1

81 5 1
                                    

Chapter 1: Water is Better than Alcohol



Maaga akong gumising dahil wala sa team ko ang available para imeet ang client namin today. Minsan napapaisip talaga ako kung papalitan ko na ba ang mga kasama ko sa studio. Kaso wag na, dagdag stress.


Hindi ako familiar talaga sa pupuntahan ko. Buti nalang ay alam ng driver ng sinakyan kong taxi yung lugar kaya sinabihan ko nalang siyang ibaba ako doon ng safe.


8th Street. Narinig ko na siya before but I've never been there. Hindi naman kasi ako masyadong pala gala. Siguro nung medyo bata pa ako, but now nagbusy-busyhan nako sa trabaho.


Well, hindi naman inabot ng 30 minutes ang biyahe. Pagkababa ko ng taxi, kakaibang ambiance agad ang bumungad sakin. May event ba? Kasi ang lively ng atmosphere. Napadako ang tingin ko sa mga stalls na nagkalat sa kalsada. May hotdog on sticks, fruit shakes, Chinese food...and whaaat? Cotton candy? Talaga ba, umagang-umaga?


I wonder bakit mukhang napaka active ng mga tao dito dahil sweets ang main course ng breakfast nila. Hinanap ko yung gusaling may malaking nakasulat na BRUNCH, at kumikislap-kislap pa raw ito, ayon sa description nung client. And hindi naman ako nahirapan hanapin kasi nga, kumikislap ang mga letra. Natawa naman ako kasi yung letter U, ang cute ng pagkakadesign.


Pagpasok ko, naamoy ko kaagad ang bagong lutong tapa. May naaamoy din akong adobo at sinangag. Tsaka ko naman naalala na hindi pa pala ako kumakain. Letse kasi ng phone ko, hindi tumunog kaya late na ako nagising. Well, maaga na yung 6 pero late pa rin kasi one hour after ang meeting time.


Bago pa tumulo ang laway ko sa mga pagkaing naaamoy ko, may kumaway sakin na isang matandang babae. Namukhaan ko siya kaagad kaya tinungo ko yung table kung saan siya nakaupo.


"Hi I'm Laurel Diaz from Flash Slash Photography." nginitian niya ako at sinabi ang mga salitang nagpasaya sa tenga at sikmura ko.



---



"Itetext ko nalang sayo ang actual date and time. Nagkaroon kasi ng changes sa sched ng anak ko so pag-uusapan pa namin." sabi ni Mrs. Cruz. Patuloy kong ineenjoy ang sinangag at tapa na nakahain sa table namin. Nagulat ako kanina nung bigla siyang umorder at siya na rin ang nagbayad. Kaya talaga namang napapalakpak ang dragon sa tiyan ko. Ang sarap kasi talaga pag libre.


"Sure sure. I'm assuring you po na aalagaan kayo ng team ko, and gagawin naming special ang debut ni Claire." sabay subo ng hawak kong kutsara. Every bite tastes heaven talaga.


Tinawanan lang niya ako. Sabi niya, hindi raw halata na matakaw akong tao. Well, my philosophy? Cherish every free moments in life.


Tinawagan ko si Brad after naming kumain. "Mauna na ako iha. Ingat sa pag-uwi." pagpapaalam ni Mrs. Cruz bago siya sumakay sa sasakyan.


"Yow!" sagot sa kabilang linya habang pinagmamasdan ko ang papalayong sasakyan ni Mrs. Cruz. "Ano Brad, masusundo mo ba ako?" tanong ko at nagsimulang maglakad-lakad sa kung saan.


"Wait for me. I'll be quick like Barry." He ended the call. Ayan na naman siya. Nahilig na siyang sabihin yan kada magpapasundo ako. Paano, kakapanood ng favorite niyang The Flash. I-flush ko yan siya sa inidoro pag nainis ako eh.


Nagpunta ako kung saan nakapila ang iba't-ibang food stalls. Tinry ko yung cotton candy. And infairness, ang tamis. Shunga lang, malamang cotton candy eh.  Muntanga naman akong natawa sa sinabi ng other self ko. Natural matamis. Magulat nalang ako kung maalat to.


Laurel and the Freshly Brewed Coffee Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon