Chapter 10
Xandra POV
Pagdating sa room,di ko na pinansin pa ang may mga masasamang tingin at pumunta na agad sa upuan ko.
"Saan ako??" Tanong ni Nathan.
"Hanap ka upuan mo." Sabi ko.
"Eh, wala naman akong kilala dito maliban sayo kaya sa tabi mo ako uupo." Sabi niya sabay upo sa tabi ko.
"Tss, no choice naman ako." Sabi ko at nagbasa ng libro.
Natapos lang ako sa pagbabasa ng dumating ang iba pa naming mga kaklase at nagbulung bulungan. Dumating narin yung dalawang masusungit na lalaking nakaupo sa likuran ko.
"Sino katabi ni nerd??"
"I don't know but he's handsome."
"I know, but why the hell he's beside that nerdy girl??"
"Duh, magkasabay tayong pumasok tapos ako tatanungin mo?? Are you stupid?"
"OMG, I'm not stupid like you."
At kung ano ano pang pinagsasabi nila tungkol samin ni Nathan. What's the big deal by the way??? Kase panget ako at siya gwapo??
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang aming teacher na si Ma'am Carmona. Tinawag lang kami bilang attendance at nagturo na siya.
Pagkatapos ng pag uusap namin nung nakaraan hindi na ulit kami nag usap ni ma'am. At mukhang tumigil narin naman si Risha.
Pagkatapos ng dalawa pang subject, lunch break namin. Mahaba lunch break namin, two hours.
"Sino kasama mo mag lunch??" Tanong sakin ni Nathan.
"Wala ako lang."
"So, pwede pala tayong magsabay??"
"Edi ba may girlfriend ka??"
"Nagtext siya sakin na hindi siya pumasok ngayon."
"Ah, ganun ba?? Sige. Saan tayo kakain??"
"Sa labas nalang. May alam akong cafe. Maeenjoy mo dun dahil may nagbabanda dun."
"Sige sige. Pero, saan tayo sasakay??" Tanong ko.
"Sa kotse ko nalang."
"Nakakahiya naman pero sige."
At pumunta na nga kami sa kotse niya at ng nakarating sami sa cafe na sinasabi niya, malapit lang mula sa E.U. pwedeng lakarin.
Cafella basa ko sa pangalan ng cafe. Mula dito sa labas, dinig na dinig ko ang mga nagbabanda sa loob. Puro lalaki ang mga may hawak ng instrument at babae naman ang vocalist.
Pumasok na kami sa loob at umupo malapit sa mga nag babanda.
"Kita mo yung vocalist nilang babae??" Tanong ni Nathan.
"Yeah, sino siya??" Tanong ko naman. Maganda kasi siya at maganda rin ang boses niya. Bagay na bagay sakanya.
"She's my cousin. She's kind, but meron parin siyang attitude na ayaw ko. Maarte siya pagdating saakin dahil halos sabay na kaming lumaki." Paliwanag niya. Tumango tango lang ako.
Maya maya lang, tinawag na ni Nathan yung pinsan niya.
"Ah, Mia, this is Xandra." Pakilala niya saakin sa pinsan niya.
"Hi, dear, my name is Mia Angeline Silvestre. You can call me Mia." Nakangiting sabi niya. Napatingin ako kay Nathan ng tumaas ang isang kilay niya.
"How about you?" Nabaling ulit kay Mia ang tingin ko ng tanungin niya ako.
"My name is Alexandra Loraine Palermo." At nagkamayan kami.
"What? Sabi mo Xandra Palermo ang pangalan mo??" Kunot noong tanong ni Nathan. Nag peace sign lang ako sakanya.
"Oh, your name is Beautiful. Ganito nalang, from now on were best friend. I like you a lot. You're beautiful and I think, you're kind too." Lalong tumaas ang isang kilay ni Nathan at biglang nag iwas ng tingin.
"Hmm, ngayon best friend na tayo, ikaw lang ang tatawag sakin ng Angeline. Don't mind that 'Mia'. You can call me Angeline and I'll call Loraine." Napatingin ulit ako sa pinsan ni Nathan at ang ganda ng ngiti niya saakin.
"Tss, never mind. Order lang ako." Sabi ni Nathan at umorder na nga.
"Alam mo Loraine, I really like you. At hindi ko rin alam kung bakit." Nakangiting sabi niya.
"Uhm, Mia---" naputol ang sasabihin niya ng sumama ang tingin niya.
"Loraine naman, I said call me Angeline."
"Ah, sige Angeline, hindi ako sanay sa Loraine."
"Haha edi masanay kana ngayon dahil halos araw araw mo na Kong makikita. Ta transferr ako sa section niyo."
"Haha grabe ka naman." Natatawang sabi ko.
"Dahil ikaw ang best friend ko." Sabi niya. Ng tumingin ako sa Mata niya teary eyed siya o baka namamalik Mata lang ako?
Naiwas ko lang ang Mata ko sa Mata niya ng dumating si Nathan.
"Gusto mo ba sumali sa banda Loraine?" Tanong ni Angeline na ikinabigla ko.
"Uhm, oo sana." Nahihiyang sagot ko.
"Magsimula ka mamayang Gabi. Mas maraming customers. Aayusan kita." Nakangiting dagdag niya.
"Really? Pero hindi pa lo natatanggap."
"No, tanggap ka na. Ako may Ari nito. Mamayang 7:00 nandito kana. Aayusan kita. " sabi niya sabay tayo at beso sakin bago magsimulang umalis.
Di ko alam kung ako lang ba ang nakakita pero para siya umiiyak at patunay ang gumagalaw niyang mga balikat.
****
Happy Halloween!!Dont forget to vote, and add this on your reading list. Thank you.

YOU ARE READING
Behind The Glasses
Teen FictionRead my story now and I'll show you how the nerd transformed into a goddess lady.