13

33 1 0
                                    

Chapter 13: The Unexpected Ending



"That is because it was written on page 50."



50. He held her hand for the first time.

Kanina pako nakatingin sa page na ito. Ang daming naglalaro na katanungan sa isip ko, pero sobrang napaka inappropriate naman.

Ang weird lang kasi biglang pumasok sa isip ko na may gusto na sakin si Riley. Bakit ko ba naisip yun?

"So, tatahimik ka lang diyan?"

Binaling ko yung tingin ko kay Julia. Napasalampak ako sa kama kasi, naistress ako ng sobra.

"Girl, wag kang mag assume kasi ginawa nga lang niya yung nakasulat sa libro."

"Hindi naman ako nag assume, naisip ko lang bigla dahil dun sa text ni Brad."

Nakita ko yung pag ikot ng mata ni Julia, kaya binato ko siya ng unan.

"Hindi ka nakakatulong sa sitwasyon ko, alam mo ba yun."

"Ang sabihin mo, ikaw na yung may gusto sa kaniya. Aba, kawawa naman si Brad. Siya itong naghintay sayo ng matag-"

"Ano bang pinagsasabi mo? Letse ka, lumayas ka nga! Get out!"

Tumawa lang siya tapos pinagbabato niya ako ng unan kasi babae na raw ako. Pilit niyang sinasabi na baka raw nagkakagusto na ako kay Riley.

"Wala okay. Kilala mo naman ako, kapag sinabi kong wala, wala talaga."

"Okay. Eh, ano bang plano mo kapag natapos niyo na ni guy yung libro? Hanggang dun na lang ba yung pagkikita niyo? Like, that's it we're done. Goodbye. No see you later? Hah?"

Actually, hindi ko rin alam kung ano ang mangyayari kapag natapos na namin yung book. Basta ang alam ko lang, gusto ko na siyang matapos kasi nagiging awkward na gawin yung mga nakasulat sa natitirang page.

Kinuha ko yung phone ko. Cinlick ko kung nasaan yung pangalan niya at nagtype. Tinanong ni Julia kung anong ginagawa ko.

"Tatapusin ang dapat tapusin."

---

Nagreply si Riley after 10 minutes. Sabi ko kay Julia na dito muna siya sa apartment. "Balik ako after an hour."

"Saan ka?"

"Basta." Nagbihis muna ako saglit tapos kinuha yung book na nasa kama.

"Don't tell me..." she said while giving me the look. Tumango lang ako tapos ang gaga inasar ako. Hindi ko raw matiis si Riley kaya makikipagkita ako.

"Alam mo, gustong-gusto mong magkatuluyan kami ni Brad, pero heto ka't kinikilig sa amin ni Riley. Uulitin ko ulit ha, walang something sa amin ni Brad, at mas lalo sa amin ni Riley, so me is gonna go na." Binelatan niya lang ako sabay salpak uli ng earphones sa tenga niya. Nanonood kasi siya ng Friends.

Sa coffee shop ako dumeretso at naghintay ng 15 minutes bago siya dumating. Hinanap niya agad ako pagkapasok na pagkapasok niya.

"What's up? Anong meron?" tanong niya pagkakita niya sakin. Umupo siya sa harap ko at nilapag yung hawak niyang phone sa table.

"Bakit mo pa ako hinanap eh sa table 13 lang nga ako umuupo diba?" sabi ko sa kaniya.

"Sayo na tong table na to?"

Laurel and the Freshly Brewed Coffee Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon