9

41 3 4
                                    


Chapter 9: Bro Slash That Guy






"Boyfriend?"


Magsasalita sana si Brad nang pigilan ko siya. "No! No no no no! He is my friend. No no!" iiling-iling na sabi ko.


Tumawa si Brad kaya napatingin kami ni Riley sa kaniya. "Yeah that's what I meant. Boy-friend. Like, lalaking kaibigan."


"Gago, iba naman kasi yung pagkakasabi mo. Letse ka, nawindang ako dun ah."


Tawa lang nang tawa si Brad. Maya-maya ay dumako yung tingin niya kay Riley.


"Bradley Anderson, bro." He offered a handshake which is tinanggap naman ni Riley.


"Riley King. Nice to meet you." ngiti niyang sabi.










Waaah! Kanina pako pagulong-gulong sa kama ko, and I swear, mukha nang binagyo itong higaan ko.


"Teka, akala ko ba kayo na ni Brad? Eh diba nga natulog na kayong dalawa na magkatabi dito one time?" sabi ni Julia na nagpatigil sa paggulong ko.


Dali-dali akong bumangon at nagtungo sa pintuan sabay sarado nito.


"Gaga ka, huwag ka ngang maingay!" pabulong na sigaw ko sa kaniya.


Nagpunta kasi siya dito para makigulo lang, since boring daw dun sa tinutuluyan niya. Tapos kinwento ko sa kaniya yung nangyari kagabi. Eh sakto, dumating si Brad.


"Eh bakit ba, nandun naman siya sa kusina kaya hindi niya tayo maririnig." pabulong din niyang sabi sakin.


Since nandito naman si Brad, siya nalang yung pinagluto ko. At kaming dalawa ni Julia, ay nandito nga sa kwarto ko, at nag-uusap.


"Kahit na, tsaka may sasabihin ako sayong importante."


"Spill it."


"I lied okay, About dun sa...we slept together. Sorry naman diba, kasi pinipilit mo ko eh. Well, dito siya natulog sa apartment ko. Oo totoo yon, pero yung tabi kami, hindi no. Tsaka lasing siya nung time na yun at doon siya sa sahig natulog."


Nakitang kong tumaas yung kanang kilay niya, and nagets ko naman yun bigla.


"Nagsasabi ako ng totoo gaga ka!"


Yung kaliwang kilay naman niya ang tumaas.


"Alam mo naman diba na, may nagagawa si Brad kapag lasing siya na hindi niya natatatandaan kinabukasan?"


Lumaki yung mata niya sabay takip sa bibig niya. "Omg girl! Sinuko mo na ang bataan?"


Hinampas ko siya ng unan. "Gaga, hindi no!"


"Eh what really happened ba?"


Pinagdikit ko yung mga dulo ng daliri ko sa dalawang kamay ko, tapos pinaglapit ko yun. Kinuha naman niya sakin yung unan, sabay baon ng mukha niya doon.


"Kyaaaaaaaaah!" impit na sigaw niya sa unan. Pinaghahampas niya ako sa kung saan kasi babae na raw ako sa wakas.


"Girl, I'm so proud of you! Finally...na divirginized din yang labi mo. Aba pasalamat ka, bente singko kana girl. Tikim-tikim din kahit minsan."


"Kadiri kang babae ka kahit kailan!"


Tumawa lang siya tapos pinaghahampas na naman niya ako.


Laurel and the Freshly Brewed Coffee Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon