Chapter 4: The Beggining

98 5 0
                                    

CHAPTER 4: THE BEGGINING

Mia Flores



"Hoy bakla, tumulong ka naman sa pagligpit nitong mga pinggan. Kainis toh! Ang arte arte. Kala mo magkakaroon ng germs ang mga kamay pag hinawakan ang mga itey! "

Inirapan ko lamang si Jhiro at umayos ng upo sa may counter. Nag dekwatro ako tapos nagkibit balikat habang pinagmamasdan ang mga kaklase kong tumutulong sa paglilipit ng kalat, paghuhugas ng mga pinggan, pagwawalis ng buong kusina.

Ilang beses na akong napagalitan at napasigawan ni President at Jhiro dahil sitting pretty lang ako dito pero----NO! Hinding hindi ako tutulong. Walang lugar ang kamay ko sa mga maruruming bagay.

Ayokong madapuan ng germs ang malinis at makinis kong kamay. At isa pa, masyado akong maganda para maghugas ng plato, magwalis or what ever. Basta, sitting pretty lang and I don't have a plan to help them.

"Mia, paki lagay nga tong walis dun sa may sulok! " napangiwi ako ng abutan ako ni Fenna ng tambo. Tinitigan ko lang iyon imbis na kunin at sundin ang utos nya.

"For your information, nandito ako para magbakasyon, hindi para maging utusan mo.! " pagkatapos kong sabihin iyon ay tumayo na ako upang pumunta sa may sala at doon manood ng tv.

Narinig ko pa ang pagsinghap ni Fenna bago ako tuluyang mawala sa paningin nya.

Pagdating ko sa sala, tumambad sakin si Angelo na mag isang nanonood ng basketball. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan syang nag eenjoy. Dahan dahan akong tumabi sakanya. Tumikhim pa ako dahil mukhang hindi nya napansin ang aking presensya.

"Hi Angelo! "

"Oh nandito ka pala Mia. Sorry dahil hindi kita napansin. "

"Haha. Okay lang." Tumawa lang si Angelo at muling binaling ang tingin sa tv. Nakinood nalang din ako pero paminsan minsan, sumusulyap-sulyap ako sa gwapong nilalang na katabi ko.

He's my five years Crush. Nagsimula ang feelings ko sa kanya noong highschool palang kami. Unang kita ko pa lamang sa kanya, naagaw na nya ang atensyon ko. Huminto rin yung pag tibok ng puso ko at wala akong ibang nakita sa paligid kundi sya lang. Alam kong Corny pakinggan pero--, hindi ko mapigilang kiligin habang inaalala ang panahong iyon. Sya ang inspirasyon ko kung bakit palagi akong nasasali sa top 10,sya ang dahilan kung bakit pumapasok ako araw araw, sya ang dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay sa mundong ito.

Naging magkaibigan kami nung mapasali ako sa grupo nila Nikki. Hindi man kami laging mag uusap dahil medyo nahihiya ako pero atleast, mag tropa na kami at Mahal nya ako...bilang kaibigan nga lang.

Okay na yun, kaso may parte parin sa katawan ko na gusto ko syang maging boyfriend pero asa naman ako. Hindi nya ako gusto. Like DUH! mapili sa mga bagay si Angelo.

"MIA!" nagbalik lang ako sa mundo ng tawagin ako ni President Jeanne. Inis akong tumayo at pumunta sa may kusina. Nagkibit balikat ako habang tinataasan sya ng kilay.

Napatingin lahat sa akin at bakas sa mukha nila ang pagkainis. What? Ano bang ginawa ko?

"Hindi ka naman siguro mamamatay diba pag tinulungan mo akong ilagay ang mga basurang ito sa may labas ng bahay. " Napalingon ako kay Trixie na ngayon ay may dalang Plastic bags.

Napangiwi ako ng malanghap ko ang masamang amoy na nagmula sa may plastik. Dagli kong tinakpan ang ilong ko at nag no sign.

"Ilayo mo nga sakin Yan, Trixie.  " ano ba kasing laman ng plastik bags na yan. Parang may patay na--Err Tao? Ay ewan.

Tiningnan niya ako ng masama bago padabog na naglakad palayo.

Napabuntong hininga ang lahat at binalik na ulit ang naudlot nilang trabaho. Sinamahan ako ni Princess At Mel na pumunta sa kwarto . Pagdating namin dun ay may nakita akong pigura ng isang taong nakatalikod sa may veranda.

Si Nikki ata.

"Naku! Ikaw Mia ha,nanggigil ako sa ugali mong yan. Pasalamat ka at bestfriend kita!" usal ni Princess.

"Thank you." sarkastiko kong sabi at napangiwi naman sya sa sinagot ko.

Dumaan ang minuto at nakarinig kami ng malakas na sigaw mula sa labas. It was voice of Trisha.

Lumabas si Melissa sa banyo at nagtanong kung anong nangyari pero hindi ko sya sinagot bagkus ay pumasok sa banyo upang maligo narin.

"What happened? "

"I don't know. Tara, labas tayo.! "

"Wait! Hintayin nyo ako! "

Aminin ko, medyo na curious ako dahil sa biglaang pagsigaw ni Trixie pero bahala na.. Hindi ako bababa upang maki isyuso. Wala akong pake sa babaeng iyon.

Pagkatapos kong maligo at magbihis sa loob ng banyo, binuksan ko na ang pintuan at hindi ko inaasahan ang makikita ko..

"Oh? Anong ginagawa mo dito? " tanong ko sa taong kaharap ko ngayon. Ngumisi lang sya imbis na sagutin ako. Nakaramdam ako ng takot habang tinitigan sya.

Bakit sya nandito? Anong kaylangan nya? Bakit parang natakot ako sa ngising sumilay sa labi nya?

Napaparanoid na ba ako? Ah, baka nga.

Tinalikuran ko sya at pinalupot ang tuwalya sa buhok ko upang matuyo. Pumwesto ako sa View length mirror at hindi ko ulit inaasahan ang makikita sa repleksyon ng salamin. Namilog ang mata ko at agad napaharap sa kanya.

"My revenge will start now... "






(To be continue...)

Guess Who✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon