11

35 1 0
                                    


Chapter 11: Cold Ice Baby

Two weeks later

Kakauwi lang namin ng team ko galing sa debut ni Claire, yung anak ni Mrs. Cruz. That was amazing, and so far isa yun sa mga engrandeng event na nahawakan namin this past two years.

Nagpahatid nalang ako kay Jake sa apartment ko. "Thanks. Ingat ka." sabi ko bago siya nagdrive paalis.

It's 9pm and sobrang nagugutom nako. Mahigit isang oras din kasi yung biyahe from venue ng debut papunta dito.

So pagkapasok na pagkapasok ko sa unit eh umorder agad ako sa Pizza Corner. I think okay na yun para malampasan ko ang nakakagutom na gabing ito.

After 30 minutes ay dumating na yung delivery. Binanatan ko kaagad ito pagkabukas ko.

"Namimiss ko na si Snow." Hindi ko mapigilang malungkot kasi wala yung pusa ko ngayon dito. Wala akong mashare-an ng pagkain.

Tatlong araw ko na siyang hindi nakakasama, and sobrang namimiss ko na siya.

Kaya tinawagan ko ang mokong na iyon. Sa ikatlong tawag niya ako sinagot.

"Oh?" sagot sa kabilang linya.

"Oh? Yun lang?"

"Why?"

"Galit ka pa rin ba? Naka ilang sorry na kaya ako sayo, ayaw mo naman tanggapin." Wala siyang sinabi, pero rinig ko yung mga mabibigat niyang paghinga.

"Huy, anuba, sorry na nga kasi. Hindi ko naman sinasadya eh."

"Matulog ka na. Idadaan ko nalang si Snow sa studio mo bukas, goodnight."

Hindi man lang niya ako pinagsalita bago niya inend yung call. I sighed. Mukhang big deal talaga sa kaniya yung nangyari.

***

"Trisha, kapag pumunta siya dito, pakuha nalang si Snow ha, may pupuntahan kasi ako."

Nagokay sign lang siya kaya lumabas nako ng studio. Mga ilang metro palang ang layo ko dito nang matanaw ko ang isang pamilyar na lalaki.

Naglalakad siya pasalungat sa direksyong tinutungo ko, kaya magkakasalubong kami. Bago pa man din niya ako lampasan ay humarang ako sa dinadaanan niya.

"Excuse me po, natatandaan niyo pa po ba ako?" tanong ko sa kaniya. Kumunot yung noo niya na parang inaalala niya kung nakita na ba niya ako.

"Pasensya na iha pero wala akong natatandaan na nagkita na tayo, or nagkausap. Bago lang ako rito eh, kilala mo ba ako?"

"Kayo po yung may mga dalang papel, tapos may suot-suot kayong hat, tapos po dalawang beses na po tayong nagkita sa daan. May mga sinabi po kayo sakin noon na hindi ko po maexplain kung bakit niyo po iyon nasabi." pagpapaliwanag ko.

Nagulat ako kasi wala raw siyang memorya ng mga sinabi ko. Pero, sure talaga akong siya yung misteryosong lalaki na yun. Gusto ko pa sana siyang kausapin kaso nagmamadali raw siya, kaya wala akong nagawa kundi hayaan nalang.

"Weird, alam ko talaga siya yun eh. Hindi ako pwedeng magkamali." Sakto may dumaang taxi sa gilid ko kaya pinara ko yun at sumakay.

Habang nasa biyahe, tinext ko si Julia na hintayin ako para sabay na kami. Niyaya niya kasi ako ulit sa kabubukas lang daw na art gallery sa may Long Island. And nung sinabi niya sakin yun, may dala siyang pagkain para raw hindi ako tumanggi. Kilalang-kilala talaga ako ng gaga.


Laurel and the Freshly Brewed Coffee Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon