What I Love about your Love (on going)

577 14 11
                                    

PROLOGUE

Yung taong nandyan para sayo. Sasamahan ka kahit saan. Yung hindi nagsasawang kasama ka. Kahit busy siya mas uunahin ka pa nya kase gusto ka niyang makasama ka. Yung nasasabihan mo ng lahat ng bagay, nagugutom ka, natatae ka, o nauutot ka man. Pag kasama mo siya para lang kayong baliw. Nagtatawanan kayong dalawa, tapos pag narinig niyo yung theme song nyo ay sabay kayong kakanta kahit may mga taong nakapaligid sa inyo. Feeling nyo na kayo lang tao sa mundo kapag magkasama kayo.Yung sasayaw sa harap mo at kumekembot mapatawa ka lang niya. Yung sinusunod ang gusto mo wag ka lang magalit sa kanya. Kahit yung pag memake up sa muka niya sinusunod niya matuwa ka lang. Tapos pag sasakay kayo sa jeep pauunahin ka niya, pag magbibigay ka ng pera para sa pamasahe di niya tatanggapin dahil siya na daw ang magbabayad. Tapos pag sa bus naman, titiisin niyang nakatayo kaysa sa ikaw ang nakatayo. Pag sisiksikan naman sa tren yayakapin ka niya wag ka lang mahawakan ng iba.

Tapos kahit amoy pawis ka na yayakapin ka pa niya at sasabihing ang bango bango mo. Kapag bagong gising sasabihin niya sayo na ang ganda ganda mo tapos hahalikan ka niya mula noo tapos ilong, pisngi at labi ng maraming beses kahit di ka pa naliligo. Yung taong tanggap ka kahit ano pang meron sayo may muta ka man o may natuyong laway. Hindi naman kailangan romantic basta ang cool niyo. Kilalang kilala ka niya at alam kung anong gusto mo at ayaw mo. Hindi siya magsasawang magpicture-picture kayo kung saan saan. Yung taong bago pa niya sabihin ang   

“I LOVE YOU” ay naparamdam niya na sayo ng todo! Siya yung taong kahit kanino mo iwan, alam mong faithful sayo. Pag nahanap mo yun swerte mo ! kaya wag na wag nang pakawalan yun :”>

What I Love about your Love (o η g o i η g)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon