Chapter 8
Xandra POV
Kahapon, nung natulog ako, kanina lang ako nagising kaya hindi kami nakapag usap ni mommy.
third day of school ngayon. Papasok na ako ngayon kahit masakit ang katawan ko.
May benda ang mga paa at kamay ko. Naglalakad na ako papunta sa classroom namin. Gamit ko parin yung kotse ko papunta dito.
Naglalakad na ako ng narinig ko ang usap usapan nanaman tungkol syempre, saakin.
"Grabe yang nerd na yan, siya na nga ang tinulungan, siya pa ang may ganang mang bintang."
"Sinabi mo pa"
"Yuck! Ang sama niya."
"Hindi talaga siya nababagay dito."
"Kainis, sarap bugbugin nang nerd na yan. Kulang pa yang nga galos niya sa katawan."
At kung ano ano pang pinagsasabi nila tungkol saakin. The f?! What's wrong with them?
Hinayaan ko nalang hanggang sa maka salubong ko si Ms. Carmona, teacher ko sa english. Ang first subject ko.
"Oh, why are you here, Ms. Palermo? You're suppose to be in the classroom by now. And what happened to you?" Kunot noong tanong ni ma'am habang tinitignan ang mga kamay at paa ko may sugar at benda.
"Ma'am, can we talk later after class? Its our vacant after your class po kasi." Sabi ko.
"Sure. But, we are late so, let's go." Sabi ni Ms. Carmona at sabay nga kaming pumunta sa classroom namin.
Pagpasok namin nagdiscuss agad si Ma'am at syempre nakinig ako.
Pagkatapos, nagpaiwan ako dahil mag uusap nga kami ni ma'am Carmona.
"So, what now Ms. Palermo?" Bungad ni ma'am pagkatapos ng klase.
"Ma'am, I hope na sana pakinggan niyo ako at paniwalaan." Sabi ko.
"Oh.. May problema ba?" Tanong ni ma'am.
"Ma'am, Do you know Aerisha?" I asked her. I think Aerisha is popular here in our school kaya I hope na kilala siya ni ma'am.
"Oh, I know her. She's Mr. Domingo's girlfriend right?" I just nodded.
"So, what about her?" Sasabihin ko na. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa.
"Because she bullied me. Siya ang may kagagawan kung bakit nakabenda ang paa at mga kamay ko. She's with her friends when they bullied me." Hindi ko na kinaya. Naiyak na ako sa harapan ni ma'am. "My mom didn't listened to me and she believed that Risha is the one who helped me. Kaya, please ma'am, ikaw na lang ang malalapitan ko. I need your help. Wala ng naniniwala saakin kahit si mommy. Feeling niya totoong nagsinungaling lang ako." I said while crying.
"I believe you. I know Risha very well and I know that she's the one who bullied you. Sa una palang, may paghihinala na ako. Don't worry, akong bahala saiyo. Just do whatever I say. Okay?" She said while smiling. I just smiled in return and nodded.
Thank you ma'am.
Risha POV
TRAYDOR itong teacher na ito! Kala ko ba siya ang laging gagabay sa lahat ng gagawin ko? Bakit ngayon siya ang tumutulong sa panget na nerd na ito?!
And yes, narinig ko lahat ng usapan nila. At hinding hindi ko hahayaang maging masaya siya.
After nang ginawa nila saakin? Ipaparanas ko muna sakaniya. Hindi ako papayag na ako, matagal nag hirap habang sakanya, tapos na agad.
Magpapahinga nalang muna ako at hahayaan nalamang muna siya SANGAYON. Dahil mas malala ang gagawin ko sa pagbabalik ng paghihiganti ko.
Kaya get your self ready b*tch!
Xandra POV
Uwian na. Sumakay na ako sa kotse ko at umuwi na ng bahay.
Habang nagdadrive ako, may nakita akong fast food chain kaya huminto muna ako para kumain. Matagal na rin kasi akong hindi kumakain nito.
Kumain lang ako ng betamax, isaw, kwek kwek,barbeque, at kung ano ano pang inihaw na pagkain.
Then bumili lang ako ng bulk shake katabi ng store na pinagbilhan ko ng mga pagkain ko. Hmm, sarap!
Pagkatapos ko, sumakay na muli ako sa kotse at tuluyang umuwi ng bahay.
Ng makauwi na ako, syempre pinark ko na yung kotse ko sa garahe namin saka ako pumasok sa mansion.
Nakita ko si mommy sa sala habang nanonood ng TV. Hindi ko sana siya papansinin dahil nagtatampo ako sakanya nang kausapin niya ako.
"Let's talk. In my office now!!" Sigaw ni mommy. Hindi na ako nagsalita muli at umakyat nalamang sa kwarto ko upang magpalit.
Pagkapalit ko ng damit pumunta na agad ako sa office ni mommy. Yes, you read it right? May office si mommy.
Kumaktok na muna agad ako syempre saka na ako tuluyang pumasok at nakita ko si mommy na ang cold ng tingin saakin.
Mukhang mahaba ang pag uusapan namin...
***
Hi!!! Ang tagal no? Hahaha sorry. Sorry sa wrong grammars, follow me, add this story on your reading list, vote and comment thank you!
YOU ARE READING
Behind The Glasses
Подростковая литератураRead my story now and I'll show you how the nerd transformed into a goddess lady.