Chapter 7: How to play a game with a Demon...

196 2 0
                                    



- - - - - - - - - - Chapter Seven - - - - - - - - - -



~NIQUE'S POV~


"Aira!" Sigaw ni Rayver ng itulak ko tong babae. Pero siyempre joke lang yun hahaha. May mahabang chain na nakakabit sa tali sa kamay ni Aira na hawak-hawak ko kaya nakabitin siya ngayon.



"Hahaha! Siyempre dapat di ganun kabilis ang pagkamatay ng iyong pinakamamahal na babae. Kung sinaktan mo si Melissa noon sasaktan ko naman yung taong pinakamahalaga sayo" sabi ko saka ulit inangat etong si Aira at sinapak.



"Wag mo siyang sasaktan kung ayaw mong mawala ang kaibigan niyo" pagbabanta niya.



"Try me" sabi ko saka ko sinapak si Aira at hiniwa ko yung paa niya gamit yung dagger na galing sa sapatos ko. Wag na kayong magtaka kung bakit di sumisigaw tong l*tcheng Aira na to. Remember? may takip yung bibig niya.



"Sh*t. Ang talino netong babaeng to" bulong niya sa sarili niya ata eh rinig na rinig naman.



"Matagal ko nang alam yan. Given eh" Sabi ko. Lahat ng atensyon napunta sa amin ni Rayver. Lahat sila napatigil sa paglalaban. Eto namang mga kasama ko dito mga parang ewan sa nakikitang ginagawa ko. Sorry ah... Kasi pati sila Kuya hindi alam ang pinag gagagawa namin sa ibang bansa.



Actually di lang kami sa Japan pumunta. Pumunta din kami sa America, Europe, China, Korea, Thailand, at sa Germany para lang makipaglaban sa mga nagbibigay ng invitation sa amin mapa bilang man sila sa mga assassins, ninjas, mafias, and gangsters.



"Let's trade. I'll give you Dos and you'll give me Aira. Pagkakuha ko kay Aira aalis kami dito ng tahimik" sabi ni Rayver at napa buntong hininga.



"Sounds good to me" sabi ko "Give Dos to Tres and I'll bring Aira down" sabi ko saka dahan dahan binaba si Aira pamamagitan nung chain na mahaba. Binigay naman niya si Melissa kay Gab. Agad niyang nilapitan si Aira saka kinalagan at tinanggalan ng takip sa bibig.



"Get your asses here Dos" utos ko kay Melissa, Gab at Kee. Agad naman silang naglakad papunta sa may hagdan pero agad kong binunot yung baril ko sa likod saka pinaputok.



*Bang!* *Bang!*



"Argh!!" Daing ni Rayver.



"Hindi ako t*ng* para magpaloko sayo Rayver" binaril ko lang naman ang kamay ni Rayver na babarilin sana sila Melissa at si Aira binaril ko sakto sa gitna ng noo.



"P-pierce p-put down t-that g-gun" paputol-putol na sabi ni Kuya Harvy sabay kuha ng baril sa kamay ko. Hindi ko pinansin si Kuya Harvy at nagslide sa hawakan ng hagdan papunta sa second floor saka ako tumalon galing sa balcony ng 2nd floor papunta sa 1st floor. Agad kong pinuntahan si Rayver saka ko hinawakan yung kwelyo.



"Demonyo ka Uno. Wala kang awa. Demonyo ka." Sabi niya sa akin na mediyo hirap dahil siguro sa sakit nung kamay niya.



"Hindi ako demonyo Rayver. Kasi mas malala ako kay satanas" sabi ko sabay sapak sa kaniya. "Maayos ang usapan natin. Pagkakuha mo kay Aira aalis kayo ng tahimik pero di mo ginawa. Ngayon malalaman mo kung paano makipaglaro sa demonyo" Sabay sak-sak ko ng dagger sa tagiliran niya.



"Ahhhh!" Sigaw niya. Hawak ko parin siya sa kwelyo kaya hindi pa siya natutumba.



"Hindi mo alam kung gaanong nasaktan si Dos dahil sa ginawa mo. Ngayon ipaparamdam ko sayo kung ano ang nararamdaman niya hanggang ngayon" sabay sakal ko sa kaniya, binagsak ko siya sa sahig pero sakal sakal ko padin siya kaya nakaluhod ako ngayon habang sakal sakal siya.



"A-ack! U-uno... Di a-ako ma-.... M-maka h-hinga..." Sabi niya.



"Ay! Ang t*ng* mo naman. B*b*. Anong gusto mo mas makakahinga ka pag sinakal ka? T*ng*na haha! Sabi nila ikaw ang pinakamatalinong ninja pero simpleng bagay na lang na t*ng*han mo pa!" Sabi ko at mas hinigpitan ang pagkakasakal ko sakaniya.



"A-aack!!" Daing niya at mediyo napapikit pa.



"Pierce ako na tatapos sa kaniya" narinig kong sabi ni Melissa at lumuhod siya sa gilid ko.



"Siguraduhin mong mamatay yang g*g*ng yan" seryosong sabi ko at tatayo na sana ng may maramdaman akong tumusok sa braso ko.



"Sorry Ojou. Kailangan mo muna magpahinga" Yan ang huling narinig ko kay Melissa bago ako bumagsak. Pero bago ako tuluyang mawalan ng malay may nakita akong tao na nagbuhat sa akin...................






Si Andy Perez....

_____________________________________________________ 

Vote and Comment guys!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! XD Lovya dear readers!!!!!!! :**

His Cool GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon