Chapter 15: The Sign and the Quotes

57 2 0
                                    

CHAPTER 15: THE SIGN AND THE QUOTES

Nash Badilla








"I really can't believe that you almost kill her. " matigas kong sabi at tinuro ang walang malay na si Chanel.

Pagkatapos itong mahimatay ay tila nawalan ng pag-asa ang mga kasamahan ko. At isa na ako doon. Lalo na't biglang nagkasira ang relasyon namin ni Nikki.

She's my girlfriend after all, at totoong minahal ko sya. Hindi ko alam kung ganun din ba ang nararamdaman nya sakin pero sana nga tama ako. Pero nung malaman kong lalasunin nya si Chanel ay nagbago ang pagtingin ko sa kanya.

"You know what, Nash? Kung talagang mahal mo ko, pupunta ka sa panig ko at hindi mo ako kakalabanin. Pero base sa sinabi mo ay parang gusto mo akong sigawan dahil sa kasalanang nagawa ko. " she hissed.

I massage my temple. She's giving me a head ache at hindi ko alam kung magwo-work pa ba ang relationship namin sa sitwasyong ito.

"Kasalanan mo naman talaga!" sigaw ko at agad namang nagsilingunan ang mga kaklase ko saming dalawa. Napailing iling ako at hinila palabas ng kwarto si Nikki.

Huminto kami sa kitchen ng mansion at pinukulan sya ng masamang tingin.

"I know, Nash. At hindi ko sasabihing hindi ko sinasadyang lagyan ng lason ang basong nainom ni Yna. To tell you the truth, it was really my intention. " tila wala syang pake-alam sa nararamdaman ng ibang tao, iyon ang nakikita ko sa mga mata nya.

What the hell is happening to you, Nikki? Hindi ito ang Nikki na nakilala ko sa school. Hindi ito ang babaeng minahal ko noon at tinanggap ko kung sino sya. Why suddenly changing of your attitudes?

"I can't believe you. " dismayadong ani ko at kumuha ng bote ng tubig sa ref. Hanggang ngayon ay nagtataka parin ako kung bakit pagpunta namin sa mansion na ito ay nandito na lahat ng kinakailangan namin.

Ni wala ngang tumira dito, at hindi rin expired ang mga pagkain sa ref kaya hindi ko maiisip na may nakatira na dito noon. Is this one of the killer's plan?

"Believe me then. " Nikki smirked as she start caressing my cheeks. I can't help but to look at her devilish smile, kung dati ay isang anghel at inosenteng ngiti ang nasisilayan ko sa mga labi nya, ngayon ay ibang-iba na.

Parang kunti nalang at paniniwalaan ko na ang sarili na sya talaga ang killer dito.

"Kiss me, Nash. Kiss me and take me to your place. " she whispered and place her finger at my lips. I tried to avoid her but my body refused. Parang gusto pang ilapit ang katawan ko sa katawan nya at higitin sya papasok sa cr.

But I know this is wrong. Sa sitwasyong kinakaharap naming lahat ay wala na akong panahon para makipaglandian pa sa babaeng to. What if... she's the killer? And any minute now, she's going to kill me without hesitation.

"Take you to my place-what?" tinulak ko sya palayo pero muli syang humakbang palapit sakin. Napamura ako nang dahan-dahan nyang tanggalin ang butones ng polo ko. Iyong polong bumagay sa beach na pupuntahan sana namin ang sinuot ko.

Kaunti nalang kasi ang natitira sa mga damit ko lalo na't wala kaming panahong maglaba.

"Take me inside you. " sa inis ko sa sinabi nya ay malakas ko syang tinulak palayo sakin. Namilog ang kanyang mata ngunit pagkunwa'y natawa sa inasta ko. "Bakit? Boyfriend naman kita. Bakit parang umayaw ka na ngayon? Am I not making you hard on? " pang-aasar nya at saglit na tumalikod sakin.

Naigulo ko ang buhok at napabuntong hininga sa desisyong pumasok sa isipan ko. "Nikki, I think we... need to break up. " mahina kong sabi dahilan para matigilan sya at mapatingin sakin.

Guess Who✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon