Chapter 3 - Day with Mr. Hotness
Mary's POV
Grabe si Mr. Kevin Ian Montenegro hindi ako pinatulog! Well parang may matutulog naman ako anong oras na din ako pumasok sa kwarto eh! Pero kahit na!
Bakit ganun siya? May pa - I like you, I like you pa siyang nalalaman!
Naligo na ako dahil aalis kami ngayon ng mga pinsan ko habang sila papa naman at pupunta sa Mansion ala Zobel joke pupunta sila sa ancestral house dahil andun lahat ng mga kapamilya nila. Gabi pa kami pupunta dun ng mga pinsan ko, for today kami ang mag cecelebrate ng New Year. That's the tradition.
Nung lumabas ako sa kwarto ko at bumaba na ako at saktong pagbaba ko nakita ko naman sa dining room ang epal na si Mr. Kevin Ian Montenegro, he's soooo hot ngayon!
Erase. Erase.
Well HOT niya kasi ngayon eh he's wearing a gray long sleeve tas may salamin pa siyang suot obvious naman na walang grado pero ang HOT niya ngayon kahapon din hot siya.
Mr. Hotness nga talaga siya.
"Good morning Beautiful." he greeted me habang kumakain siya ng apple!
Anong ginagawa niya dito?
Hindi ko nalang siya pinansin at nagdirecho ako sa table at umupo ako at nag start ng kumain. Pansin ko lang wala yung mga pinsan ko si Yannie wala din sa kwarto niya asan na kaya yung mga yun?
"Hoy Mr. Montenegro asan yung mga pinsan ko? Kinidnap mo to?" I asked him.
He chuckled. "Sumama na sila sa Dapitan, si Karl at Yannie nauna na sa MOA."
"ANO?"
Hindi nila ako hinintay? Ano yun wala akong kasama sa bahay? Alone ako sa NEW YEAR?
"Don't worry, I'll drive you to MOA." he said at kumain na ulit ng apple. "Go change." he said.
Wow ano siya boss ko? NO WAY. Pero in the end nagpalit parin ako ng damit ko sympre naman kung HOT ang kasama ko kailangan in the same level kami ng hotness haha! Papatalo ba ako sa kanya?
Lumabas na ako ng bahay at I made sure na naka-lock na yung pinto at yung gate nakita ko naman si Mr. Montenegro na nakasandal sa kanyang red na SPORTS CAR! Mayaman nga talaga si Mr. Montenegro naka- BMW siya na kotse.
Sumakay na siya sa loob nung nakita niya ako at pumasok na din ako sa ever so expensive niyang kotse! Siya na mayaman!
Tahimik lang kami sa byahe.
Nung nakarating na kami sa MOA, hindi naman mahanap yung dalawa! Nawawala na sila!
"Oh iwan na kita ah." sabi niya.
"WAIT, wag mo ako iwan, susumbong kita kay Karl sige ka!" panakot ko sa kanya
So ayun kami ang magkasama ngayong New Year.
We ate and we ate, ayun lang ata ginawa namin eh!
"Bili mo ako ng ice cream dali!" utos ko sa kanya.
Well medyo magaan na pakiramdam ko with him ewan ko ba, feeling ko close na close kami eh.
Pumunta kami sa Häagen-Daz, at nag order siya ng fondue!
"Ang yaman naman ni Mr. Montenegro!"
"You can call me Kim you know." he said.
"Thanks Kim for today."
And then dumating na ang dalawa kong magaling na pinsan, nanuod pala sila ng cine yung nasa MMFF naka tatlo sila! Grabe hindi nila ako sinama! :(
Naki-join sila sa food namin ni KIM! Masaya naman ako ngayon.
I feel happy, hindi naman pala siya ganun kasama eh. Medyo mahangin nga siya! Pero mabait din naman at we can be friends I think.
Today I've spent a day with Mr. Hotness.
*tbc*
Hello guys.... for the readers din ng Waiting for the Magician ko kung nababagalan kayo sa update sorry, I won't update that yet, I'll finish it first before updating patapos ko na siya actually at by the end of the month may maswerteng reader na makakatanngap ng soft copy nun kahit wala pa akong pinopost! But promise malapit ko na po siyang ipost!
Slow po ang update nito, pag nagustuhan ko lang po pero try ko pong once a week.
^____~
BINABASA MO ANG
A Little Help From Destiny
Teen FictionA story about how destiny keeps on helping two scared people to fall in love with each other but trials and misunderstandings keep them apart. (A paper airplane helped me write this story) Mary always believed that everything happens for a reason an...