Chapter 2: The First Insinuation

142 5 0
                                    

CHAPTER 2: THE FIRST INSINUATION

Chanel Caballero

Napilitan kaming maglakad-lakad at maghanap ng taong marunong mag-ayos ng gulong.

Sinubukang iayos ng mga lalaki iyon ngunit hindi kinaya lalo na't kapos kami sa mga kagamitan. Namomoroblema rin kami sa gasolina ng bus.

"Guys? Walang kasalanan si Trixie. Ako ang may sala dahil hindi ko sinabi sa inyo na sobrang layo ang pupuntahan natin. " suminghap ang mga kaklase ko sa sinabi ni Princess.

"Kasalan nyong dalawa. Bobita! Nangangawit na ang tuhod ko kakalakad. Anong mapapala natin sa paglalakad dito? Ni wala tayong nakitang bahay o tao. Ano ba kasing lugar toh? Ngayon lang ako napadpad sa ganitong kawalang kwentang lugar!. " bulalas ng tila inis na inis na si Mia.

Patuloy lamang kami sa paghakbang at paikot ikot ang mata namin sa bawat lugar.

Nung lumingon ako sa likod ay hindi ko na nakita ang bus na sinakyan namin dahil batid kong malayo narin yung narating ng aming mga paa.

Kahit masakit na yung paa ko ay tiniis ko, kahit mukhang lalabas na ang ugat sa binti ko ay pilit kong pinigilan.

Kung hindi lang sinabi ni Princess kanina na sanay na sya sa lugar na toh ay baka naisip kong naliligaw na kami. Paulit ulit lamang yung mga punong nakikita ko, matataas parin at ang ganda.

Pero dahil sa sitwasyon namin ngayon ay imbis na humanga sa mga puno ay mas lalong nadagdagan ang pangamba ko. Hindi ko alam kung bakit.

"President Jeanne! Ikaw ang nagplano nito kaya dapat lang na magalit kami sayo. Tingnan mo itong lugar na nilakaran natin? May nakita ka bang bahay, tao o gasoline station man lang? Now tell me, anong mangyayari sa atin ngayon? " nabaling ng lahat ang atensyon kay Nikki.

Napasinghap si Nash sa sinabi at ginawa ng girlfriend nya ngunit wala ring nagawa kundi hinayaan lang.

"Ako nga pero hindi ko kasalanan kung bakit nangyayari sa atin ito ngayon. Nagplano lang ako pero hindi ako ang gumawa ng magiging kapalaran natin ngayon. " ani Jeanne. Nagmura ng malutong si Nikki at akmang hahakbang pabalik sa bus nang bigla ko syang hinila.

Nabigla sya sa ginawa ko at maski ako ay ganun rin. Tiningnan nya ang kamay kong nakahawak sa braso nya at mabilis iyon inalis.

"Wag tayong magsisihan dito dahil lahat tayo ay sumang ayon sa planong ito. Mas mabuting magtiis nalang tayo sa pagod at sakit na nararamdama-"

"Sino ka para sabihin ang mga iyon sa akin? Wala kang karapatang utusan ako lalo na't ikaw lang ang nag-iisang taong kinamumuhian ko. " umatras ako ng bahagya sa binitawan nyang salita.

Naramdaman ko ang paglapit ni Jeanne, Kelly, Jhiro at Trixie sa akin ngunit hindi ko sila nilingon. Muling binaling ni Nikki ang mata sa akin at mahinang tumawa.

Nanindig ang balahibo ko sa tawa nya.

"Get lost. " kalmadong aniya bagaman ay makikita mo sa mga mata nya ang nag-aapoy na galit. Tumalikod sya at agad naman syang sinundan ni Nash.

Hinigit ako palayo ng mga kaibigan ko at pinagpatuloy ang naudlot na paglalakad. Sa isang oras na ginawa naming paghahanap ay nanatili lamang akong tahimik at tulala sa kawalan.

Sa limang oras na paglalakad namin ay wala talaga kaming nakita ni isa. Malapit na kaming mawalan ng pag-asa.

Iba't ibang uri ng pagmumura ang narinig ko galing sa mga lalaki at reklamo naman sa mga babae.



(To be continue...)

Guess Who✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon