Chapter 25: The End

49 1 0
                                    

CHAPTER 25: The End





"Please be aware that our recollection tomorrow will be held at Prentice Hall. "

Nagsitanguhan ang mga kaklase ko. Isa-isa kong niligpit ang mga gamit sa mesa habang pasimpleng nakikinig sa mga sinasabi ng guro sa harapan.

"Okay, class, dismiss. "

Masayang tumango ang karamihan at gumawa ng ingay habang papalabas ng silid. Napabuntong hininga na lamang ako at sinukbit ang bag sa balikat.

"Hey, "

Napating ako kay Angelo. Hanggang ngayon ay nanibago parin ako sa mukha niya. May peklat ito sa pisngi at mga braso ngunit nanatili ang kakisigan ng lalaki.

"Sasama ka bukas?" tanong ko paglabas namin.

Saglit siyang natahimik at nakatingin lang sa kawalan habang nakasuksuk ang kamay sa kanyang bulsa.

"No choice, e. " he fake a smile. Katulad ko, napabuntong-hininga nalang din siya. "Prentice Resort ang dahilan kung bakit humantong..."

Huminto ako sa paglalakad at napatitig sa kanya. Natigilan rin siya sa paglalakad at napagtanto na hindi na dapat babanggitin pa ang nakaraan.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Ngunit habang tinatahak namin ang kahabaan ng pasilyo ay ramdam ko ang kakaibang tingin ng mga studyante sa'kin o... sa'ming dalawa ni Angelo.

"You'll get used to it. Nandito naman ako. " hinawakan niya ang kamay ko at nagmamadaling pumanhik palabas ng gusali.

***

"

I think... this is a bad idea. "

Tumango si Angelo sa sinabi ko. Aware kaming dalawa ang tungkol sa Prentice Resort, iyon ang lugar kung saan binalak naming mag-bakasyon nimo.

Pero sa kasamaang palad, nakulong kami sa lugar kung saan pawang mga puno lamang ang nakatayo.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng takot ngayon habang buma-byahe kami sa tahimik na lugar ng Blanton City.

It is almost abandoned after they found out the mysterious crime inside the city. At kami iyon. Pero agad ding binuksan ulit ang Blanton sa kadahilanang may tinayo ulit na Resort.

Ang Prentice Resort.

Na dati ay pagmamay-ari nila Princess. Ngunit pagkatapos malaman ng pamilya nito ang kinahinatnan ng anak ay nagpakamatay din ito. Naiwan ang mga kayamanan sa isang tabi.

Hanggang sa napagdesisyunan ng gobyerno na baguhin ang dating Prentice Resort.

Habang nakatanaw sa naghahabaang mga puno ay nakaramdam ako ng pananakit ng ulo ko. I decided to sleep and enjoy myself through listening musics.

Nasa tabi ko si Angelo, nakahawak ang kamay sa'kin dahil alam kong nag-aalala din siya.

Palihim kong hininto ang musics nang mapansin kong may kausap si Angelo ss kabilang upuan. Nanatiling nakapikit ang aking mata at pinakinggan sila.

"Chanel became crazy, right? Hindi ba't galing siya sa mental? "

"Actually, yes." napamulat ako sa sinagot ni Angelo. Parang may kung anong bumaon sa dibdib ko nang maaalala ang nangyari pagkatapos matuklasan ng mga kapulisan ang karumal-dumal na krimen sa loob ng misteryosing mansyon.

"Oh my god, hindi ka ba natatakot sa kanya?"

"No, kaibigan ko siya. " Angelo answered. I remember Raizel again and that makes my heart ache even more. "At kung iniisip mong siya ang pumatay sa mga kasamahan namin noon, you're absolutely wrong. So get lost, woman. "

Guess Who✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon