Chapter 6 - Confirmed Rumors
Mary's POV
Mga chismis, ayan ang mga nakakasira sa isang buhay ng taong nananahimik, chismis, hindi natin alam kung anong totoo pagdating sa chismis, tulad ng apoy mabilis kumalat ang mga chismis, kahit puro kasinungalingan lang ang laman kakalat parin ito dahil ang bibig ng taong chismosa walang kinokonsinte.
Bakit ko ba sinasabi ang mga ito ngayon, kasi naman may kumakalat na chismis tungkol sa akin sa buong campus! Ewan ko kung paano kumalat ang chismis, pero ang bilis kumalat! Ang chismis lang naman nila ay may boyfriend na ako!
Saan ka pa, ang daming rumors about it, kesyo gangster daw, tiga labas daw ng school, mayaman, college na daw, pero gwapo naman daw.
Wala naman totoo dun eh! Wala pa akong boyfriend. Kaso ayun yung kumalat dahil tanda niyo pa yung sinundo ako ni Kim? Dahil dun! Pesteng Kim yan dahil sa kanya, sa akin kumakuha ng ligaya ang mga estudyante at teachers sa school.
Kahit anong deny ko, wala talaga, Denial Queen nga daw ako eh. Yung mga classmates ko lalo kala nila totoo kasi naman pinakeelaman nila yung cellphone ko na nakatago sa cabinet dahil sa inspection ng prefect, nakita nila yung text ni Kim.
Ayan tuloy sira na ang buhay ko. -_____- Paano na ang mga boys ko?
Math namin ngayon at nasa harap ako ngayon, ginugulo si Ms. A, walang kwentang teacher naman kasi yan eh, joke lang, pero magaling naman siyang magturo kaso mas magandang guluhin siya. Hindi nakakapagturo ng maayos sa amin niyan, laging sisigaw, kaya sa next day, papagalitan kami ng adviser namin at pag nagalit siya may pop quiz sa Chem agad.
Proving na kami sa Math at hindi ko talaga magets to, ang dami kasing kaekekan pa. I super duper hate Math. Ma proprove ba ng Math kung gaano mo kamahal ang isang tao? O kung nagsisinungaling lang ang tao? Hindi! Hindi mo siya ma-aaply sa realitad ng buhay!
"Mary, hirap na hirap ka ba talaga sa Math?" patawang tanong ni Ms. A. Epal diba feeling close?
Inirapan ko lang siya, tas umalis siya sa flatform at pumunta sa akin with matching tissues pa,
"Dumudugo ang ilong mo." sabi niya sabay punas
Weh? Pero tinignan ko nga may dugo nga.
"Sino Red Cross sa inyo?" tanong ni Ms. A kasi ang red cross lang pwede lumabas ng highschool building papunta sa gradeschool.
Tumayo si Den, hindi naman yan yung red cross eh.
Pinagkakaguluhan na ako ang ingay na sa classroom namin.
Lumapit si Den sa akin, "Oy tara bilis." sabi niya at kinuha niya ang kamay ko.
Nasabi ko ba sainyo na crush ko si Den? Well crush ko siya at kinikilig ako! Naglakad kaming hawak hawak niya yung left hand ko tas yung right ko naman nasa ilong ko!
Nakalabas na kami ng building at pumunta na kami sa clinic, walang mga nurse, siguro nasa registrar sila at nakikipag-chismisan sa mga yun.
Umupo muna ako at nakataas ang ulo ko para matigil ang pagdudugo, si Den naman ayun kumukuha ng icepack. Binigay niya yung icepack sa akin, at umupo siya sa tabi ko.
Tahimik lang kami. Grade six ko pa siya naging crush at since then naging awkward na para sa amin, almost 5 years na kami magkaklase at nung ngayon third year lang umayos ulit yung pagsasamahan namin.
"Ok na ba?" tanong niya.
"Pwede na. Balik ka na dun. AP na next." sabi ko.
BINABASA MO ANG
A Little Help From Destiny
Teen FictionA story about how destiny keeps on helping two scared people to fall in love with each other but trials and misunderstandings keep them apart. (A paper airplane helped me write this story) Mary always believed that everything happens for a reason an...