Chapter 12 – My Hot Pandesal
Awkward.
Ayan yung nararamdaman ko ngayon dito. By the way nandito ako ngayon sa bahay ni papa kasama ko si mama. Kaya ko nasabi na awkward ay dahil na din nandito nga si mama, yung biological kong nanay at ang step mom ko nasa isang room. Ok I know maayos naman silang dalawa civil sila at nagkasama na sila sa ilang parties pero iba parin eh, napaka-awkward tuwing naaalala ko yung childhood memories ko na tumatawag sa bahay namin si mama number 2 (step mom) at dati daw nagaaway daw talaga yung dalawa.
Bitterness.
Nararamdaman ko din ngayon yun dahil alam kong bitter ang nanay ko sa isa ko pang nanay at ganun din si isang nanay. Bitter silang parehas. Una dahil si mama number 2 iniwan ni papa para kay mama number 1 (biological mom) dati at pinakasalan niya ang bio mom ko. Sino nga ba naman ang hindi magiging bitter diba? May 5 kayong anak tas iiwanan ka nalang bigla bigla para makasama ang childhood sweetheart niya? For me sweet yun sympre nanay ko yung pinili niya at nabuo ako pero ouch lang din kasi second family lang kami. Minsan naiisip ko yung mga iniisip ng iba tungkol sa pamilya namin. Basta. Pangalawa naman naghiwalay si mama at papa dahil sa isang napakalaking misunderstanding na nagkaroon sila at binalikan ni papa ang una niyang asawa. First year ako nung na annulled ang kasal ni papa kay mama at nung pinagtatalunan ang custody namin ng kuya ko, my mom got a full custody at si papa may visitation rights lang kasi nga bitter ang nanay ko.
Anyway enough about sa epic fail na love story ng mga magulang ko. Kwento ko to hindi nila. Kaya nandito kami ngayon ni mama sa bahay nila papa ay dahil sa naganap na world war three sa bahay kahapon.
At ang kuya ko si Hitler at pinapatay niya ang mga Jews na ako naman. Anyway, ayun nga nagaway kami ng kuya ko, binugbog niya ako, I mean it. Kulang nalang patayin niya ako kahapon kaya nga iyak ako ng iyak kay mama eh, kung makikita niyo lang yung bahay namin nagkalat dahil sa paghahagisan na naganap sa aming bahay, pati mga katulong walang nagawa kaya tinawagan si mama at dumating si ate kaya tumigil ang world war three at si mama naman din dumating na, iyak lang ako ng iyak. May saltik po kasi ang kuya ko. Lagi nalang nangyayari yung world war sa bahay pero malala yung kahapon nagkasugat kaya ako kasi natamaan ako ng vase, sigaw ko pa nga nun papabantay bata ko siya eh haha. Anyway mom called a therapist ayaw ni kuya mag pa-check dahil ewan sa saltik na yun. Basta ni-recommend ng therapist na paghiwalayin kami ni kuya.
Dapat kasi nung may custody battle, tig isa nalang sila ng anak. -___- tuloy lagi akong umiiyak sa bahay.
Gusto ni mama actually na si kuya dito kay papa kasi nga may pasok ako para dun sa short story ko at sa mga gagawin ko dahil school volunteer ako pero sympre ang masusunod ay ang kuya kaya eto ako ngayon nandito kay papa. Actually mas gusto ko naman talaga tumira kay papa eh, dati palang nag wiwish na ako na sana isama ako ni papa. Nung iniwan niya kami nung gabing yon, iyak ako ng iyak kasi hindi niya ako sinama bata ko pa nun mga grade 4 or 3 ata yun. At nung sa custody battle nga, I did wish na kay papa kaso hindi pa naman ako pwede pumili eh.
At ngayon ang problema ay dahil aalis sila papa at walang maiiwan sa bahay, nag book kasi sila papa ng Caribbean trip kasama ang mga kapatid ni papa.
“Ganito nalang I’ll book you a ticket cha at sumunod ka nalang.” Sabi ni mama number 2. Nag glow ang mga mata ko. Sympre Caribbean yun! Wow…
BINABASA MO ANG
A Little Help From Destiny
Teen FictionA story about how destiny keeps on helping two scared people to fall in love with each other but trials and misunderstandings keep them apart. (A paper airplane helped me write this story) Mary always believed that everything happens for a reason an...