Chapter 18: The Unforeseen

77 3 0
                                    

CHATER 18: THE UNFORESEEN

Kelly Cabas

"Kelly! Buksan mo 'tong pinto!"

Sinubukan kong wag mapahikbi habang nagtatago sa likod ng pintuang kasalukuyang binubulabog nila Trixie at Jeanne.

I also tried not to cry. But I failed. Sa dami ng iniyakan kong tao magmula nung tumapak kami rito ay ito ang pinakamatagal at pinakamasakit na hagulgol ang nagawa ko.

"Kelly naman!" I can now hear the vexation on Jeanne's voice.

Pero nanatiling nakaupo ako at kagat-kagat ang labi. Maya-maya pa'y mas lalong dumadami ang ingay at katok na naririnig ko sa labas.

Ang kwarto ko na kinaroroonan ko ngayon ay yung kwarto kung saan ako pinahiga ni Jeff. Wow. Hindi ko inakalang ang lugar na 'to ay ang pagtataguan ko simula ngayon. Ayoko ng lumabas.

Pakiramdam ko'y sinabotahe kami ng mga kaklase o kaibigan namin dito. It feels like I'm the only one who victimized of deception here.

"Hindi ibig sabihin nito ay papatayin mo narin ang sarili! Kelly, wala na nga si Jeff pero nandito pa kami!" narinig kong sigaw ni Anthony.

"I'm not stupid to kill myself! " natawa ako sa sinabi ko. Hindi ko ba talaga papatayin ang sarili ko? But why the fuck that I'm holding a blade right now and ready to cut my pulse? Bakit?

Bakit ito ang nasa isipan ko ngayon? Bakit hindi ko ma-control ang isipan at kinikilos ko ngayon? Did the killer manupilate me? For pity sake!

"Please, Kelly. Lumabas ka riyan!" narinig ko pang sigaw at pag-iyak ni Chanel.

Napailing-iling ako. Without Jeff, I feel nothing. Parang sa lahat ng malalapit na tao sa gilid ko ay sya lang yung nakapagtanto sakin na masyadong makulay ang mundo. Na kapag sa oras na hindi mo maitama ang pagkulay dito, hindi na mabubura pa ang kamalian mo.

I realized my mistakes now. Masyado akong kampante na nasa tabi ko lamang sya. Na dapat sya lang palagi ang nagpo-protekta. Pwedi namang ako, e. Kaya ko namang protektahan sya.

Pero wala na. Tapos na.

"Wala na si Jeff!" I can't help but to scream.

Panandaliang nanahimik ang nasa labas. Nagtuloy-tuloy ang pagdausdos ng mga luha pababa ss mukha ko hanggang sa namalayan kong may pumatak rin na tubig sa sahig.

Hindi, dugo pala. Napagtanto kong nai-hiwa ko na pala ang pulsuhan ko.

***

Third Person Point Of View

"

Pinatay mo si Nash! Hindi kita mapapatawad!" nangangalaiting sigaw ni Nikki sa kabilang linya. Nanggigigil na hinawakan nya ang hawak na cellphone at naghintay na may itutugon sa kanya ang killer.

But then, she only heard a loud laughter from those two killers. Naiiyak sya ngayon. Ayaw man nyang maiyak dahil pakiramdam nya'y mahina sya ay nagawa na nga nya ngayon.

At ang nakakapagpahina lang sa kanya ay ang pagkamatay ni Nash. Kahit basagulera at pinakamaldita sya sa buong section nila ay may natitira paring pagmamahal sa kanyang puso.

At para kay Nash 'yun. Kaya nama'y labis labis ang pagkamuhi nya sa taong akala nya'y tutulungan syang maghigante kay Channel.

Si Chanel lang naman ang dahilan nya para sumanib sa kampon ng dalawang murderer na 'yun. Pero mga demonyo nga talaga sila. Naalala pa nya noon na nangako ang mga itong hindi papatayin ang boyfriend nyang si Nash pero anong nangyari?

Guess Who✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon