Chapter 16: The Ridiculuos Occurrence

45 1 0
                                    

CHAPTER 16: THE RIDICULUOS OCCURENCE

Jefferson Martillano

"Kailan ba tayo makakatakas dito? I'm losing my hopes, at pakiramdam ko habang nandidito pa tayo ay pinupuno ng konsensya ang katawan ko. " nagtitipon kami sa sala, without eating something.  "Ni wala tayong nagawa para iligtas sila Dale. Ni wala tayong ginawang hakbang para hulihin ang killer. " muling pagsasalita ko.

I am telling the truth. At kung sila ang isisi ko sa nangyari sa mga kaklase namain at kila ate Yna at ate Ysa, dapat ko ring sisihin ang aking sarili.

I am still wondering why the hell did killer chose to suffer us! Eh, kung tutuusin, sabay kaming bumyahe, sabay kaming sumakay sa bus, sabay kaming nawalan ng gasolina, sabay kaming naghanap ng matutuluyan.

Bakit kailangan pang patagalin at gawing ganito ang kamatayan namin?

We treated each other as a family. Wala akong naalalang may nangyaring bangayan sa amin na naging dahilan para magpatayan. Maliban nga lang si Mia na lahat ata ng nandito ay kaaway nya. And so as Nikki.

Sila lang namang dalawa ang pweding pagbintangan dito. Pero pinatay na din si Mia. Hindi rin naman pweding basta-basta ko nalang pinagbibintangan si Nikki.

Pero paano kung s'ya nga?

"Mag-isip isip nga tayo ng plano keysa tutunganga nalang dito at hintaying sugurin tayo ng killer!" inis na bulyaw samin ni Trixie.

Nagtinginan kaming lahat. Saglit na namuhay sa amin ang pananahimik. Tama nga naman kasi si Trixie, kinakailangan namin ngayon ng mga plano para mahuli naman ang killer bago pa sya makagawa ng panibagong hakbang sa amin.

Mabilis tumayo si Princess na ikinabigla ni Anthony. "Hindi ba kayo nag-iisip? Paano kung nandito lang pala ang tinutukoy nyong killer? Na isa lang pala satin ang pumapatay? Na kaibigan pala natin sya? Na nakikinig pala sya satin ngayon at natatawa sa isipan dahil sa katangahan natin?!" she hissed.

Tila may pumitik sa noo ko. Tama rin sya. Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko. Habang tumatagal ay mas lalo kaming nahihirapan sa paghahanap ng solusyon.

"Kumalma ka nga!" sigaw sa kanya ni Jeanne. Napasinghap sya at inis na naupo sa tabi ni Anthony. Muli kaming natahimik pero maya-maya'y nagsalita ulit si Jeanne. "Hindi lang naman kayo ang namatayan at nawalan dito. Ako rin. Parehas tayo ng nararamdamang pagdadalamhati, pagkalungkot, at pagsisisi. Kaya pwedi bang kumalma muna kayong lahat? "

"Paano kami kakalma, President?" nanginginig at nakayukong tanong ni Princess. Her voice cracks at napasinghap nalang kaming lahat nang mabilis syang yumakap sa bisig ni Anthony at doon humagulgol ng iyak.

There's no used of finding a solution kung simula't sapul ay alam na naming magiging talunan kami sa huli.

"Tama sya, Jeanne. Narito nga sa atin ang killer. What should we do?" natatakot na tanong ni Trixie habang ang kamay nya ay hinahagod sa likod ni Chanel. Hanggang ngayon kasi ay balisa parin sya.

"Maghanap ng paraan. Maging matatag. Iyon lang naman ang magagawa natin. " mahinang sagot ni Jeanne and pressed her lips together.

Paano kung ako pala ang pumapatay rito at nagpapanggap na inosente? Hell, no! I can't kill. I can't kill my love ones.

"Lumabas na kasi tayo rito. Bukas ang mga pintuan sa bahay na'to. Hindi naman tayo kinulong, eh. Magagawa pa nating makalabas sa impyernong 'to!" angil ni Aaron.

"Nakita mo ba ang sinapit nila Melissa at Chris, Aaron?!" unos ni Jeanne. Here we go again. Simula nung mapadpad kami rito ay nagiging madalas na ang pagbabangayan nila.

Guess Who✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon