Chapter 5: The Trusting of No One

95 4 6
                                    

CHAPTER 5: THE TRUSTING OF NO ONE

Joshua Villegas


Kasalukuyan akong nagapapahangin sa veranda ng kwarto namin.. Hindi ko kasama si Fenna kasi silang mga girls and syempre kasali na si Jhiro, ang incharge sa kusina.

Ang sarap at ang lamig ng hangin. Sana lang nandito si Fenna. Mas maganda siguro..

Napagpasyahan kong pumasok na sa loob dahil malamig lamig narin, at inaantok na ako.
Kinuha ko ang towalya ko sa likod ng pintuan, papasok na sana ako sa cr ng marinig ko ang sigaw ni Trixie na nagmula sa labas..

Anong meron!?

Dali-dali akong bumaba at sinundan silang lahat na nagtatatakbo palabas..

Nagulat ako ng makitang umiiyak si Trixie malapit sa gate. Bahagya syang nakahawak dun at nanghihina na.

Agad naman siyang nilapitan ni Anthony.. "Itatapon ko na dapat yan nang maamoy at makita ko ang bangkay ng pusang iyan." nanginginig na saad ni Trixie.

Itinuro nya ang garbage bag na may malansang amoy. Nakita nga namin ang pusang tinutukoy ni Trixie. Madaming saksak at nakakadiri ang dugo nito.

Halos lahat sila ay gulat na gulat.. Nakakagulat naman talaga..

"Guys, s-si Mia..." umangat ang paningin ko at nakita si Princess na nasa ikalawang palapag. Umiiyak at natataranta.

Iniwan namin ang duguang pusa saka nagtatakbong pumunta sa kwarto ni Mia... Halos manghina kami nang makitang nakahandusay na pala sa sahig si Mia. Walang malay at nakakuyom ang mga kamao.

"What is the meaning of this?"

"Prank ba to? Joke? "

"Tangina, anong nangyari kay Mia?"

"Mia, gising!"

Lahat kami ay nabigla sa nasaksihan. Napuno ng iyakan ang buong kwarto, sinubukan naming pakinggan ang pulso ni Mia ngunit wala na talaga. Patay na sya at naguguluhan ako kung bakit? Anong dahilan?

Kinuha na naming mga lalake ang katawan ni Mia. At hinatid iyon sa bakuran.. Nakasunod naman saamin ang mga babae.. Inilagay na muna namin ang bangkay ni Mia sa isang tabi..

At kinuha namin yung pala sa may lagayan.. Nagsimula na kaming maghukay.

Masakit sa pandinig ko ang mga hikbi ni Fenna.Bawat patak ng luha niya.Masakit para saakin.

Tinuloy namin ang paghuhukay hanggang sa sakto na ang lalim nun. Dahan-dahan naming inilagay ang bangkay ni Mia.. Lalong lumakas ang mga iyak nila. Tinabunan na namin ng lupa ang katawan ni Mia.

Pumasok na kaming lahat sa loob. Walang umimik. Puro hikbi parin ang maririnig mo sa buong bahay. Katabi ko si Fenna. Panay parin ang hikbi nya. Niyakap ko na sya para naman malaman nyang nandito lang ako para sa kanya.

Binasag naman ni President ang katahimikan.

"We'll keep it a... secret. "

"What? What are you thinking, President?!" galit na tanong ni Melissa.

Napabuntong hininga si Jeanne, "Aalamin muna natin ang dahilan ng pagkawala niya, okay? Para hindi tayo mapagbintangan ng mga pulis. "

Walang nagawa si Melissa kundi um-oo nalang.

Maya-maya'y nagsipag alisan na sila. Pansin ko namang nakatulog si Fenna kaya hinatid ko nalang sya sa kwarto nila. Inihiga ko sya sa kama nila.

"Josh, kami na bahala kay Fenna.. Bihisan nalang namin sya" suhestiyon ni Ate Ysa.

"Samalat. " Tanging naisagot ko at hinalikan ang noo ni Fenna. At pumanhik paalis. Pero bago ko sinara ang pinto tiningnan ko muna muli si Fenna na halatang pagod na pagod sa kakaiyak.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga.

Bigla namang my tumamang kung ano sa ulo ko kaya napapikit ako. Hanggang sa nawalan ako ng malay.

Nagising ako sa hindi malamang lugar. Nasaan ako!? Ang sakit ng ulo ko! Ano bang tumama dito?!
Napansin ko namang nakatali ang mga kamay at paa ko.

"Kumusta Josh?" Malumanay Na tanong nya saakin

Agad namang nagsitayuan ang balahibo ko sa mga katagang sinabi nya..

"Oras na ni Fenna, Josh.. Pero baka gusto mong mauna?!" Nakangising tanong nya saakin





(To be continue...)

Guess Who✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon