III. GETTING CLOSER

4 0 0
                                    

“Oh talaga? Kung ako sa kanya, medyo mahihiya ako na maging ganun kataray kapag andyan ang ex boyfriend ko. Awkward kaya.”

“Ganun talaga sya kataray, kahit dati pa nung bago naging kami, at nung kami na. pero mabait naman yun. Ewan ko bat naging mas malala yung pagkataray nya sayo. Di naman sya ganyan na mataray sa mga di nya kilala eh.”

            “hmmm.. baka gusto nya lang na mapansin mo ulit, at magkabalikan kayo.”

“naku, hinding hindi na mangyayari yun.”

“oh, tama na, tama na. hindi na ako magtatanong pa at baka magkaiyakan lang tayo dito.”

“Haha! Grabe ka naman. di naman yun nakakaiyak. Saka nakamove on na naman ako. ewan ko sya.”

“naks naman! ang gwapo mo!” nagkatawanan kami sa sinabi ko.

“Ikaw naman ang matanong ko, tutal ako ung nasa hot seat kanina. Bakit ka nagtransfer dito sa kalagitnaan ng school year?”

            Tumahimik ako saglit, saka ako sumagot. “Kasi… kasi..”

Huminto sa ginagawa nya si James at tumitig sa akin, halatang naghihintay sya sa isasagot ko.

“hmmm.. kasi, nakick-out ako dun sa school ko sa province.”

“Hala, bakit naman? anong kalokohan ang ginawa mo at nakick out ka ng ganun?”

“Napatay ko kasi yung mga classmate ko.”

Nagulat sya sa sinabi ko, at lumayo ng konti.

“Wag mo sana akong katakutan sa sinabi ko sayo.” At akmang hahawakan ko sya sa braso.

“Totoo ba yang sinasabi mo Nic?”

Nilapit ko pa ang mukha ko sa mukha nya sabay sabing, “JOKE LANG.”

“Nakakainis naman to oh!” sabay hampas nya sa balikat ko. Medyo napalakas yung hampas nya. Nalaglag ako sa kinauupuan ko.

“Naku! Sorry! Sorry! Sorry talaga Nic!! Di ko sinasadya!” Tinulungan ako makatayo ni James. Tawa lang ako ng tawa. Pinagtitinginan na kami ng mga classmate namin na busy din sa paggawa ng kani-kanilang booths. Nakita ko na nakatingin din si Mia sa amin, ang sama ng tingin, so nilayuan ko ng konti si James dahil alam ko na pag-iinitan na naman ako nung babae na yun.

“Hahaha! Ok lang yun! Natakot ba kita ng sobra?”

“Nakakainis ka niloloko mo ako.”

“Joke lang yung mga sinabi ko ha. Lahat yun joke lang baka maniwala ka pa eh.”

“Eh ano nga? Ano nga totoo?”

“Nagtransfer ako dito kasi kailangan. Dahil sa trabaho ng father ko. Nalipat kasi sya ng location. Ganun ganun. Basta haha!”

“Ah ok. Now I know.”

“Bakit kaya ang  tagal ni Jeric? Nasaan na kaya yun.”

“Teka itetext ko.”

“Sinong itetext mo?” biglang lumitaw na lang si jeric mula saan.

“Loko ka! Ang tagal mo kaya! Nasan na ba yung mga binili mo?”

“Eto na oh. Tara na at tapusin na natin tong booth na to at ng makauwi na ng maaga. Panigurado dadagsa ang mga taga ibang school bukas ng umaga.”

EXCHANGED IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon