A'ISHAH'S POV
Natapos din sa wakas ang pag-uusap naming about kay Sky. Palalampasin nya nalang daw muna iyon dahil may game sila ngayon at wala na syang panahon para problemahin pa si Sky.
Right now, nasa gym na kaming apat. Ang dami ng tao. Pati na din yung mga estudyante ng kalabang school ay nandito na rin para manuod. Sila Chad naman, nauna na kanina dahil ipinatawag na sila ng Coach nya.
Agad na kaming pumunta sa pina-reserve na seats ni Alex sa front row. Talagang dun nila kami pinapwesto para daw makita naming yung laro nila sa malapitan, pero nung palapit na kami sa mga upuan may apat na babaeng biglang dumaan sa harap naming at inunahan kaming umupo dun sa dapat na uupuan namin.
To think na binangga na kayo, hindi pa nag-excuse, hindi nag-sorry sa pagkakabangga sa inyo at inagawan pa kayo ng upuan. Wow. Just wow!
"Baka gusto nyong lumayas sa pwesto na yan? O gusto nyo pang ako kumaladkad sa inyo para lumayas kayo dyan?" nanggigigil na sabi ni Taisha sa kanila kaya napatingin yung apat samin.
"Bakit may pangalan nyo ba?" sagot ng isa at tumayo pa it kaya naman itinuro ni Hailey yung pangalan na nakadikit dun sa upuan. Pahiya lang. Tss.
"Kita nyo na? Reserved e. Layas!" sabi ni Hailey sa kanila.
"Paano kung ayaw naming may magagawa kayo?" sagot ng pangalawang babae kay Hailey. Tumayo din ito sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa.
"Paano kung meron? Lalayas kayo?" sagot naman ni Kayla. And this time, tumayo na yung dalawa pang babae at pinagtinginan na kami ng mga estudyante
"Gusto mo bang ilampaso ko yang mukha mo? Matapang ka ah!" sagot sa kanya nung pangatlong babae kaya naman nainis na ko.
"Gusto mong pasabugin ko mga nguso nyo? Nasa teritoryo namin kayo kaya umayos kayo." seryosong sabi ko kaya sinamaan nila ako ng tingin.
"Kung makapagsalita kayo kala nyo ang gaganda nyo! Ibagay ang ugali sa mukha!" sagot nung pang-apat na babae kaya natawa na ako.
"Bitch please, ang kagandahan naming halos wala ng mapaglayan. Sobra sobra na kaya kahit mag-inarte pa kami dito pwedeng pwede. E, kayo? Asan ang mga ganda nyo? Ano excuse nyo?" sagot ko kaya naman nagtawanan sina Taisha pati na ang iba pang estudyanteng nakaring.
"Girls, pabayaan nyo na yang mga feelingerang yan. Wala kayong mapapala pag nakipagtalo kayo sa mga ganyang tao. Tayo ang nauna kaya manigas sila dyan. At isa pa, hindi naman sila mapapansin nung mga players. Sa itsura nilang yan? I doubt it." sabi nung unang babaeng nagsalita kanina. Nagtawanan silang apat saka umupo ulit sa dapat na uupuan namin.
Sakto naman biglang lumapit samin ang isa sa mga team mate ni Chad at inapproach ako. "Miss A'ishah, nagpag utusan po ako ni Captain na sabihin ko daw sa inyo na dun na daw po kayo maupo sa katabing bench ng mga players para daw po di kayo mahirapan dito."
Medyo malakas ang pagkakasabi nya nun kaya naman narinig din yun nung apat na epal. Tumango ako dito at ni-lead nung guy yung daan.
"Let's go girls. Narinig nyo naman ang utos ng BOYFRIEND ko di ba? Hayaan nyo na yang mga impakta dyan. Kanilang kanila na yan at kahit pa isaksak nila yan sa mga baga nila okay lang." nakangising sabi ko saka kami naglakad paalis.
"Hindi pala mapapansin ah? Hahahaha!" parinig ni Hailey bago pa kami tuluyang makalayo. Kitang kita naman sa mga mukha nila ang pagka-inis. Take that, losers.
Saktong pagka-upo naming sa bench na iyon ay nagsimula ng magsalita ang emcee.
"Let us all welcome the champions, Princeton SP Academy's Black Dragons!!!"
BINABASA MO ANG
Brat Girl Meets Bad Boy
Narrativa generaleA'ishah is not your typical spoiled-brat princess. She's mean, she fights a lot, she says whatever she wants but deep inside she's just fragile, she don't want anyone hurting her or any of her loved ones and yes, she do have a heart. Chad is not the...