha mo lang ata maganda sayo Hansol e."
Natawa naman si Jihoon at nag salita.
"Haha. Joke lang. Meron nalang kayong 5 minutes para ayusin ang gamit nyo. Kakain tayo sa labas. Libre ko." Sabi ni Jihoon at lumabas na ng DR.
"Ano kayang nakain ni Hyung?" Tanong ni Minghao.
"Baka mamamatay na?" Sagot naman ni Seungkwan.
"Seungkwan!" Sabay sabay na sigaw ni Jisoo Hyung, Seokmin at Mingyu. O...okay. Anong meron?
"Joke lang naman." Sabi nito at nag peace sign.
Inayos ko na yung gamit ko at lumabas na. Hinanap ko si Jihoon at nakita ko syang nakaupo sa bench. Malapit kasi ang DR sa Garden e.
"Ji." Tawag ko sa kanya. Humarap sya sakin at ngumiti
"Paupo ah." Sabi ko at tumango naman sya.
"Jihoon. May ibibigay nga pala ko sayo." Sabi ko.
"Ano yon?" Tanong nya sakin. Kinuha ko naman yung folder na naiwan nya nung huli naming pag uusap.
"N-nabasa mo?" Tanong nya. Umiling naman ako.
"Hindi. Japanese e." Mukhang nakahinga naman sya ng maluwag at ngumiti sakin.
"Salamat sa pag iingat." Sabi nya sakin.
"Wala yon. Iningatan ko lang naman yung bagay na alam kong mahalaga sa taong mahal ko." Napatungo naman sya at bumuntong hininga.
"Soonyou--."
"Hindi mo kaylangan sagutin yon. Hindi na kita pipilitin tungkol sa panliligaw ko. Pero sana hayaan mong iparamdam ko sayo na mahal talaga kita " sagot ko sa kanya.
"Kase Jihoon. Mahal na mahal talaga kita. Sobra."
BINABASA MO ANG
Pretend ⛔
القصة القصيرة"In which Soonyoung loves Jihoon so much. And Jihoon needs to Pretend to hate the latter just for the sake of Soonyoung's feelings." Pretend 1 // SoonHoon FF // Short Story