Chapter 9: The Bizarre of Doll's Presence

76 3 0
                                    

CHAPTER 9: THE BIZARRE OF DOLL'S PRESENCE

Princess Martinez



Nagsilapitan ang nga kaklase ko sa katawan ni Josh na ngayon ay nababahiran na ng sariling dugo. Narinig ko ang mga hagulgul nila pero mas nangingibabaw ang akin.

Lumapit si Anthony sakin at hindi na ako pumalag nang hilahin nya ako papunta sa bangkay. Mahigpit ang paghawak ko sa braso nya habang dahan dahang lumalapit.

Nagkukumpulan ang mga kaklase ko't hindi magawang ibuka ang mga bibig. Na tila hindi sila makapaniwala sa nakita.

May natapakan akong malagkit kung kaya't tumingin ako sa baba at halos lumuwa ang mata ko nung makita ang dugo. Hindi lang iyon dahil nasa tapat ko mismo ang putol na paa ni Josh. Pumikit ako ng mariin at lumayo.

"P-paanong...bakit? Bakit nangyari to sa kanya?" hindi na halos makapagsalita si President Jeanne, naguguluhan syang tumingin kay Josh at nahilamos ang mukha sa inis.

Sunod sunod ang paghikbing ginawa ko , nakatakip ang bibig habang nakatitig sa pulang bangkay.

Naramdaman kong may nakatingin samin ngayon kaya napilitan akong kumalas at ilibot ang tingin sa buong paligid.

Nakakatakot ang bawat sulok ng attic. Dahil sa mga alikabok na nakadikit sa mga lumang bagay ay nadagdagan ang takot na nararamdaman ko.

Lalo na yung dugo sa sahig, ang malamig na bangkay ni Josh, at higit sa lahat..yung dalawang matang nakatingin saming lahat. Na tila pinagmamasdan ang bawat kinikilos namin.

Gusto kong sabihin kay Jeanne ang nararamdaman ko pero abala sya sa paghahanap ng mga bagay na pweding gawing ebidensya laban sa killer.

"Sinet up tayo ng taong iyon.." alam ko kung sino ang tinutukoy ni Anthony. Naisip ko narin iyan, na baka nga pinlano lahat ng to. At alam kong ang killer ang may pasimuno. Plano na yata nyang patayin kami isa isa.

Pero bakit? Wala akong makitang dahilan para patayin kami? At isa pa, sino nga samin?

Nagsitayuan ang balahibo ko sa sariling naisip... Hindi na ako muling kumibo at tahimik na pinagmasdan ang katawan ni Josh.

Hindi ko alam kung bakit natatagalan ko ang pagtitig sa katawan nyang halos mawalan na ng balat. Nawala ang dalawang mata nya, at hindi tumitigil sa pag agos ng dugo nito, nakaawang ang bibig, wala narin ang dila nya at nakalapag pa mismo iyon sa noo nya, marami rin ang saksak sa bawat parte ng kanyang katawan.

Nakakadiri, ngunit nakakaawa. Hindi ko lubos maisip na ang Joshua na pinagkaguluhan ng mga babae sa campus,especially si Fenna ay eto na ngayon. Hindi na halos makilala dahil sa itsura.

"N-No.. Hindi maaari. Hindi pweding mawala rin sya satin. Guys, gumawa kayo ng paraan please.." naiwas ko ang paningin kay Kelly

"Gumawa ng paraan? The fuck, Kelly? Nakikita mo ba ang katawan nya? Kaya sa tingin mo ba makakagawa pa tayo ng paraan para mabuhay sya?" naiinis na lintaya ni Nash at natakot kami nang bigla nyang sipain ang may timba sa gilid nya. At sa hindi inaasahan ay nabuhos sa sapatos nya ang laman nun.

"Shit, dugo...." usal nya at hindi makagalaw sa gulat.

"Kaylangan nyo nang magpahinga. Maaga tayo aalis bukas.." utos ni Jeanne saka hindi nagdalawang isip na lumabas ng attic. Iniwan nya kami kasama ang bangkay na si Josh.

Napansin kong nanginginig ang kamay ng mga lalaking nagbuhat sa katawan nhya ngunit patuloy lang sila sa paglakad.

Walang nakapagsalita samin habang tinatahak ang daan papuntang bakuran ng bahay. Huminto kami malapit sa ginawa naming puntod para kay Fenna at Mia at muling naghukay.

Dumaan ang ilang minuto nang matapos kami sa ginagawa. Bagsak ang mga katawan namin habang pinagmamasdan ang isang krus na gawa sa kahoy, na nakatusok sa panibagong puntod.

"Tatlo. Tatlo na ang nawala. Anong gagawin natin para matigil na to?" agad na nagtanong si Chris at binagsak ang katawan sa malaking couch.

"Aalamin natin ang totoo. Aalamin natin ang taong pumatay sa kanila. " seryoso at nakapikit na saad ni Dale.

"Maghahanap tayo ng ebidensya, right?" muli syang nagtanong. Malakas at mabigat ang ginawang pagbuntong hininga ni President Jeanne kung kaya't lumingon ako sa kanya.

"Hindi. Hindi na dapat tayo magtagal dito. Napakadelikado lalo na't hindi natin alam kung sino satin ang may kagagawan nito. " sagot nya. Tumayo sya at hindi nag alinlangang maglakad patungo sa 2nd floor.

"Kailan matatapos ang kaguluhang to?"nanlulumong tanong ko.


***


Sa paglabas ko ng kwarto nila Anthony, ay nakaramdam ako ng takot nang makita ang isang maliit na doll sa harapan ko.

Nakangiti, bagaman ay nakatahi ang bibig, magulo ang buhok at pula ang kulay, pati narin ang suot nitong bistida.

Bumaba ang paningin ko sa hawak nya, isang kutsilyong talaga namang kumikinang pa. Sa kaliwa ay may hawak syang papel. Bahagyang nakaabot sakin.

"Who the hell are you?" mahinang tanong ko kahit alam kong hindi naman nya ako naririnig. This is only a stupid doll, pero bakit takot na takot ako?

Unti unti akong yumuko upang abutin ang papel. At sa pagdampi ng daliri ko sa kamay ng manika ay nagsitayuan ang mga balahibo ko.

Nagdalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba iyon o hindi. Dahil masama ang pakiramdam ko sa manikang to at sa nagpadala.

The Killer. Alam kong sya na naman ang nag-pasimuno nito.

Halos mahugot ko ang sariling hininga nang sa wakas ay napasakamay ko na ang sulat.

Agad akong tumayo kasabay nang pagdampot ko sa manika, mabilis ko iyong tinapon sa bintana at nagtatakbong pumasok sa loob ng kwarto ko.

Hingal na hingal akong umupo sa kama at hindi nag alinlangang basahin ang nais ipahiwatig ng killer.

' 17 out of 20. Dale will be the next'

Fuck.







(To be continue...)

Guess Who✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon