- - - - - - - - - - Chapter Eight - - - - - - - - - -
~AQUIRIUS LINCOLN'S POV~
Agad naming sinundan si Pierce ng bumaba siya papunta sa 1st floor netong hideout nila. Pagbaba namin nakita namin si Melissa na may kinuhang kung ano sa ilalim ng lamesa saka lumapit kay Pierce. Nagulat kaming lahat ng biglang natumba si Pierce pero buti nalang nasalo siya ni Andy.
Yung sinasabi nilang Detonate Ninjas ang natitira nalang ay yung Rogue saka lima pang kasama niya habang yung iba eh wala ng buhay. Yung sa Crow Ninjas naman ang natitira nalang ay yung Rayver saka dalawang tauhan niya at yung natira? Kapareho ng sa Detonates wala ng buhay. Yun sinasabi nilang Marias ayun nakikipaglaban parin sa mga buhay pa sa Detonates at Crows kasama na si Rogue pero si Rayver ayun tinatayo ni Melissa.
"D-dan-dan... ugh.." hirap na sabi ni Rayver dahil di pa siya nakakarecover dun sa ginawa ni Pierce saka dahil nadin dun sa saksak niya sa tagiliran.
"Melissa" Napalingon kaming lahat sa Kuya ni Andy na si mokong na skeleton na nag ngangalang Damon Kein Perez ng tawagin niya si Melissa pero ang nakakagulat dito ay ang expression na pinapakita niya at ang tono ng pagsasalita niya. Tss. Nagawa ko pang magbiro.
"K-kein. Andiyan ka pala. Di kita napansin sorry di ka kasi nagsasalita man lang" Walang ganang sagot ni Melissa habang nakatayo at nakaharap sa amin habang akay-akay si Rayver.
"Mukhang nakalimutan mo ang usapan natin sa Japan. Nga pala I miss you" Ngayon mediyo malambing ang pagkakasabi niya niyan. Lumapit si Damon kay Melissa at nagulat kaming lahat sa nakikita namin..... Si Damon..... Si Damon h-hina-hinalikan si Melissa sa labi at talagang sa harap naminig lahat!! Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Rayver at hindi nagtagal napalitan yun ng naiiritang expression.
"Oh~! What a show" sabi ni Dave na may nakakalokong ngiti.
"*Ehem!* Pwede bang tigilan niyo muna yan? Nagkakagulo na nga't lahat nag landian pa" Seryosong sabi ni Andy. Nakabalik na pala siya. Dinala kasi ni Andy sa itaas si Pierce. Bumaling ako kanila Damon. Sira*lo tong g*g*ng toh oh! Hawak pa talaga yung magkabilang pisngi ni Melissa at dahan dahang humiwalay kay Melissa.
"H-hoy! S-sira kang g*g*ng k-ka! B-bakit mo h-hinalikan s-si Tanda?!" Biglang sigaw ni Harvy. -____-
"Tss. Magrereact ka na nga lang late pa" sabi ko sakaniya habang naka poker face at nakakibit-balikat. "Aray" Sabi ko pero walang emosyon. Paano binatukan ako.
"Tindi naman ng reaction neto. Binatukan ng pagkalakas-lakas tapos ang reaction ganito lang 'Aray'" Biglang singit nung isa dun sa Marias tapos ginaya pa niya yung pagkakasabi at yung itsura ko nung sinabi niya yung 'Aray'