5

41 5 1
                                    

Chapter 5: Where is the Poop?



Kung minamalas nga naman, ngayon pa ako naubusan ng mga supplies sa apartment. Mismong ref ko, zero balance na.


Kaya naman nagmadali agad akong maligo at nagpunta ng CVS para bumili ng pagkain and other stuff.


"What's up?" salubong sa akin ni Julia pagkapasok ko ng CVS. Tinext ko kasi siya na samahan ako para may katulong ako sa pagbitbit ng mga paper bags.


"I'm fine. Sige na girl magsimula ka nang dumampot ng mga needs ko sa apartment." dali-dali kong utos sa kaniya. Tinuktukan niya ako sa ulo kasi hindi niya raw ako yaya. Kumuha ako nung tray cart at binigay sa kaniya.


"Ako sa pagkain, tapos ikaw na bahala sa iba. Go girl bilis ambagal naman kumilos parang hindi ka lalaki." Sinamaan naman niya ako ng tingin.


"Letse ka babae ako! Ikaw ang lalaki diyan kasi wala ka paring boyfriend. Girl, sayang ang ganda mo sinasabi ko sayo." iiling-iling na sabi niya.


Humiwalay muna ako kay Julia at nagpunta sa Food Section. Halos mapuno naman yung tray cart na tulak-tulak ko kasi bigla akong nagcrave sa Pasta, sweets, and breads. May alam naman ako sa pagluluto kaya kumuha narin ako ng mga hilaw na ingredients, like meats and vegetables.


Sakto namang nakasalubong ko si Julia. Tinulungan ko na rin siya sa pagkuha ng other supplies na kailangan ko, then dumeretso kaming counter after that.


"Girl, hindi mo naman ako ininform na marami kana palang kasama sa apartment mo." sabi ni Julia paglabas namin ng CVS. Natatawa ako kasi hirap na hirap siya yakapin yung mga paper bags na dala niya.


"Huh? Dalawa lang kami ni Snow gaga ka."


"Ahhh. Hindi na ako magdadalawang-isip kung sino ang matakaw sa inyong dalawa ng pusa mo. Dahil alam naman natin kung sino yun." natatawang sabi niya. Babatukan ko sana siya kaso parehas nga pala kaming hirap sa pagbitbit nitong mga paper bags.


Pagdating namin sa apartment, sumalampak agad sa couch si Julia kasi napagod daw yung mga kamay niya. Inayos ko naman yung mga pinamili namin, at nagluto ng Spaghetti na ikinatuwa naman niya ng sobra.


"Nagpunta nga pala si Brad sa unit ko yesterday, hinahanap ka. What happened?" curious niyang tanong in the middle of our Spaghetti meal.


Tatlong araw na kaming hindi nagkikita ni Brad. Magmula nung iniwan ko siyang lasing at nakahilata dito sa apartment ko, never ko nang sinasagot and nirereplyan yung calls and messages niya sakin.


Medyo umiiwas kasi ako sa kaniya after nung nangyari ng gabing iyon. Ewan basta, ang awkward pag nagkita kami lalo na't alam kong hindi niya maaalala iyon. So, if ever na magkita kami, papasok agad sa utak ko yun, habang siya, walang kaalam-alam. Ang awkward nun sa part ko.


"Wala naman. Medyo busy lang ako this past few days. Hayaan mo siya, kumain ka nalang diyan." sagot ko sa tanong niya. Tinignan naman niya ako with her not-satisfied-look, kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.


"Where is the poop, Laurel?" Bumalik yung tatlong pirasong strand ng Spaghetti galing sa bibig ko pabalik sa plato nang tanungin niya ako bigla ng ganun. Kunot-noo ko siyang tinignan at umiling-iling.


"Anong ibig mong sabihin?"


"May aso kami noon sa bahay nung medyo bata pa ako. Umalis kami for almost 10 hours then pagbalik namin, yang ganyang facial expression mo, ganyan na ganyan yung aso namin nang makita namin siya. Nalaman nalang namin, may poop pala siya sa kusina. So, where's the poop Laurel? Where is the poop?" usisa niya.


Laurel and the Freshly Brewed Coffee Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon