Chapter 26

180K 1.3K 65
                                    

Scene 1 : First day of December.

"Lezz eat na!" aya k okay Chad. Lunchtime na e. Nauna na yung mga babaita samin.

"I can't." sagot nya sakin.

"What? Why?"

"Training."

"HA?!"

"Psh." then he walked out. Okay- What happened?


Scene 2 : 3rd day of December.

"Banana boy! kain na tayo dali!"

"May training pa kami. Next time nalang ako sasabay sayo." sabi nya at nagmamadaling umalis.

"Eto naman.. ngayon lang e." with paawa effect pang sabi ko.

"A'ishah, please wag mo muna akong kulitin ngayon. Mali-late na ko." tapos nagwalk-ou sya ulit. What the hell? Ano yun?


Scene 3 : 5th day of December

"Oyy, kain tayo." Aya ko ulit sa kanya.

"May training kami."

"What? Ano ba naman yan?" kunot noong tanong ko.

"Ano na naman ba?" tanong nya pabalik.

"Minsan na nga lang makikisabay ayaw mo pa. Can't you just skip for a while?"

"Do you even hear yourself, A'ishah? Baka nakakalimutan mong Team Captain ako."

"Edi fine!" sigaw ko pero tinalikuran nya lang ako. Lalabas na sana sya ng room pero sumigaw pa ko. "Ano magwa-walk out ka na naman? Namimihasa ka ha." Inis na sabi ko at binangga ko sya bago ko lumabas ng room.


Scene 4 : Present day.

"San ka na naman pupunta?" I asked accusingly.

"Training."

"Ah talaga? Baka nambababae ka na?" taas kilay kong tanong. But, he just ignored my statement at tinalikuran nya lang ako para ayusin ang gamit nya sa bag. Pagtayo nya tsaka na sya lumabas.

"Hoy! San ka ba pupunta!?"

"Training nga! Bakit ba ang kulit mo!? Paulit-ulit, brat?" he said with an irritated tone.

"Nagtatanong lang naman tas ganyan ka maka-react. Napag-hahalataan ka e!"

"Look, I don't have time for your stupid Q.A's. Mali-late na ko sa training namin. So will you please excuse me, I'm leaving." Stupid? Stupid daw!? E, tarantado naman pala sya e! Nagtatanong lang naman ako e!

Is he cheating on me? Di pa pag-cold na sayo ang partner mo, nag-iinit na sa iba yun? At ang dapat sa mga ganun binabato ng plantsa. Nabasa ko kasi sa facebook e.

"Wag kang magpapahuli sakin kung may babae ka. Tandaan mo, hinding-hindi ako maghahabol sayo at pagbubuhulin ko pa kayo ng babae mo." banta ko sa kanya tsaka ko umalis. Pero unlike dati, hindi nya ko hinabol. That's new. Nakakasama ng loob.

Dumirecho nalang ako ng cafeteria dahil andun na din ngayon sina Taisha. Ikakain ko nalang 'tong inis na 'to. Bwisit e.

Pagdating ko sa table agad kong ibinalibag ang bag ko kaya nagulat naman sila. "Badtrip na naman ang lola mo. Nag-away na naman kayo?" bungad sakin ni Taisha. I gave her a death glare. "Whoa. So much for saying 'yes' my dear."

"Pang-ilang away nyo na yan? These past few days parang di ko na kayo nakikitang magkasama." sabi ni Kayla.

"Okay pa naman kayo pagkagaling nyo sa Batangas di ba? Anyare te?" tanong ni Hailey.

"Will you girls shut the fuck up? Wala ko sa mood para pag-usapan yung lalaking yun."

"Feisty. Hahaha! Anyare di ka na naman sinamahan?"

"Mukha bang kasama ko sya?" sarcastic na tanong ko Pero ang mga gaga tinawanan lang ako. Nakakainis! Sinabe na ngang wag ng pag-usapan gaganun pa. Seriously? Mga kaibigan ko ba talaga 'to?

Well yeah, I also noticed that these past few days puro na kami sagutan at by the end of the day e, hindi pa din kami ayos. Problema? TIME. Simula ng dumating kami mula sa batangas e, nawalan na sya ng time sakin kaka-training nya. Ni hindi nya na ako naiihatid pauwi. I mean, hindi ko naman sinasabing wag na syang mag-training ang sama ko naman pag ganun. Pero ultimo lunch hindi ko man lang sya makasama kumain? Sana kahit yun nalang e, ibigay nya na. Pero hindi e. Wala na nga syang pakialam e. Masisisi mo ba ko kung pag-iisipan ko sya ng masama?

"Oyy, hinay hinay teh! Di ka mauubusan! Ang dami dami pa dun oh! Kung makakain ka kala mo inaagawan e!" sabi ni Taisha. Paano ba naman kase sunod-sunod na kagat ang ginawa ko dito sa burger. Pero wala kong pake.

"Don't care. Wag nyo ko pakelaman!" Nakakainis!!! Sana madapa kang unggoy ka! Sana matalisod ka! Sa masubsob ka! Sana.. Ack! Damn!

"A'ISHAH!!!" sigaw nilang tatlo. Makatili naman! Yan tuloy yung mga tao sa cafeteria nakatingin lahat samin.

Ubo ako ng ubo namumula na ang mukha ko. Nabulunan kasi ako. Talk about karma. Sorry po, Lord. After some minutes naging okay din ako.

"Ayan kase. Takaw mo, bitch. Kadiri ka. Kababaeng tao, parang pinapagutuman ka sa inyo." pang-aasar pa ni Taisha. I just rolled my eyes on her. Maiinis lang ako lalo pag pinansin ko pa. "Uulit ka pa!? Hoy bitch tumigil ka na! Nabulunan ka na di ka pa nadala?" sabi nya ulit sabay agaw ng pagkain ko.

"Leche! Akin na yan!"

"Tangnang 'to. Kung magpapakamatay ka pwede sarilinin mo!? Makukulong kami ng di oras dahil sayo e! Estudyante, nabulunan dahil hindi pinigilan ng mga kaibigan. Patay!"

"Ha-ha. Verry funny Taisha. Pwede ka ng joker." sarcastic na sagot ko.

"Don't be such an ass. Badtrip ka lang pati kami ginagago mo."

"That's what friends are for right?"

"If that's what 'friends' are to you, thank you nalang. hahanap nalang kami ng bagong friend." sagot ni Kayla

"Kayo imbis na pinapasaya nyo ko ngayon, ginagatungan nyo pa ko lalo."

"Hindi kase masamang magsabi samin." sabi Hailey.

"Psh. Fine.. Pasayahin nyo naman ako oh?" sabi ko with matching beautiful eyes pa yan ha!

"One-word, Yuck." sabay sabay nilang sabi sakin. Mga bwisit 'to!

"Tara sight-seeing nalang tayo!" suggest ni Taisha.

"Count me in!" - Kayla

"Game ako dyan!" - Hailey

"Duh, Taisha duh! Sight seeing? Anong masaya dun!?" inis na tanong ko.

"Bitch please, sight-seeing. Another word for 'BOY HUNTING!' Gets?" sabi nya ng nakangisi. A stupid smile formed on my face. Hehe. Gusto ko yun! Masaya yun!

"Well, ano pang inaantay nyo? Birthday ko? Tara na!" sigaw ko kaya tayuan naman sila at sabay alis namin sa cafeteria.


Brat Girl Meets Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon