12

24 2 0
                                    

Chapter 12: Rule No. 3



"Ang bagal mo namang maglakad, para kang babae."


Napatigil ako nang magsalita si Riley. Aba gago pala to eh, pinaglakad niya ako ng pagkalayo-layo tapos hindi niya manlang sinasabi kung saan kami pupunta. Atsaka anong sabi niya?


"Anong tingin mo sakin, lalaki? Excuse me, babae ho ako, 100%." pagtataray ko sa kaniya.


Hindi ko na magawang magbago ng ekspresyon kasi kanina pako talaga hinahapo, at nanunuyo na rin ang lalamunan ko.


"Punyeta ka saan ba tayo pupunta?!" pagalit kong sabi sa kaniya.


"Diba sabi ko huwag kang magmumura sa harap ko?"


"Eh kung patayin nalang kaya kita? Ha? Gusto mo ngayon na?!"


"Red days ba? Galit na galit ka eh."


"Fuck you!"


Huminto ako sa paglalakad nang makakita ako ng isang mahabang bench. Hindi ko na siya sinabihan, basta dumeretso na ako doon atsaka pabagsak na umupo.


Pumikit ako at tsaka nag-isip kung paano papatayin ang lalaking iyon. Ewan, kung ano-ano na ang naiisip ko, isama mo pa yung gutom at uhaw. Tinignan ko kung anong oras na at nagulat nang malamang...isang oras na pala kaming naglalakad!


"Oh."


Akala ko may iaabot siya saking tubig, pero nang tignan ko yung kamay niyang nakalahad sa harap ko, wala naman siyang hawak.


"Anong gagawin ko diyan?" mariin kong tanong. Nakatingala ako sa kaniya, at doon ko lang napansin na ang tangkad pala ng isang to.


Nasa harap ko siya at nakataas ang kaliwa niyang kamay paharap sakin.


"Hawakan mo."


"Huh? Bakit?"


"Basta hawakan mo."


"Bakit nga? Anong meron diyan, humawak ka sa tae no?"


"Bakit ako hahawak dun?"


"Aba malay ko sayo."


Dahan-dahan akong tumayo at naghanap ng malapit na tindahan, or convenience store. May sinasabi siyang kung ano pero hindi ko masyadong marinig, kumakalam na kasi yung sikmura ko.


"Huy."


"Ano?!" baling ko sa kaniya. Kunot-noo ko siyang tinignan kasi nakalahad parin yung kamay niya sa harap ko.


"Ano bang gusto mong gawin ko sa kamay mo? Imassage? Eh kung pagbabaliin ko kaya yang mga daliri mo sa kamay."


"Hawakan mo nga sabi."


"Bakit nga?"


Hindi siya nagsalita, bagkus ay sapilitan niyang kinuha ang kamay ko at pinag-intertwine yun sa kaniya.


Nagsimula siyang maglakad at nahila niya ako since magkahawak nga yung kamay namin.


"T-Teka lang, h-huy ano ba b-bitawan mo nga yung kamay ko! Huy!" pilit kong binabawi yung kamay ko pero parang wala na kong lakas pa upang gawin iyon. Naubos na kanina sa pag-upo ko.


"Ssshhh malapit na tayo." sabi niya nang hindi lumilingon sakin.


Bale nauuna siya, tapos ako nakasunod lang habang hawak niya yung kanang kamay ko. Tumingin ako sa likod ng ulo niya nang mapansin ko ang namumula niyang tenga.


Laurel and the Freshly Brewed Coffee Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon