Hey! Guys! Angas ba ni author kasi sunod sunod yung updates? Di naman! Wala lang talaga akong ginagawa kaya ganun! XD
________________________________________________________
- - - - - - Chapter 15 - - - - - -
~KEVIN'S POV~
Papunta na kami ngayon sa cafeteria nagugutom na daw kasi si Nique. Sila Kuya Harvy, Kuya Aqui, Kuya Damon, at Lan sa cafeteria na daw namin sila puntahan lunch break nadin kasi eh. Pagpasok namin sa cafeteria biglang natahimik lahat ng tao ng makita si Nique. Lakas talaga ng impluwesya neto kahit di nagsasalita! Angas! Cool talaga ni Nique!
"Guys! Over here!" Napalingon kaming lahat kay Lan na sumigaw. Nakita namin siya sa isang mahabang table kasama sila yung tatlong Kuya. Dumiretsyo na kami dun.
"Kami na lang ang magoorder" sabi ni Melissa at tumayo kasama si Gab at Kee.
"Uhm.. Tulungan na namin kayo!" sabi ko at tumayo
"Ako din!" Sabi naman ni Dave. Tumango naman sila kaya dumiretsyo na kaming lima sa counter.
~AQUI'S POV~
Umalis na yung lima para mag order kaya ang naiwan nalang dito ay ako, si Harvy, Damon, Lan, Nique, Andy, at Drake.
"Guys ano balak niyo sa week end?" tanong ni Damon. By the way thursday ngayon.
"Tambay sa bahay?" sagot ni Harvy
"Bar hopping?" sagot ni Drake. Playboy.
"Swimming?" sagot ko.
"Who told you that you can have fun this weekend?" biglang sabi ni Niuqe na nakataas yung paa sa lamesa tapos naka kibit balikat habang naka pikit na may headphones sa tenga at nakasandal sa upuan. Bigla siyang nagmulat at binaba yung paa niya saka umayos ng upo.