6

38 4 0
                                    

Chapter 6: The Book





"Lumabas ka, ngayon na!"




People start to take pictures and videos for the scene I made earlier. Dali-daling lumabas si Riley at lumapit sakin.



"Are you crazy? What if hindi kita napansin, edi nabangga kita?" seryoso niyang sabi.



"Edi quits na tayo!" sagot ko naman.



Napahawak siya sa ulo tsaka seryosong tumingin sakin.



"Laurel, I'm serious. What if something happened to you? Hindi ko alam ang gagawin ko pag nangyari yon."



"Hindi ba kayo aalis dyan? Ha?! Anlaki niyong sagabal!" rinig kong sigaw sa di kalayuan.



"Sumunod ka sakin, or I swear babanggain ko ulit itong sasakyan mo." I glared at him bago naglakad paalis doon. Napahawak ako sa dibdib ko nang makalayo ako sa kalsada. Kinabahan din ako dun ah, nyemas hindi ko rin alam ang gagawin ko pag nabangga ako.



Naglalakad ako nang may bumusina sa gilid ko. "Saan ka pupunta?" tanong ni Riley habang dahan-dahang sumusunod sakin.



"Coffee shop, now!" Hindi ko na siya hinintay na magsalita atsaka diretsong tinungo ang shop. Hindi naman nagtagal ng dalawang minuto at dumating na rin siya doon.



"So, what now?" Riley asked pagkaupo niya. Napansin ko yung mata niyang tinitignan ang iba't-ibang parte ng katawan ko. Napansin niya ata iyon.



"I'm just checking if may sugat ka." pagpapaliwanag niya.



"Ang OA mo naman. Ni katiting hindi dumampi ang kotse mo sa katawan ko, so don't worry."



"Eh bakit mo ba kasi ginawa yun? Sobra akong nag-alala nang makita kitang humarang sa dinadaanan ko. Akala ko talaga mababangga kita eh."



"Seriously? Haynako Riley, alam ko kung ano ang hidden plan mo. May pa I'm sorry, I'm sorry kapang nalalaman. I'm sorry for bringing this up to you my butt."



Nanghingi siya ng tubig at agad naman siyang binigyan. "Kakailanganin ko ito." sabi niya.



"Anyway, alam kong gusto mong habulin kita, pa-ano ka rin eh, and oo tama ka. Mas lalo lang akong naguilty. Oh, bakit nakakunot yang noo mo?"



"Ha? Hindi ah. Tsaka, mali ka no. Wala akong intensyong ganun. I felt sorry talaga kasi I dragged you with my own problem. No, mali ka Laurel. Mali ka." iiling-iling na sabi niya. Kinuha ko yung baso ng tubig sa harap niya.



"Ibuhos ko kaya ito sayo? Punyeta ka, ilabas mo na yung librong pinakita mo sakin kanina."



"So payag ka na?"




"Oh, see! Walang intensyon daw, sapakin kaya kita dyan." Napayuko siya sa sinabi ko. Ininom ko yung tubig tsaka nanghingi ulit ng panibago.



Sinabi ko ulit na kunin niya yung libro. Lumabas siya saglit para kunin yun sa kotse niya. Pagkabalik niya, pinaexplain ko ulit kung ano ang gagawin with that book.



"This is a story book without characters. Tanging mga pangyayari lang at lugar ng pinangyarihan ang nakasulat dito. Ngayon, tayong dalawa ang magsisilbing tauhan at gagawa ng mga nakasulat dito, at naaayon lamang sa kung ano ang sinabi ng libro. Walang labis, walang kulang. Kada pahina, may scene na nakasulat, and we must do that, exactly as what the page states. And kailangan daw naming magbigay ng proof na ginawa nga namin ang mga sinabi ng libro nato."



Laurel and the Freshly Brewed Coffee Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon