Chapter 11: The Weaknesses

71 2 0
                                    

CHAPTER 11: THE WEAKNESSES

Melissa Ramos


"S-SI JHIRO...NANDITO SI JHIRO!"

Hindi na ako nabigla nang makita si Jhiro na nakabulagta sa lapag ng banyo. Nanatiling nakabukas ang mata at kuyom ang mga kamao.

Naliligo na ito sa pulang pula na dugo at batid kong sobrang paghihirap ang pinagdaanan nya sa kamay ng killer. Halos lahat ng mga kaklase kong napatay narin ay ganun ang mababakas ko sa kanilang mga mukha.

Nag iwas ako ng tingin kay Jhiro na puno ng saksak at bumuntong hininga upang mapigilan ang sarili sa pagluha at pagwawala.

"J-Jhiro! Gumising ka naman, o. "

Natigilan ako nang marinig ko ang namamaos na boses ni President Jeanne.

Nung mamatay si Mia, hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na yun. Nagplano akong pumaslang sa isa samin at kapag hindi parin sila umamin kung sino ang pumatay sa kanya ay ipapagpapatuloy ko ang pagpaslang.

Ngunit hindi ako tulad nung taong pumapatay sa kanila ngayon! Hindi ako kailanman gagaya sa kanya.

"I can't take it anymore. Kunting kunti nalang ang pasensya't lakas na nanatili sa katawan ko ngayon. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Punong puno na ang utak ko sa mga katangunang wala namang sagot. " tila naiinis na ani Ate Ysa.

Umalis sya at iniwan kaming lumuluha at nasasaktan. Sumunod si Ate Yna kung kaya't nakahinga ako ng maluwag.

Tiningnan ko ang kambal na papalayo sa paningin ko at tahimik na nagdarasal. Nawa'y panghuli na ito.

"Anong gagawin natin? Chanel, President at Trixie? Kayo ang nagplanong magbakasyon, bakit imbis na masasayang aalala ang dapat nating ipunin ay naging isang nakakatakot na bangungot? " tumigil sa pag iyak si Jeanne at lamyang lamya na napalingon kay Jefferson.

"Guys. Mas mabuting aalis na tayo dit-"

"HINDI! Walang aalis. "

Hindi lamang ako, kundi kaming lahat ang nabigla sa naging sagot ni Jeanne kay Trixie. Nahinto ako sa paghinga at nakaawang ang bibig na pinagmasdan ko si Jeanne na dahan dahang tumayo.

Kahit sya'y nanghihina na ay nagawa nya paring sumigaw at itayo ang sarili. Hinawi nya ang kamay ni Chanel na nakapatong sa likod nya at tiningnan kami isa isa.

Nang maramdaman nya ang nagtataka naming mga reaksyon at makuhang mali ang naging sagot nya ay umiling sya ng umiling.

"M-mali ang iniisip ny-"

"Ikaw Jeanne? Ikaw ang pumatay kila Mia, Fenna, Josh at kay Jhiro? Ikaw ang nagpadala ng sulat kay Aaron at Dale? Ikaw...ikaw ang killer!" hindi ko alam kung natutuwa bang malaman ni Nikki na si Jeanne nga ang killer.

"All this time, ikaw lang pala? Kaya ayaw mong umalis tayo dahil kaylangan mo pa kaming ubusin? How...how ironic. " nakisali narin si Chris. Lumingon ako sa kanya at pinagkunutan ng noo.

"What? Ako? Nagpapatawa ba kayo? Kaylangan ko na bang tumawa? Guys, hindi ko yun magaga-" sa ikalawang pagkakataon ay hindi sya pinagpatuloy sa pagsasalita ni Nikki dahil muli syang sumingit.

"Stop acting like your innocent. Stop acting like...malinis ka at hindi ka gaya ni Chanel. "

"Nikki? Ano na naman?" nabaling ang paningin namin kay Chanel.

"Oh bakit? Hindi ba? Nagmamalinis ka na naman? Nagpapanggap ka na naman na ikaw yung tipo ng taong dapat naming gayahin? "

"Ano ba, Nikki! Wag mo ng balikan ang nakara--"

"Nagawa mo noon, diba? Paano kung ginawa mo rin ngayon sa'min?"

Umiiling at naniningkit ang mata ni Chanel. Pero imbis na sumbatan pa si Nikki ay umalis nalang ito at iniwan kami.




(To be continue...)

Guess Who✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon