3

40 5 0
                                    


Chapter 3: The Art of Text Messages




From: Trisha

Lors, nandito si Mrs. Cruz sa studio regarding dun sa debut ng anak niya. Punta ka now na.




Shocks, bat ngayon pa? Dali-dali kong kinuha yung bag ko at umalis ng Coffee Shop. Ngayon dapat kami magmimeet nung may-ari ng sasakyan eh. Tinext ko nalang siya na baka hindi kami matuloy ngayon.


Kahapon, sinabi ko sa kaniya na nasa restaurant ako nung time na tinawagan niya ako. Kaso, may pupuntahan daw siya na importante kaya nagset nalang kami kung kailan at saan kami magmeet. And ngayon yun. Argh.


Pagdating ko sa studio, nandun din kasama ni Mrs. Cruz si Claire, yung anak niya.  Well, iibahin daw nila yung theme and sinet na nila yung final date and time. Nagpunta raw sila dito as soon as possible para mainform agad kami. Napagplanuhan naman namin ng maayos and nakaadjust na agad from sudden changes.


Bakit hindi nagrereply yun?


Nag early lunch kami ng mga kasamahan ko sa studio pagkaalis nila Mrs. Cruz. And hanggang sa matapos kami, wala paring reply.


"Laurel?"


Nilingon ko kung sino yung tumawag sakin pagkalabas namin ng Steak House. "Omg Julia! Nandito ka na pala." She went for a hug and gave me a peck on my cheek. Sinabihan ko yung mga kasama ko na mauna na sa studio.


"Bakit hindi mo ako ininform na nakauwi ka na pala?"


"Kakarating ko lang actually kahapon. And isusurprise sana kita, kaso...ugh failed. Nakita kita." Pinakita niya sakin yung bago niyang butterfly tattoo sa kamay.


"Edi sana nagtago ka. Baliw ka talaga. And, butterfly na naman? Jusko hindi na nagsawa." Hinampas niya ko sa braso kaya hinampas ko rin siya. Ang sakit kaya.


"Gaga ka eh miss na kasi kita. And duh, you know naman na I love butterflies." I just rolled my eyes. Three months ago, nagpaalam siya sakin na pupunta siyang States para sa isang Art Gallery. Well, mahilig sa paintings ang gaga kaya hindi niya yun pinalampas.


"Girl samahan mo ko sa ayaw mo o sa gusto. Kikidnapin kita ngayon, dali shit may pupuntahan tayo."


"Eh-"


"Sasapakin kita Laurel talaga." Wala na akong nagawa kaya hinila niya ako papunta sa kotse niya. Well, namiss ko rin siya ng bongga kaya go na rin ako. Tinanong ko kung saan kami pupunta. Sabi niya we're going to have fun daw doon. So naexcite naman ako.


Pagdating namin...ayun Art Gallery. Sinamaan ko lang siya ng tingin pagbaba namin ng kotse. "Sorry bes, but promise mag eenjoy ka kasi explicitness ang theme ng mga paintings. Alam ko namang mahilig ka dun."


"Letse ka! Baka ikaw." Tinawanan niya lang ako at nagpatuloy na sa loob. And yes, tama nga ang sinabi niya. Puro nudes ang nakikita, but they're arts. Napaka creative ng ideas, napaka bold.


I texted Brad na sunduin ako after an hour cause nawiwili na itong si Julia, at ngayon nga ay may kausap na siyang artist. Letse siya, nagpasama pa siya tapos babaliwalain niya lang pala ako after ilang minuto.



Nagreply naman si Brad na sige raw. So naggala nalang ako to see other paintings. May mga nakausap din akong artists and grabe yung passion nila for this. I'm on photography, which is more realistic ang final product. But here, talagang products of imagination and skills ang makikita mo. I'm impress na sa ganitong paraan nila naeexpress ang kanilang saloobin at damdamin.


It's almost an hour and Julia is nowhere to be found. Tinext ko ang gaga na uuwi na ako. Hindi na ko naghintay ng reply niya at lumabas na ng foyer. Itetext ko na sana si Brad kung nasan na siya nang magtext siya na hindi raw siya makakapunta. May problem daw sa restaurant na kailangan niyang asikasuhin agad.


Medyo na sad ako kaya hindi ko nalang siya nireplyan. Naghanap nalang ako ng taxi and then, realization hits me. Bakit hindi nagreply yung may-ari ng sasakyan?


Same thing happened to me. Hindi makakapunta si Brad and I decided not to reply. OMG. Dali-dali kong kinuha yung phone ko at nireplyan si Brad. Mukha akong tanga swear sa mga naiisip ko. Hindi ko mafigure-out yung logic, nasa dulo na ng dila ko pero hindi ko maconstruct yung thought.


May usapan kami ni Brad, he agreed, and then suddenly hindi matutuloy. May naramdaman akong disappointment or sad feeling sa loob ko, kaya ang effect eh hindi ko nalang siya nireplyan. Parang sa art, ayun yung way mo para iexpress yung feelings mo inside. Ganito rin kaya yung sa may-ari nung sasakyan after kong sabihin na hindi kami matutuloy?


Napapikit ako kasi nastress ako ng bongga sa mga naiisip ko. Atleast nakapagreply ako kay Brad. Gusto ko sanang itext ulit yung may-ari ng car kaso hindi ko alam ang sasabihin.


Nakauwi akong apartment hawak-hawak yung phone ko at hindi ko alam kung isesend ko na ba or hindi. Medyo guilty parin naman kasi ako dahil dun sa nangyari sa car niya. And ngayon, hindi niya ako nirereplyan. Baka isipin nun na tinatakasan ko siya.


Arggh! Nakakasabog ng utak mag-isip. Kukunin ko sana si Snow na nakahiga sa sahig nang magvibrate yung phone ko. It's him.



From: Car Owner

Sorry ngayon lang ako nakareply. Okay lang kasi may biglaan din akong ginawa kanina. Free ako bukas, ikaw ba? If you want, tomorrow nalang. Same time and place :)



It's settled then.


---



I ordered the same coffee. Chineck ko yung time, two minutes nalang bago mag 9. Sasamahan sana ako ni Brad kaso sabi ko, kaya ko na. Nagmukha pa siyang tatay kasi baka raw masamang tao yun. Mag-ingat daw ako. Magdala raw ako ng pepper spray. Ewan. Natawa nalang ako sa kaniya.


So naghintay ako. Hanggang sa lumipas ang trenta minuto, walang nagpakita sa akin. Tinext ko siya earlier na sa table 13 ako nakaupo. And I'm definitely sure, na wala ni isa ang lumapit sa table ko.


I checked my phone kung may text galing sa kaniya. Mauulit na naman ba? Sana manlang magtext siya kung hindi kami tuloy ngayon.


May part na gusto ko nang umalis. Pero nanaig sakin yung part na, "Let's stay a couple more minutes." Lumipas ulit ang trenta minuto pero wala talaga. Letse, sana talaga nagpractice pa akong mabuti sa pagpapark ng sasakyan. Edi sana wala ako sa posisyon kong ito ngayon.


So nagdecide akong uuwi nalang. Nagpunta muna akong restroom para umihi. Paglabas ko, napansin kong may lalaki sa table 13, hapong-hapo at may band-aid sa kanang kilay nito.


Unti-unti akong lumapit sa table hanggang sa mapansin niya ako. Habol hininga niya akong tinitigan. Hindi ko alam pero kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat. Kinuha ko yung bag ko na nakapatong sa upuan nang magsalita siya.


"Hi. Ahhmm...ikaw ba yung...yung nag-iwan ng note sa car ko?" tanong niya habang nagpupunas ng pawis sa noo gamit yung kamay niya. Pansin ko yung ilan niyang sugat sa mukha.


Tumango lang ako at inofferan siya ng panyo. Tinanggap niya naman ito at nagsalitang muli.


"Sorry late ako. I just got from an accident. Nabangga kasi yung taxi na sinasakyan ko. Nagpunta ako agad dito pagkatapos akong icheck sa ambulance. So sorry if pinaghintay kita ng matagal."


Hindi pa man din ako nakakapag sorry ng personal about dun sa sasakyan niya, heto siya't nagsosorry ngayon dahil late siyang dumating.






"And by the way, I'm Riley. It's nice to meet you."

Laurel and the Freshly Brewed Coffee Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon