Chapter 13
Xandra POV
Pagkatapos ng dalawang oras na pagkakanta, nagpaalan na ako kay Angeline na uuwi na ako.
"You sure na ok lang sayo na kumanta dito Gabi Gabi??" Tanong ni Nathan.
"Of course. Ano naman ang masama dun??"
"Baka kung ano ang mangyari sayo." Bakas amg pagaalala sa mukha niya.
"Ano ka ba. I'm ok, I can take care of myself. You don't have to worry to much hehe xD."
"Sige ganto nalang, ihahatid nalang kita."
"No, you can't do that. I have my own car."
"Di ko naman sinabing wala. Ang akin lang, iiwan mo sa school ang kotse mo at ihahatid kita dito. Then, pagkatapos niyo, ihahatid uli kita sa kotse mo."
"You're just wasting your gasoline. Kaya ko mag isa. Besides baka magselos din yung girlfriend mo." Natatawang sabi ko.
"No, hindi siya selosa, She's kind." Nakangiting sabi niya.
"Tss, walang ganon. Magaling magtago ng feelings kaming mga babae. Baka naman hinahayaan mo siya kaya nasasabi mong mabait siya? Bahala ka, baka magsawa siya." Natatawang pang aasar ko.
"Tss, ewan ko sayo."
"Ang sunget mo naman. Ilang araw na??" Nang aasar na tanong ko pa pero hindi niya ata nagets dahil kumunot bigla ang noo niya.
"What do you mean?"
"Never mind." Saka ako ngumisi.
Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa parking. Kanina, tinitigan ko yung mukha ni Lance habang kumakanta ako. I don't know why did I do that, basta napatitig nalang ako sakanya habang kumakanta.
Halata rin sa mga mukha nilang dalawa ng kasama niya na hindi nila ako namukhaan.
"Anyway, saan nga pala yung daddy mo??" Natigilan lang ako sa pag iisip ng mapansin Kong nasa harap na pala kami ng kotse ko. At mas lalo akong natigilan sa tanong niya.
"Why are you asking about my dad?"
"Why? Bawal ang mag tanong about your dad?" Nag aalalang tanong niya.
"No, its just that I don't wanna hear anything about him." Nag iwas ako ng tingin matapos sabihin yon.
"Bakit nga???" Nangungulit na tanong niya.
"Please. Kakasabi ko lang diba?? I don't wanna hear anything about that person." Galit Kong tugon.
"I'm sorry." Nakayuko ngunit sinsero niyang sabi.
"Its ok. Basta, don't ask anything about him, Bye." Sabay talikod ko sakanya at pumasok sa kotse.
"I didn't expect that he will ask about my dad. I thought he's not curious about my personality." Kunot noo and mahinang bulong ko.
Wag assumera, Xandra. Tinanong lang ang tungkol sa daddy mo pero hindi ibig sabihin non, curious na siya sayo. Tss.
Napailing ako sa sariling naisip. Napaka assumera ko nga naman.
Bumusina muna ako para malaman ni Nathan na aalis na ko. Nakita ko siyang kumaway sakin pero hindi ko na iyon pinansin dahil di rin naman niya ako makikita, tinted ang glass ng kotse ko.
Saglit lang ang pagmamaneho ko dahil wala nang masiyadong sasakyan sa daan. Pagkapasok sa bahay, sumalubong si mommy sakin ng umiiyak at bigla nalang siyang lumapit saakin at yumakap.
"Baby, sorry. I didn't listen to you. I believed that you're the one who's lying. Sorry baby, I'm so so sorry. I promise na pakikinggan na kila palagi. Sorry talaga baby girl, hindi na mauulit." Napayakap naang din ako kay mommy at umiyak.
"Its ok mommy, how did you know?"
"I watched the CCTV footage."
"When?" Naguguluhang tanong ko. Hindi ko maalalang umalis si mommy ng bahay at pumunta sa school.
"Kanina lang. Hindi ko alam kung nasaan ka para ipaalam sayong nasa school niyo ako. I forgot my cellphone kasi dito sa bahay. Kaya ayun, pumunta nalang ako sa teacher mong nagsabi sakin ng totoo." Paliwanag ni mommy habang umiiyak parin.
Hindi ko na tinanong kung sinong teacher yun dahil iisa lang naman ang nilapitan ko. Pagkatapos ng pagdradrama namin ni mommy, kumain na kami ng hapunan kahit late na. Hindi kumain si mommy para lang sabayan ako. Ganun siya kabait at gusto ko lang ishare hehehe.
Pagkatapos namin kumain, nagpaalam na ako kay mommy na matutulog kaya pumunta na ako sa kwarto ko.
Naghugas na ako ng katawan ko at ng akma na akong mahihiga, biglang nag ring ang cellphone ko.
Nang tignan kung sino yun, walang nakalagay kaya sinagot ko yun ng may pagtataka sa mukha.
"Hello??" Tanong ko sa kabilang linya.
"Xandra??" Sabi niya naman. Hindi ko alam kung kaninong boses to pero alam Kong pamilyar to. Aha! Alam ko na. Pero san niya nakuha ang number ko??
"Woi!!! Saan mo na kuha number ko? Stalker ba kita??" Natatawang asar ko.
***
Hanggang dito nalang. Sino kaya yun??
Don't forget to vote, comment, follow me and add this story on your reading list. Thank you very very much !!
YOU ARE READING
Behind The Glasses
Novela JuvenilRead my story now and I'll show you how the nerd transformed into a goddess lady.