8

31 4 1
                                    

Chapter 8: The Girl, The Nanny, and The Kid





Dinala ako ni Brad sa isang amusement park after naming kumain. Dito raw siya dinadala ng parents niya dati nung bata pa siya.



Babawi raw siya sa ilang araw na hindi niya ako nalibre. Eh sino pa bang tatanggi kapag ikaw na ang ililibre diba? Kaya naman sagot niya raw ako today.



May nakita akong nagtitinda ng cotton candy kaya sabi ko bilhan niya ako nun.



"What are you, a six-year-old girl?" kunot noo niyang tanong sakin.



"May nakasulat ba na for kids only? Alam mo, hindi ibig sabihin na yung nakasanayan mong gawin nung bata, eh hindi mo na pwedeng gawin sa pagtanda. Napaka pubertal naman nun kapag ganun."



"Fine, whatever." sabi lang niya. I rolled my eyes. Bumili siya ng dalawa, yung kulay blue sa kaniya, tapos sakin yung pink.



"Ano ka, six-year-old boy?" balik-tanong ko sa kaniya. Binelatan niya lang ako tsaka ngumuya ng kapiraso.



Naglakad-lakad lang kami hanggang sa maubos namin yung cotton candy. Tinanong niya ako kung saan ko gustong sumakay na ride.



"Carousel!" sigaw kong sabi. Napa face palm lang siya at umiling-iling.



"I could't believe I'm being a nanny here for a brat kid." Sinapak ko siya sa braso. Grabe siya ah. Eh sa namiss kong sumakay ng kabayo e!



Wala naman siyang nagawa kaya sumakay kaming dalawa doon. Nakasampa ako sa kabayo, pero siya doon lang sa may upu-upuan sa tabi ko.



"Ang KJ mo naman! Parang hindi ka naging bata ah." sabi ko habang ineenjoy ang pag-ikot ng mga kabayo.



Pinagmamasdan ko lang kung gaano kasaya ang mga batang nakasakay dito. Tsaka ko lang narealize na...nakakahiya nga.



Puta! Pinagtitinginan ako ng mga tao kasi sa halos lahat ng kabayo, puro bata yung nakasakay.



Kaya naman bumaba nalang ako. "Oh, bata bakit ka bumaba?" natatawang tanong sakin ni Brad.



"Lets-letse ka!" pabulong kong sabi. Baka kasi marinig ng mga kids sa paligid. May nakita akong bata na malapit lang samin. Hindi siya nakasakay sa kabayo, kasi siguro naunahan ko siya.



Tinuro ko sa kaniya iyon. "Tawagin mo." 



Hindi niya ata nagets yung sinabi ko kaya ako nalang yung lumapit sa bata. "Hello, what's your name?"



Hindi ako sinagot nung bata, tapos napansin ko mukhang iiyak siya. Hala! Nagpanic naman ako kasi natakot ata siya sakin.



"Josh!" tawag nung babae na lumapit samin. Mukhang nanay niya siguro.



"Ah eh, sorry po. Tatanungin ko sana siya kung gusto niyang sumakay dun sa kabayo na sinakyan ko kanina."



Tinuro ko dun sa nanay kung saan iyon nang biglang may nagsalita sa likod ko.



"Nay, pwede po bang kami ang magkarga sa kaniya pasakay dun sa kabayo?" tanong ni Brad.



Sinamahan kami nung nanay papunta doon sa kabayo. Nung una ayaw nung bata, pero itong si Brad, hindi ko alam kung anong ginawa niya, pero napapayag niya yung bata na kargahin siya.



Ngayon ay kalong-kalong ni Brad si Josh. Nagsalita siya na parang ewan, and si Josh naman tawa nang tawa.



Napangiti ako kasi, first time ko lang makita ang ganitong side ni Brad.



Laurel and the Freshly Brewed Coffee Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon