Hi Skye here. I will be temporarily handle Mary's account while she's gone. And by that I'll be the one to post her stories here in Wattpad. Hope you understand. She'll be gone for long so I'll take care of this first.
Chapter 13 – Someday, maybe.
Grabe si Kim, epal siya masyado. Ang dami kong nainom na tubig mula sa pool. Kainis grabe pero grabe lang din ang katawan ni Kim, build na build. Grabe talaga. Wait ang hilig ko ata sa grabe kasi naman eh grabe talaga ang katawan. Ang mga pansesal.
Eto kami ngayon ni Kim, nasa may gilid ng pool kumakain ng pizza at kung ano ano pa. Topless parin siya. At busog na busog na ako. Enough na nga sa katawan ni Kim. Mukha na akong ma-green eh.
Kain lang kami ni Kim, tas si Tita naman ayun nasa loob may kausap sa phone, si Sam naman nasa pool nagsusun-bathing, nakahiga siya dun sa parang airbed at si Kim hawak hawak yung tali nun para pag ayaw na ni Sam hahatakin nalang niya, hindi naman delikado kahit pa nasa gitna si Sam kasi may harang yung kama at may vest din dun at basta si Sam pa, masunurin bata niyan.
“Diba Tita said pwede ka naman sa bahay niyo nalang sasama ka nalang niya?” sabi ni Kim, tagalog na tagalog kasi kanina English ng English kaya nag drama akong aalis ako. Ayan nagtatagalog na kaso natatawa talaga ako sa kanya eh. Pinipilit niya talaga. Mukha siyang hindi seryoso haha.
“Ayaw mo ako dito?” I said teasingly. “At isa pa mas gusto ko naman talaga kay papa tumira ngayon summer kung hindi lang sila aalis eh.” I said to him “Sa bahay kasi ni papa, ramdam ko yung warm ng family.” I smiled at him.
“Can’t you feel it at your own home?” he asked me.
“No.” sabi ko “Nakapunta ka naman sa bahay diba? Ang spacious niya pero ang kunti ang taong nakatira. Buti nga dumagdag yung isa ko pang kuya sa bahay eh, kasi dati kami lang ni kuya nakatira dun kasama yung mga katulong, si mama never naman umuwi yun eh.” Sabi ko pa “Sa bahay kasi ni papa sabay sabay kaming kumakain. I never experienced that sa bahay ni mama. Ever since papa left mom, we never eat at the dining table, dinadala nalang ni yaya yung pagkain sa room. Nakalimutan ko na nga ang last kain ko dun sa table na yun eh.”
Uminom muna ako ng coke ko “Sa totoo lang nakakalungkot sa bahay namin, walang kausap palagi. Kaya nga minsan matutuwa pa ako pag magaaway kami ni kuya eh kasi umuuwi si mama.” Sabi ko “Busy lagi si mama, pag nga nagset siya ng dinner naming tatlo nila kuya or magfamily bonding kaming tatlo, pag tatawag yung office, ibibigay niya yung card sa amin ni kuya at aalis na siya.”
Siguro nga yung buhay ko kasama sila mama at kuya ay malungkot kasi laging walang mama nasa tabi namin. She’s always busy. Mayaman nga kami tulad ng sabi ng iba, kasi ayun lang naman yung ginagawa ng nanay ko eh yung magpayaman pa.
I can always buy the things I want with mom’s card, pero minsan kulang parin talaga ang material na bagay, kulang na kulang. Kaya nga I’d rather live with my father dahil dun talaga ramdam ko yung buong pamilya, si papa kasi hindi niya kailangan magwork, ganun din si mama kasi may taga alaga na ng mga ranch nila. At sabay sabay kaming kumakain. Tas never akong nagstay sa kwarto ko dun kasi laging nasa living room kami naglalaro. Masaya dun kay papa pero kay mama hindi.
Pero tuwing iniisip ko na kay papa nalang ako titira parang nalulungkot naman ako kasi walang kasama si mama, although hindi siya umuuwi lagi, minsan namn umuuwi yun kahit saglit lang at kahit nasa kwarto ako, malaki yung bahay namin at ayoko naman na pagumuwi si mama wala na ako dun.
“That’s the disadvantage of being born on a silver platter.” Sagot naman ni Kim. “Look at us. We never get to see our parents. Yes every summer and winter break we go there but they are seldom home.”
Tama si Kim eh. Kaya nga minsan I wished I was born sa isang normal na pamilya, yung pamilya na sabay sabay kumakain, buo, nag bobond, nagkukwento ng mga happenings sa buhay. Pero iniisip ko lang yun parang naluluha ako, kasi kahit naman busy ang parents ko at galing ako sa isang broken family, mahal ko parin sila at maganda nga ang broken eh kasi naging dalawang nanay ko. Dumami ang kapatid ko.
“Onii-sama pull me.” Biglang sabi ni Sam, kaya hinatak na siya ni Kim nasa gilid na siya at tumayo si Kim para kunin si Sam.
“Mama I want ice cream.” Tumakbo si Sam papunta kay Tita.
Natawa nalang kami ni Kim kay Sam. Ang cute na bata.
“Kim gusto ko din ng ice cream.” Sabi ko kay Kim kaya tumayo siya ulit at naglakad papunta sa loob. Pagdating niya may dala siyang dalawang spoon at isang pint ng ice cream. Uwaa vanilla.
Umupo ulit siya at binuksan ang ice cream at binigay yung isang spoon sa akin. kinuha ko naman yung spoon tas hinati ko sa gita yung pizza ko at nung nahati ko na, nilgayan ko ng ice cream at I rolled it. Pizza ice cream yummy.
“What’s that?” tanong ni Kim na parang nandidiri pa haha.
“Masarap tikman mo oh.” Sabi ko sabay subo sa kanya yung buong kalahati ng pizza na may ice cream.
Gumawa ako para sa akin at kinain ko na din “You know you have a very weird taste buds.” Sabi niya. Kasi ang weird weird ko nga talaga sa pagkain. Yung pag may pasta lalagyan ko ng fries. Tas madami pang ibang weird na bagay.
“Uwaaa onee-sama I want that too!” nagulat ako kasi nasa tabi ko na pala si Sam. Kaya ginawa ko din siya.
Well after namin magswimming if you call that swimming. Nagpunta na kami sa sari-sariling kwarto para maligo gusto nga ni Sam sabay kami kaso sabi ni Tita sila ang sabay. Makulit daw kasi si Sam maligo baka abutin kami ng siyam siyam.
At laking gulat ko nalang sa cr sa room ko kasi napakalaki, may shower area tas may bathtub pa pero nasa may gitna ito, sosyal. Pag dineretso mo yung bathtub, papupuntahan mo yung walk-in closet na napakalaki. Specially made nga talaga para kay Sam to, kasi babae, sayang naman to. Ang ganda ganda.
Sympre nag shower lang ako kasi nakakatamad. After nun bumaba na ako at yung mag kuya naglalaro ng Jenga. Kaya sumali din ako sa kanila.
Eto yung nilalaro namin nila Karl nung biglang tumawag si Kim dati at natalo si Karl sa amin eh. Haha memories.
Masaya ako ngayon, it’s not that bad kung dito ako titira I mean, masaya nga siya eh. Hindi boring. One day palang yan, may what ilang days pa ako dito.
Si Tita din nakisali sa amin at masaya talaga parang bonding. Mamaya daw kami ni Tita magluluto ng pagkain.
I feel so warm sa family na to. It’s not bad to be one of them. Someday maybe.
to be continued….
© uknowulovemary
BINABASA MO ANG
A Little Help From Destiny
Teen FictionA story about how destiny keeps on helping two scared people to fall in love with each other but trials and misunderstandings keep them apart. (A paper airplane helped me write this story) Mary always believed that everything happens for a reason an...