Chapter 2
Alexa POV
Ngayon na ang first day of school. Andito ako sa sarili Kong kotse papunta sa school namin.
Nakauniform lang ako. Yung palda ko under the knee then yung blouse ko sobrang luwag. Yung medyas ko naman sobrang haba saka naka black shoes. Syempre I'm wearing my eye glasses and don't forget the braces.
Pagkalabas ko ng kotse, tinginan agad ang mga tao. Any problem with me?
"Eww. What an ugly creature."
"Dagdag nerd nanaman."
"Another ugly nerd."
"Kaya nasisira ang image ng school dahil sa mga nerd na yan eh."
Grabe? First day of school palang hinuhusgahan na agad ako? What's wrong with me ba?!
Naglakad nalang ako at hindi pinansin ang mga masasamang tingin at mga pinagsasabi nila tungkol sa akin.
Ganun na ba talaga ako kapanget para husgahan agad agad kahit hindi pa nila ako lubusang kilala?
Sa sborang tanga ko at sa sborang pag kukwentuhan, nadapa ako. As expected, pinagtawanan ako ng mga tao dito. Close ba kami para pagtawanan nila ako?
Ni wala man lang tumulong saakin. Mayamaya lang may lumapit saaking babae. May mabait papala rito?
"You need my help?" Tanong niya saakin sabay lahad ng kamay.
"Yes please?" Then inabot ko yung kamay ko. Nung makakatayo na ako, bigla niyang binitawan ang kamay ko. Sadya yun mga bes! Ang sakit.
"Ouch!" Daing ko.
"Oopps! I didn't mean to do that. Hahahaha!!!" Sabay halakhak niya at nakisabay na rin ang mga taong nanonood.
Ang ganda niya sana pero ang sama ng ugali niya.
Natigil ang pagtatawanan nila ng may dumaan at sabay sabing...
"Risha, don't do that again and say sorry to her." He said then left. Infairness, ang gwapo niya.
"Kyaaah! Ang gwapo ni Lance!"
"Yeah right!"
"Omg, nakita niyo bayun? He just stared at me!"
Okay, marami pala siyang fans. Hindi na ako makikipag sabayan sa kanila. As if naman na mapapansin niya ako?
"Tss, kung hindi lang inutos ni my loves na magsorry ako hindi talaga ako mag sosorry. Sorry, ugly creature nerd. Ligo ka muna hahaha." Sabay buhos niya ng malamig na tubig. Wala pa naman akong extrang damit. Buti nalang konti ang yung natapon saakin.
Tawa lang sila ng tawa at maya maya umalis na din sila dahil nagbell na. Ibig sabihin lang nun, pasukan na.
Tumayo na rin ako ang pinunasan ang sarili ko. Pumunta na rin ako sa section ko.
Pagkapasok ko, tinginan agad sakin lahat ng kaklase ko pati teacher ko.
"Yes, miss?" Tanong ni ma'am.
"Uhm, I'm Ms. Palermo." Sagot ko. Tumingin naman siya sa parang listahan ng mga estudiyante niya at tumingin saakin.
"Oh, you are ms. Palermo. And why are you late?" She asked. Tss, parang pati itong teacher na ito galit saakin.
"Tinapunan po kasi ako ng tubig kanina sa labas." Sagot ko habang nakayuko.
"Ok, maghanap ka na ng upuan mo." Sabi ni ma'am at nagpatuloy sa pag checheck ng attendance.
Kaatapos lang tawagin ang apilyido ko ng may nagbukas ng pinto. Siya yung lalaki kaninang nagsabi na magsorry daw saakin yung babae kanina.
"Why are you late Mr. Domingo?" Mapanghamong tanong ni ma'am. I think terror itong teacher na ito.
"Ask yourself." Sabi naman nung bagong dating kaya parang naangasan ako? Masiyado siyang mayabang.
Dahil nasa second to the last row ako na malapit sa bintana, sa likod ko siya umupo. Gusto atang mapag isa? Pero bakit sa likod ko pa?
Pagkatapos tawagin ni ma'am isa isa ang mga surname namin, siya naman ang nagpakilala.
"Ok, I'm Ms. Carmona. 26 years old. Your teacher in english. I don't wanna hear you talking when I'm disscusing, i dont want a students with no assignment, flirting with each other, Echetera echetera..." Then may pinagsasabi pa siyang ibang rule. Daming alam ni ma'am Carmona.
(A/N: hahaha guys! I used my surname kung okay lang.)
***
Naubos ang oras namin sa pagpalakilala at pagsasabi ni Ms. Carmona ng rules ang regulations.
Papunta na ako ngayon sa cafeteria para kumain. My Gosh! Nagutom talaga ako.
Pagdating sa cafeteria, bumili lang ako ng carbonara, lasagna, fries with flavor of sweet and sour and pineapple juice. Hahaha nagutom talaga ako.
Nang tapos na akong mag orader, naghanap ako ng pwedeng upuan pero wala ng bakante. Kailangan ko pang makiupo -__-
Nakita ko naman yung lalaking tumulong saakin kanina nung binully ako nung mean girl kanina.
Lumapit ako sakaniya sabay tanong.
"Uhm, pwede ba akong makiupo dito? There's no vacant seat na kasi eh." Nahihiyang sabi ko na sinuklian niya ng tango.
Habang kumakain, pinagtitinginan kami at pinag uusapan.
Tss, bawal na bang kumain ngayon ng hindi pinagtitinginan? Ito namang kaharap ko ang sarap pa ng kain habang naka headphones. Edi siya na ang cool. Naiilang na nga ako dito eh.
Nagpatay malisiya nalang ako dun sa mga masasamang nakatingin sa akin at pinagpatuloy na ang pagkain ko. Hmm sarap.
Nang mapansin Kong tapos na siya, kakausapin ko sana siya pero nakatingin lahat ng masama saakin ang mga tao kaya napagpasiyahan ko na wag nalang ituloy ang sasabihin ko at ipinagpatuloy nalang ang pagkain.
Wala pang kalahating oras ng tumayo ang lalaking kasama ko at umalis na.
****
Hanggang dito lang guys, pag hinabaan ko kasi nawawala yung ibang words. Don't forget to vote,comment, add this story on your reading list and follow me. Bukas ulit.

YOU ARE READING
Behind The Glasses
Fiksi RemajaRead my story now and I'll show you how the nerd transformed into a goddess lady.