Chapter 7
Xandra POV
Paggising ko, liwanag agad ang nakita ko.
Nasa langit na ba ako???
Yan ang unang tanong ko sa aking isipan. As in, sobrang liwanag talaga. Asan ba talaga ako?
Pero ng ilibot ko ang aking paningin, saka ko lang napag alam na nasa hospital pala ako. Nandito si mommy at kasama yung mga nambully saakin at yung boyfriend niya.
"M-mommy.." Nahihirapang sabi ko upang mapansin niya ako dahil kausap niya yung mga nambully saakin.
"Oh, gising kana pala anak." Naiiyak na sabi ni mommy. Tinignan ko yung mga nambully saakin, nakangisi sila.
"M-mommy, s-siya po y-yung nambully sa-saakin.." Sabay turo ko dun kay Risha na nasa likod ni mommy. Humarap naman si mommy dun at kumunot noo.
"Huh? Anak? Wag ka namang ganyan sa tumulong saiyo..." Saad ni mommy na nakapag pa hinto sa utak ko. What did she just said?!
Loading..
Loading..
Loading..
Loading..
Loading..
WHAT?!!
"Mom.. Sh-she is the o-one who bu-bullied m-me!" Nilabas ko na ang lahat ng lakas ko upang maisigaw ang mga salitang iyon.
"Wait, what? Mawalang galang na po pero masiyado ng masama ang kasinungalingan ng anak niyo. Ikaw na nga itong tinulungan ng girlfriend ko tapos ikaw pa ang may ganang mamintang sakaniya!" Sabi nung lalaki. At si Risha naman nagpapaawa.
"Anak, mag sorry ka." Cold na sabi ni mommy. Bakit ganito?
"M-mommy, ma-maniwala naman ka-kayo sa-saakin..." Naiiyak na sabi ko.
"Anak, please, tumigil kana sa kasinungalingan mo. Hindi kita pinalaking ganyan kaya magsorry kana kay Risha. Best friend mo siya pero ganyan mo siya kung tratuhin!" Pasigaw at galit na sabi ni mommy.
"Mommy, were n-not be-bestfriends.." Naiiyak na sabi ko.
"Anak, magsorry kana." Cold na sabi ni mommy kaya no choice ako kung hindi magsorry. Alam Kong galit na si mommy sa akala niya kasinungalingan ko.
Magsasalita na dapat ako ng mag salita si Risha.
"Ti-tita.. Ok la-lang po kahit hindi mag sorry s-si bitc--- ay si Palermo. Nagkaaway ho kasi kami at mukhang hindi niya ako mapapatawad. Bakit ganyan ang anak niyo? Pero pag siya ang may kasalanan ako parin ang nagsosorry. Napapatawad ko rin naman agad siya eh..." Ngayon, umiiyak na si Risha. Hindi ba talaga nahahalata ni Mommy?
"Sorry talaga, Risha." Paumanhin ni mommy.
"Alis na po kami." Cold na sabi nung lalaking jowa ni Risha. Ang sasama ng ugali nila!
"Sige, mag ingat kayo ha? Maraming maraming salamat sa pagtulong sa anak ko." Sabi ni mommy habang naka tingin kay Risha.
"Wala pong anuman." Lumapit si Risha saakin at kunwaring yumakap saka siyakumawala at nagsalita.
"Bessy, sana mapatawad mo ako. Wala lang rin saakin ang nangyari kanina kaya wag mo ng alalahanin yun. Sana nawala ka nalang. Oops, I mean, sana nawala nalang ang ala ala mo para hindi mo malaman ang kasalanan ko para mag kabati parin tayo hanggang ngayon. Sorry talaga bessy." Sabi niya at yumakap nanaman saakin at bumulong.
"Paaikutin ko ang nanay mo sa sarili Kong kamay kaya maghanda ka na nerd sa nga kaya Kong gawin." Sabi niya at kinurot ang likod ko.
"Ouch!!" Daing ko. Ang haba kaya ng kuko niya at soooobrang diin ng nagpapakurot niya saakin.
Bigla naman siya kumawala sa yakap at humarap saakin. Nakita ko ang pag aalala sa mukha ni mommy at ang kunwaring pag aalalang mukha ni Risha.
"Oh anong nangyari? May masakit ba sayo?" Kunwaring may pag aalala sa boses niya at bigla na lamang ngumisi at pinanlakihan ako ng Mata.
"Wa-wala. Sige umalis na kayo. Magpapahinga na muna ako." Sabi ko at tumagilid na upang natulog.
"Bye bye tita." Rinig Kong sabi nung mga kaibigan ni Risha kasama siya.
"Sige, mag iingat kayo. Bye." At narinig ko ang pag bukas ng pinto at pag Sara. Mukhang wala na sila. Natulog nalamang muli ako dahil sobrang sakit na talaga ng katawan ko.
Risha POV
WOHOO! Kahit ang nanay ni Nerdy ako ang pinaniwalaan. Mukhang nakukuha ko na ang loob ng mommy ni nerdy girl at nakukuha ko nanaman ang loob ni Raven. Umaayon ang lahat sa Plano.
Sabi ko naman sayo nerdy, hindi ako magandang kalabanin dahil hindi kapa nakakalaban, pagod kana.
Papaikutin ko kayong lahat gamit ang aking kamay hanggang sa ako nalamang ang paniniwalaan niyo.
***
Waahh!!! Grabe sa sobrang short ng update no! Sorry, ito lang ang napiga ko sa isip ko. Mabuti at naka update ako. Don't forget to vote, comment,add this story on your reading list, follow me and sorry sa wrong granmmars.
YOU ARE READING
Behind The Glasses
Teen FictionRead my story now and I'll show you how the nerd transformed into a goddess lady.