10

44 3 9
                                    


Chapter 10: The Sweet Revenge





Sinungaling!


Nasa restaurant ako ni Brad ngayon, kaso ayaw niya akong labasin. Kinausap ko si Thomas, which is dito pala nagtatrabaho, na tawagin si Brad. Kaso, busy daw ang loko.



Aba gago pala siya eh. Sabi niya nung isang araw okay lang na magkita kami ni Riley. Eh kanina tumawag siya, tinatanong kung anong gagawin ko later.



Tapos sabi ko, magkikita kami ni Riley ngayon. Binabaan ba naman ako! Letse. Tapos hindi na niya sinasagot yung mga sumunod kong tawag. Bahala nga siya, para siyang babae.



Sumakay akong taxi pabalik sa coffee shop kasi dun kami magmimeet ni Riley.



To: Brad

ANSWER THE PHONE!




---




"Saan ba tayo pupunta?"



Kanina pa ata kami naglalakad nitong si Riley, pero hindi naman niya sinasabi kung saan kami pupunta.



Hindi niya ata ako narinig kaya inunahan ko siyang maglakad at tumigil sa harap niya.



"Saan mo ba ako dadalhin, Your Highness?" Kumunot yung noo niya sa sinabi ko.



"Diba, King surname mo?"



"Ahhh. Oo, kaya sumunod ka sakin."



"Ulol!"



Sinamaan niya ako ng tingin. Sabi niya, huwag daw akong magsasalita ng mga foul words kapag kasama ko siya.



"Eh bakit ba? Bibig ko naman ito, tsaka ang boring ng life kaya kapag hindi mo itry na magsabi ng mga ganung salita."



"Psh. Fine, bahala ka."



Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Maya-maya ay tumigil siya sa harap ng The Breakfast Club kaya tinanong ko siya kung anong ginagawa namin dito.



"Ano ba sa tingin mo ang gagawin natin sa isang restaurant?"



"Whatever. Libre mo ba?" tanong ko.



"Huh? Anong libre?"



"Huh? Diba...kakain tayo? Kaya tayo nandito?"



Tumawa siya bigla, yung tipong mamamatay na siya sa kakatawa. "Baliw, uupo lang tayo. Kaya, pumasok na tayo kasi kanina pa naghihintay yung mga upuan sa loob."




What...the hell?




---




So, literal nga na umupo lang kami. Ewan ko ba kung joke niya lang to, or ano pero swear gusto ko na siyang gilitan gamit itong kutsilyo na nasa table namin.



Mga 15 minutes na siguro ang nakalipas nang kunin niya sa bag niya yung libro. Sinabihan niya ako na magstart na raw kami.



"Hindi ba talaga tayo kakain?" malungkot na sabi ko. Feeling ko bumagsak yung katawan ko sa pag-aakalang makakatanggap na naman ako ng libre.



Ang loko ngumiti lang. Akala niya ata natutuwa ako kaya kinuha ko yung basong may laman na tubig sabay lagok dito ng isang deretsahan lang.



Pabagsak ko yung nilapag sa table. "Edi sana doon nalang tayo sa coffee shop, bakit pa tayo pumunta dito? Nakakapagod kaya maglakad."



Laurel and the Freshly Brewed Coffee Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon