Chapter18--- I Miss You!!! Kakainis ka! >:(

81 4 0
                                    

Chapter18--- I Miss You!!! Kakainis ka!  >:(

COREEN’s POV

Sabi niya may sasabihin siya saken? Ba’t ngayon nalaman ko na wala siya at umalis?

Yeah.. umalis siya, nasa California siya ngayon dahil reunion daw ng family and relatives nila siyempre andun din si Hana. Tsaka ko lang nalaman after 2days! Kaya pala wala silang dalawa. Tapos di pa siya nagpaparamdam saken :(

Kung sa bagay di naman kami.. diba diba? Duh! Assuming na naman eh!

Excuse naman silang dalawa, and ngayon ko lang din nalaman na sa tinagal tagal na naming magbestfriend ni Hana eh sila Nathan pala ang may-ari ng University na pinapasukan namin!

Kaya lang daw di sinasabi para daw di sila magkaroon ng special treatment mula sa DEAN at ADMIN! Pati sa mga professors namin. Sila na -__-“ tsk!..

“Only Hope”

Hana is calling

“Yeoboseo?”

(“ano?”)

“hello?”

(“ah.. anong salita yun ? alien?”)

“korean yun!”

(“aba? At kelan ka pa natuto magsalita ng ganun?”)

“kanina lang “

(“weh? “)

“oo nga! Oh? Napatawag ka?”

(“kinakamusta ka lang”)

“tss....”

(“sorry na bhest! Please? Biglaan talaga eh, tapos pagdating namin dito busy na kaya di kita nasabihan at natawagan agad”)

“ah.. ok lang, basta pag-uwi chocolates! :P”

(“oo ba! Wag ka na magtampo ha?”)

“oo na di na”

(Hana! Tawag ka ni Tita!)

(“oo anjan na!”)

“si Nathan yun diba?”

(“oo gusto mo kausapin? Alam ko namang miss na miss mo na rin siya eh”)

“hoy di ah! Asa!”

(“sus! Kunwari pa!”)

“ewan!”

(“Nathan! Si Coreen oh sa phone!”)

(“so? Ano ba!? Kanina ka pa tinatawag ah!”)

(“oo na!”)

(“bhest? Tawag na lang ako ulit ha?”)

“ok bhest bye”

Ay naputol agad?

Tss... bat naman ganun sagot nun? Di ba ko namiss nun? As if naman! Sama talaga ng ugali nun!

****

Ayun 5 days ng nakalipas at ang boring ng buhay ko -____- wala naman akong masyadong close sa mga kaklase ko .. kundi yung magpinsan lang na yun! Tsk!

“Oh! Mag-isa ka?”

“ow.. hi :) “

“ganda mo talaga ngumiti!”

“alam mo Jude tigilan mo ko!”

“sus! Ito naman! Masama  bang magsabi ng totoo?”

“ewan!”

O_____O? bat nga pala andito tong lalaking to?

“teka! Ngayon ko lang napansin! Bakit andito ka ?”

“ha? Yun ba? Kase dito na ko papasok eh”

“oh? Buti nakahabol ka?”

“oo nga eh! Gwapo ko kase!”

“tss.. wala ka pa ring pinagbago! Ang hangin!”

“di naman ah! Totoo naman yun!”

“haha! Ewan ko sayo!”

“uy sige una na ko, may klase pa ko eh”

“Coreen teka”

“bakit?”

“penge naman number mo! Kaw lang kaya kilala ko”

“ha? Ah .. ok sige wait”

Ayun nagpalitan kami ng numbers namin..

“uy sige salamat, text text na lang hehe”

“ok bye”

Tapos ayun nagmamadali na kong pumasok sa next subject ko... Today is ... Wednesday! At dahil Wednesday siyempre washday.. ahihi.. tuwang-tuwa naman ako sa damit ko.. nakadress kase ako eh, yung light yellow lang tapos dollshoes din na light color. Tapos medyo curl ang hair ko sa dulo.

Weee... kakailang nga eh, kase pinagtitinginan ako, ganda ko siguro? Haha!

Aish! 3rd floor pa yung next subject ko -__- sa CAS  pa man din yun! Hmp! Bat kase ang tagal matapos nung pinapagawa nilang elevator! Nakakahingal umakyat eh.

Ano kayang ginagawa ni Nathan ngayon? Siguro nangchichicks lang yun dun sa Cali! Dami magagandang puti dun eh! Maputi din naman ako ah?! Hmp!

Ewan! Bat ko ba siya iniisip? Dahil ba walang sumusundo sakin sa bahay? Eh ano naman? Tss.. bat niya kase ako sinanay ng ganun eh! Tapos wala ring maghahatid sakin sa bahay? Tapos wala ng dadalaw sa bahay para mangulit at magsungit sakin :( why im Missing you this way so much?

Nathan? Can i tell this to you that i’m starting to fall in love with you? Ganun ba talaga ang love? Tsaka mo lang malalaman na mahalaga ang isang tao sayo kapag nawala siya sa tabi mo?

Dahil nararanasan ko na siya eh.. yeah .. Mahal na talaga ata kita :(but you? Maybe not!

Siguro dapat na kitang iwasan no? kasi ayoko ring umasa na gusto mo ko. Sa mga kinikilos mo sakin, ung pagiging careful mo, saviour ko. Ganun.

“a-aray!”

Woo! Sakit ng ulo ko dun ah! Sino ba to?!

“uy sorry ok ka lang?”

O___O?”

What I Love about your Love (o η g o i η g)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon