14

39 1 0
                                    

Chapter 14: Cinderella After Midnight



Unti-unting bumagsak yung luha sa mga mata ko. Bakit?


Bakit mo ito ginawa? Masaya naman tayo diba? Hinawakan ko yung dibdib ko na bahagyang bumigat. Ang sikip, at ang sakit.

Unti-unti kang lumalayo. Gusto kitang habulin, pero hindi ko maigalaw yung mga paa ko. Hindi ko maihakbang papunta sayo.

Huwag kang umalis. Huwag, please!

Gusto kong isigaw yan ngayon, pero walang lumalabas sa bibig ko. Wala, hindi ko kaya. Hanggang sa nawala kana sa paningin ko.

Dahan-dahan kong itinaas ang mga kamay ko upang punasan ang mga luhang akala ko ay never nang babagsak pa.

Bakit?

Pinakiramdaman ko ang mga paa ko kung kaya ko na itong ikilos. Unti-unti akong humakbang...hanggang sa naging takbo. Tumakbo ako at pumasok sa coffee shop. Kita ko ang kakaibang tingin ng mga tao, pero binalewala ko yun kasi, sobrang sakit. Umupo ako at umiyak.

I hate crying. But you made me do it.

I hate you...Dad.

May mga lumapit sakin upang kausapin ako pero hindi ko sila inentertain. Tapos may umupo sa harap ko at tinanong kung okay lang ako.

Dad...okay lang ba ako? No.

Dad, I am not okay. I need you right now. Please, come back. Come back to us.

"I hate seeing girls crying. So, right now I'm seeing you as a dark sky...and it's raining. Don't stop pouring raindrops. But promise to yourself that when you're done, rise your brightest sun and shine like there's no tomorrow. So that everyone can see your hidden rainbow inside."

Tumayo siya at lumakad palabas ng coffee shop. Hindi ko siya masyadong makita dahil natakpan ng luha ang mga mata ko.

Tatayo sana ako para sana umalis na, nang mapansin ko yung tasa ng kape na nasa table kung saan ako umupo. Pinunasan ko yung mga mata ko at nakita ko iyon ng mas malinaw.

May leaf art sa taas nung kape. Hindi ko alam pero bahagya akong napangiti dahil dito. Unti-unti ko siyang kinuha. I took a sip...and it gives me a sudden comfort.


Huminga ako ng napakalalim upang gumaan-gaan naman yung pakiramdam ko. Tinitigan ko yung kape at tsaka ko lang narealize na, this is my first time drinking coffee.

Nagulat ako, pero nawala rin yon dahil masarap naman siya. Uminom akong muli nang magvibrate yung phone ko.

Kinuha ko yun at tawag pala siya galing sa best friend ko. Sinagot ko yun at sigaw agad niya ang bumungad sakin.

"Hoy nasaan ka? Huwag mong sasabihin magpapakamatay ka? Nasaang tulay or mataas na building ka para mapuntahan kita."

"Bakit?"

"Dahil ako mismo ang tutulak sayong gaga ka!" Julia never failed to make me happy. Tumawa ako nang bahagya at napansin niya ata iyon.

Laurel and the Freshly Brewed Coffee Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon