Chapter 7: The Justice Of Her Death

84 4 0
                                    

CHAPTER 7: THE JUSTICE OF HER DEATH

Chanel Caballero





Nakakabingi ang katahimikang namuo sa aming lahat. Walang nagtangkang magsalita, lahat sila ay nakatingin sa wala at tila malalim ang iniisip. Nakaupo kami sa malaking couch at hindi alam ang gagawin.

Palihim na umiiyak ang ilan at pinapatahan naman sila ng iba. Nilingon ko ang kambal na sina Ate Yna at Ate Ysa, hawak hawak nila ang cellphone ngunit simula nung masaksihan namin ang nakakaawang bangkay ni Fenna ay hindi na sila nag abalang galawin ang mga iyon.

Hindi ko mapigilang mapalunok habang inaalala ang katawan ni Fenna na talaga namang nakakapanindig balahibo. Natagpuan ang bangkay nya sa kusina,hubo't hubad at nakabukas parin ang mga mata.

Natatakot ako sa hindi malaman na dahilan. May kutob na ako sa posibleng mangyari mamaya o bukas pero pilit kong inaalis.

Umakyat ang paningin ko sa pangalawang palapag. At biglang pumasok si Mia sa isipan ko. Hindi pa namin alam ang totoong dahilan kung bakit namin sya natagpuang walang buhay sa kwarto nya. Wala syang saksak, pasang natamo o kung ano ano pa kaya posibleng may taong pumatay sa kanya.

Pero habang nanlulumo ang mga kasamahan ko sa pagkamatay nya ay may napansin ako sa bandang leeg nya. Isang bakat ng kuko. Pero ayokong mag isip ng masama. Hindi maaaring isa sa amin ang nagkitil sa buhay nya.

May sakit si Mia sa puso. Hindi sya naoperahan dahil walang nagtangkang mag donate. Kaya naging madalas ang pagsakit at paninikip ng puso nya, at iyon na lang ang naisip kong dahilan kung bakit sya namatay..

"So ano? Mananahimik nalang ba tayo? Wala ba tayong gagawin? Ang bangkay ni Fenna,saan ililibing?Ang hustisya ni Mia?" tumayo si Princess at pumunta sa gitna. Napunta ang atensyon ng lahat sa kanya. Namumutla sya at nanginginig ang mga kamay.

Pinaglapat ni Princess ang dalawang kamay at pabalik balik na naglakad sa harapan. Pero mabilis ding naibalik ang paningin sa kanya nang magsimula syang umupo at umiyak ng walang humpay.

"Dalawang buhay ang nawala sa atin ngayon. Bakit? Bakit kailangang mangyari pa ito ngayon? " usal ni Princess. Paakbay na niyakap sya ni Anthony at mas lalong umiyak ang babae.

"President Jeanne, What's going on? Ano to? Bakit nga ba nangyayari ito?" namamaga ang mga mata ni Melissa at panay ang hikbi.

"Ilang beses na bang inatake si Mia? Bakit ngayon lang nangyari ito sa kanya? Si Fenna, alam ko at alam nyong may pumatay sa kanya..." nahilamos ko ang buong mukha dahil sa sinabi ni Aaron.

Nagkakamali sya! Alam kong lahat kaming naririto ay pawang mga inosente. Alam kong hindi sila gagawa ng mga bagay na magiging sanhi ng pagkawatak watak namin.

Hindi ko kakayanin pag nalaman kong.... kasamahan ko lang pala ang pumatay sa kanya.

Ilang minuto pa ang nagdaan nang makarinig kami ng sigaw mula sa kusina. Dagli kaming tumayo at natarantang pumunta sa pinanggalingan ng ingay.

"Aaron? Bakit ka sumigaw? Anong nangyari? " nauutal na tanong ni Trixie at lumapit kay Aaron.

"Kukuha sana ako ng tubig para kay Jeanne nang makita ko ang kapirasong papel na yan. Nasa loob iyon ng ref. " saad ni Aaron at nilapitan si Jeanne. Bumuntong hininga muna ang president bago pinasa sakin ang papel na tinutukoy ni Aaron.

Nanginginig ang mga kamay ko at hindi ko alam kung paano pipigilan iyon. Malakas ang talbog ng dibdib ko, may parte sakin na nagsasabing wag bubuksan ang mensahe.

"Guess Who I am? " iyan ang nakalagay.

Alam ko at alam nilang lahat kung sino ang sumulat nito. At dahil dito, tanggap ko na, na isa nga sa amin ang pumaslang sa buhay ni Fenna.

At sa pagkamatay naman ni Mia, hindi pa ako sigurado kung dahil nga ba sa sakit sa puso ang dahilan o dahil ba sa isang demonyo.

Demonyong hindi ko alam na matagal ko na palang nakasama.

"Gusto nyang makipag laro..." mahinang usal ni Angelo. Umiwas ako ng tingin nang mapatingin sya sa gawi ko.

"Ilan ba tayong nandito? Madami tayo, mahihirapan tayong alamin kung sino nga sa atin ang killer. " muling umiyak si Melissa.

Kahit gulong-gulo kami, handa kaming alamin ang katotohanan sa likod ng kababalaghang ito.





(To be continue...)

Guess Who✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon