Chapter 12: The Voicemail

65 4 4
                                    

CHAPTER 12: THE VOICEMAIL

Nikki Abella


Pagkatapos naming magkasagutan kanina sa baba, agad na akong umakyat patungo sa kwarto namin. Baka kung ano pa magawa ko sa mga tao sa baba.

Binagsak ko agad ang katawan ko sa aking higaan nang dahil sa napakawalang kwentang mga tao sa buhay ko, pero syempre hindi kasama si Nash dun.

Dumapa ako at napansing may matigas na bagay sa aking unan, bakit kaya hindi ko 'to napansin kanina nung binagsak ko ang katawan ko?

Agad ko rin naman iyon kinuha at isa iyong tablet. Paano nagkatablet dito? in-on ko yun at tumambad saakin ang questionnaire..

---------------------------------------------------------
"Who do you hate the most?"

Answer:
----------------------------------------------------------

Agad ko naman iyong sinagutan..

----------------------------------------------------------
"Who do you hate the most?"

Answer: CHANEL!
----------------------------------------------------------

Matapos kong masugutan yun ay agad na may voicemail na nagpop. Agad ko naman iyong pinindot upang mag-play.

Voicemail:

"Thank you for answering Nikki, ngayon gusto mo bang makapaghiganti sa taong iyan?"

"Aba'y oo naman!" sagot ko kahit alam kong voicemail lang yun.

Yun lang ang laman ng VM..Medyo nakakakilabot ang lamig nang boses nung lalakeng nagsalita..

May nagpop ulit na vm, at pinakinggan ko ulit yun..

Voicemail:
"Well then, let's meet at the comfort room for girls.12:00 am I will take you to our secret hideout. Prepare for a surprise. I won't kill you. I promise that. HAHAHAHA!"

Desperado na akong makapaghiganti kay Chanel. Kahit parang inilagay ko ang sarili ko sa peligro.

Sakto namang natapos na ang voicemail tsaka bumukas ang pinto kaya agad kong tinago ang tablet sa ilalim ng unan ko. At hinintay kung kelan papatak ang 12:00.

Nung 11:58 na tumungo na ako sa cr ng mga babae kung saan ako pinapapunta nung killer. Naghintay ako sa tapat ng pinto ng biglang may nagtakip ng panyong may amoy na talagang nakakahilo.

Naipikit ko nalang ang mga mata ko dahil sa hilo.

Nagising ako sa isang hindi malamang lugar. Naka- ayos ang upo ko sa sofa at may 32 inch na tv sa harap ko.

Na agad tumambad ang isang tao na naka mask, cap, at shades na black. Sya na yata ang killer.

"Kumusta, Nikki?"

"O-okay lang naman." Nakakakilabot ang boses niya kahit naka-edit yun. Nawala bigla ang tapang ko. Ikaw ba naman ang kausapin ng pumaslang sa mga kasamahan mo, ewan ko lang kung hindi umatras ang bagang mo.

"Pagpasensyahan mo na at kailangan pa kitang takpan ng panyo. Mahirap na baka bumaliktad ka, matunton pako." humalakhak sya ng mahina pagkatapos nyang sabihin ang mga katagang yun.

Hindi parin ako umiimik, pinapakinggan ko lang lahat ng sasabihin nya.

"Kailangan kita para maisagawa ko ng madali ang mga trabaho ko. Pero kung hindi ka sasang-ayon sa mga gusto ko... Hawak ko ang buhay ni Nash, alam mo naman siguro ang kaya kong gawin diba?" Napaka-pormal nyang magsalita at nakakatakot. Nanatili parin akong tahimik sa kabila ng pagbabanta nya sa buhay ni Nash.

Guess Who✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon