Chapter 20: The Revealing of Truth

49 2 0
                                    

CHAPTER 20: THE REVEALING OF TRUTH

Jeanne Perez

"Shit, where is Trixie and Anthony?" narinig kong tanong ni Angelo. Napahinto kaming lahat.

Sa madilim na daan, at walamg kahit kaunting liwanag mula sa buwan, ay pilit naming hinanap ang nawawalang kasamahan namin.

Naigulo ko ang buhok. Kung iiyak na naman ako ngayon, hindi ko na to kakayanin pa.

"Nasaan na sila?!" nanginginig at kinakabahang tanong ko. Sinubukan kong bumalik sa daang tinatahak namin ngunit marahas na pinigilan ako ni Aaron.

"Mapapahamak ka lang, Jeanne. " galit ang tono nya at masyadong mahigpit ang hawak nya sa braso ko.

Mabilis kong binawi ang braso ko sa kanya at tinulak sya palayo sa akin.

"Ano bang problema mo? Kanina ka pa, Aaron! Sa tingin mo ba hindi ko napapansin ang inaasta mo ngayon?! Pwes, nagkakamali k--"

He pointed his finger on my lips and said, "Ssh. "

Hindi ko alam kung bakit, pero nakaramdam ako ng kaba dahil sa bagong presensya ni Aaron sa pakiramdam ko.

Umatras ako pero hinawakan nya ang kamay ko at humarap kila Chanel at Angelo na dahan-dahang umaatras palayo sa amin.

Kung tama man ang hinala ko kay Aaron, isang tanong ang gusto kong masagot nya.

"Aaron, don't tell m--" nahinto si Chanel sa pagsasalita nang agad ng tumugon ang lalaki.

"Bobo ka ba, Chanel? Pinaghihinalaan mo na ako? Hindi porket ganito ang asta ko, ako na yung pumapatay? Hindi ba pweding ayoko lang mapahamak si Jeanne kapag bumalik pa sya doon?! " his voice almost crack.

Doon lang nawala ang tinik na tumusok sa puso ko dahil sa mga pinag-iisip ko sa kanya. He's just concerned. Iyon lang, Jeanne.

Hindi sya yung killer.

Hindi...

"S-sorry, " napayuko si Chanel. "Hahanapin namin ni Angelo sila Trixie. You two will stay here, please. " nagmamakaawang tingin ang pinukol nya kay Aaron. Seems like she's saying through her looks na dapat protektahan ako ni Aaron.

Jeanne, trust Aaron, please. He's not the killer and he will never be.

"Okay, " pagpayag ni Aaron.

Tumango sina Chanel at Angelo sa amin at nagmamadaling tumakbo palayo.

Silence filled us. Hanggang sa bigla nya akong niyakap na ikinabigla ko.

"W-what's wrong?" naguguluhan sapagkat kinakabahan kong tanong.

"Nagpapasalamat ako sayo dahil sa kabila ng kaguluhang nangyari sa ating lahar, you never get tired of staying in my side. Thank you, Jeanne. "

Puminta sa labi ko ang isang matamis na ngiti. Kumalas sya sa yakap at hinawakan ang aking magkabilang pisngi.

"Jeanne..."

He smiled when he saw me smiling. Dinikit nya ang noo sa noo ko. And... and he kiss my nose.

"Mahal kita. "

Those words that made my heart thrill. I was about to response for what he said but I felt a ridge knife that suddenly thrust at my back.

Dahil sa sakit na naramdaman ay napayakap ako kay Aaron. I'm expecting him to cried for me, pero narinig ko syang humalakhak habang pinagmasdan akong nakayuko sa lupa.

Guess Who✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon