Chapter 17: The Failing of Escaping

58 1 0
                                    

CHAPTER 17: THE FAILING OF ESCAPING

Princess Acedillo

Sa dulo ng hagdan, doon ko nakita ang pula-pulang dugo nagkalat sa sahig. Halos manghina at mawala ako sa ulirat nang may makita pa akong bagay na hindi inaasahan ng sistema ko.

"A-Anthony!" pagkatapos kong isigaw ang pangalan nya ay mabilis akong sumuka. Matagal kong tinitigan ang katawan ni Jeff na puno ng saksak, gugustuhin ko mang lapitan ang lalaki ay hindi ko magawa.

Bandang alas tres ng hating-umaga ako nagising dahil sa uhaw na nararamdaman ko. Pero hindi ko na magawang bumaba dahil nakita ko nga doon sa dulo ng hagdan ang duguang katawan ni Jeff.

I can't believe that this shit happening to us again! Ang sunod na katawang nakita namin ay kay Nash na nasa kusina lang. Parehas sila ng sinapit. Parehas na kutsilyo ang ginamit ng killer.

Umaga na nung sabihin ko sa kanila kung paano ko nakita si Jeff. Hindi ako agad nakapag-explain sa kanila dahil matapos kong sumuka ay nawalan ako ng malay.

"Ayos ka na ba?" namumugto ang matang tanong ni Trixie sakin at inabutan ako ng tubig.

Hindi ako nagsalita bagaman ay tinitigan lang ang laman ng baso. Napabuntong-hininga sya at nilapag iyon sa side table ng kama ko nang makitang wala akong balak tanggapin at inumin 'yun.

Hindi na sya ulit nagtanong. Hinintay kong bumalik si Anthony. Ang sabi nya kanina ay ilalagay lang daw nila ang katawan nina Nash at Jefferson. Tila may balang bumaon sa puso ko habang pabalik-balik sa isipan ko ang nangyari sa kanila.

Ano ba kasing kasalanan namin para mangyari ang mga 'to?

"Kumain ka, Princess. " umangat ang paningin ko kay Jeanne. May dala-dala syang kulay berdeng tray at nakapatong doon ang bowl ng soup na batid kong ginawa nya.

Sa tagal naming nandito ay ngayon lang ako makakatikim ng pagkain. Nagtataka nga ako kung bakit nakasurvive parin kami kahit walang laman ang mga tyan namin, ni kahit kanin ay hindi talaga namin natikman.

Siguro ay nakatadhana kaming lahat na mamamatay sa kamay ng killer. Isn't it amazing? Planadong-planado ng killer at ng tadhana ang nangyari sa'min ngayon. Nakakatang-ina lang dahil para kaming baliw habang hinuhuluan at pilit nambibintang kung sino ang totoong killer dito.

The Killer wants her or his game... become succes. The Killer wants us to suffer. The Killer wants us to be dead.

Sino ba sya? Bakit ang laki ng galit nya samin para isa-isahin kaming lahat? Bakit hindi nalang sya sumulpot sa harapan namin at sabihing, "Hey, I'm the killer! I'll kill you all. "

Para naman sabay-sabay kaming mamamatay rito. Hindi yung papahirapan pa talaga kami sa paraan ng pagpatay ng isa samin.

"Aren't you gonne eat this soup I made?" kalahating ngumiti si Jeanne sakin at nilagay sa gilid ng kama ko ang tray. "Pabalik na dito si Anthony. Binalutan lang nila ng kumot ang katawan ng mga k-kaibigan natin. " napayuko sya at napalunok.

Nag-iwas ako ng tingin. Hanggang ngayon parin pala ay masakit pa ang pagkawala nila Mia.

Pwedi bang humiling? Na sana ako na yung isunod para kahit papano ay hindi na ako maghirap at mamroblema dito? Para mabawasan naman yung kabigatan sa kalooban ko.

"Nasaan na si Anthony?" kumabog ang puso ko nang magtinginan silang dalawa ni Trixie at Jeanne. "Where is he? Bakit ang tagal nya?" kabadong tanong ko at kinuha ang kumot na nakatakip sa kalahati ng katawan ko.

Muntikan ko ng mahulog ang soup sa gilid ko pero agad iyong pinigilan ni Jeanne. Inis ang nakita ko sa mukha nya pero hindi ko na pinansin bagkus ay bumaling ako kay Trixie.

Guess Who✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon